What to Do. What to Do.

Akala ko late lang ulit mag-aannounce si mayor ng #walangpasok nung ika-23 ng Agosto. Mali ako, paggising ko ng alas-kwatro ng umaga, nabungaran ko ang text message ng Head Teacher, “May pasok na po tayo ngayon. See you all.”

Sinukluban yata ko ng katamaran at naghangad pa ko ng mas mahabang bakasyon.

Larga. Di ko dinala ang mga school gadgets ko. Di ko kasi inisip na papasok nga ang mga bata. Pagdating ko sa school, walo sa kanila ang pumasok! Aba, gusto talagang magkaron ng Certificate of Perfect Attendance for August 2013. Tignan natin kung sino sa kanila ang hindi aabsent sa mga nalalabing araw ng buwan.

What to do. What to do…

Naalala ko yung binigay na book ni Sir Jonathan, buti na lang hindi ko pa nagagamit. Balak ko kasing gamitin yun sa kanilang writing activity para sa 2nd grading period pero mas angkop na panahon ang araw na iyon para dun. Tulad ng orihinal na plano ni Sir Jo, babasahin ng guro ang bugtong at iguguhit ng bata ang sagot. Nakabuo sila ng kani-kanilang SINO AKO? Booklets pagkatapos ng gawain.


Natapos na. Ano naman ang gagawin namin?
Umupo kami sa isang maliit na bilog at nagtanong ako sa kanila:

If you have a pet butterfly, what will you name it? An octopus? An eel? A tiger?
Funny answers.
Then they got bored.

Nagtanong ulit ako:
Ano yung pinakapaborito mong ginagawa natin dito sa school?
--Cher yung experiment po na naghalo-halo kami ng mga vinegar, toyo at mantika. (Sa totoo lang, hindi totoo yan. Sila na lang naghalo-halo ng mga yan. Ang gagawin lang naman nila nun eh i-explore ang properties ng liquids. Kasama dun ang paglilipat-lipat ng mga materyales sa iba’t-ibang lalagyan. Napaka-simpleng experiment, pero alam ko ngang nag-enjoy sila kahit nagkanda-amoy suka at toyo sila pagkatapos nun.)
--Cher yung I Wake Up
--Cher yung exercise na jumping jack
--Cher yung magbabasa

Ano yung bagay na natutunan mo ngayon pa lang na hinding-hindi mo makakalimutan kaylanman?
--Cher yung solid, liquid, gas

Kung mag idadagdag sa mga ginagawa natin, anong gusto mo?
-- yung mas mahabang mental math po… (we tried minute madness for mental math-add as many as you can as the teacher dictates the pair of numbers to be added or subtracted) 

Di pwedeng dagdagan ang oras para sa mental math. It aims to let them practice faster thinking and confidence in speaking in front of the class.

Hay.. Ang saya lang ng araw na yun. One-on-one with each of them. Kung pwede lang na ganun. Next year, 40 kids nalang strictly per class as we get complete implementation of Currciculum for K-3.

Tapos na ang first grading period. Di ko pa tapos ang grades. Ang hirap “gumawa” ng grades. Ang sakit sa loob “magcompute” ng grades lalo at wala namang ico-compute dahil na rin sa dami ng interruptions sa class namin the past few months. Kapabayaan ko na din siguro na dapat ko nang baguhin para sa susunod sa grading periods ay di na ko mahirapan. Sa totoo lang, ang pagbibigay ng grades ang pinakanahihirapan akong gawin. Alam kong kelangan ko tong gawin. Dito ko din kasi makikita kung effective ba akong guro. Takot lang din siguro akong malaman kung may natututunan sila, baka kasi wala L

Hindi ko alam kung pano ko sisimulang mahalin ang assessment and evaluation aspect ng patuturo. Alam kong importante ito. Sa katunayan, isa ang Research and Evaluation sa mga options kong maging  major sa future MA studies ko.

Oo nga pala, malapit na ang Second Semester.

Malapit na din magtapos ang Agosto. Tapos na din ang birthday ko. Matanda na naman ako ng isang taon. Umalis na si Maring. Wala pa sa 15 ang bilang ng araw ng pasok sa paaralan sa buwan na ito.  

Maraming salamat  sa lahat ng bumati. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.

Malapit na ang September! Papatak na ang –ber months. Kakaiba ang galak na hatid ng –ber na mga buwan!




Comments

  1. Touch naman si ako. Mabuti naman you were able to use the book and the suggested activity. Babalik ako sa klase mo para mag evaluate, ha,ha,ha.

    Thank you so much for the mention and I know the children are learning from your teachings as shown by our dedication and patience with them. Have a great week!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahihihi...sana nga po talga cher jonathan.. eto tapos na ang first grading.. marami pa kaming backlogs sa lessons lalo na sa english, pero siskapin kong magawa lahat ngayong last week of august para ang september ay start na ng lessons for second grading.....

      Delete
  2. Kami din po maam halos walang klase sa kolehiyo dahil kay bagyong maring..
    Buti naman po at handa kayo lagi sa pagtuturo..
    Nag bblog din pala kayo.. Nice to land here in your whereabouts..
    will back read...
    God bless po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for dropping by :)

      kelangan kapag teacher ay mabilis mag-isip at hindi sinasayang ang academic time. Mahirap pero I'm getting the hang of it.

      Delete
  3. ang sasarap talagang kausap ng mga bata nu, napaka pure
    and honest nila wlaang halong pretension. nice ung ganyan
    interactive na activity mag eenjoy sila nyan for sure

    ReplyDelete
    Replies
    1. Check.

      Nakakawala ng pagod ang mga ngiti nila. Nakakawasak ng puso ang lungkot at hinagpis nila.
      Naku, kelangan kong magbasa ng kung anu-ano para di ako maubusan ng mga gimik sa kanila..hehehe

      Delete
  4. Nakakatuwa mga pupils mo:) para gusto ko maging bata uli at makipagtanungan sa yo:) Nice experience:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku mamijoy.... sobrang aliw... for sure, ikaw kapag kasama mo din ang mga apo mo, mas nararamdaman mong maging bata at naaliw ka sa kanila.

      Delete
  5. Birthday mo? Belated happy birthday...
    Di ko ma-imagine na nagtuturo ako... pero several years may mga offer sa akin sa High School. (Chemistry at Physics, haha, kala mo kay galing ko dun : ) Anyway, ang tyaga talaga ng mga teachers. Patience at hardwork ang puhunana nyo... Di ganung kadali lalo na sa puyatan sa paggawa ng lesson plans at computation ng grades..kaya I salute GOOD teachers!! Always keep up the good work, Ma'am!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sir, di pa huli ang lahat! pwede ka pa magturo :D hihihihi...
      Salamat, Sir. we need a pat on the back every now and then.
      Salamat din po sa inyon frequent na pagbisita saking pink wall..hihihi

      Delete
  6. belated happy birthday.

    at nakakatuwa naman ung mga students na pumasok.

    may halu-halo pang toyo at suka. kala ko magluluto sila lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Sir Bino! Nagpunta ka pala ng Baguio, pasalubong! Hehehe

      kung anu-ano naiisip nila eh noh... hehehe

      Delete
  7. pati pala sa loob ng classrom humahashtag random kayo Teacher Kat, kaaliw ahehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yuh. Kelangan may variety kasi nabobore sila minsan kapag andaming routines..

      Delete
  8. pero mam yccos mas masaya naman kapag kaunti lang ang estudyante mas madaling kausap hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. i know right. at napaka-peaceful ng classroom. hihihihi

      Delete
  9. Ang sipag naman nung 8 kiddos na yun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kasi gusto nila ng Certificate of perfect attendance...hahaha... nireremind nga ko lagi eh.. bwahahaha

      Delete
  10. aw i really admire you ate, cause teaching is in your heart...isinasaalang alang mo ang mga matutunan ng mga bata.. saludo.

    ReplyDelete
  11. Parang nakakaaliw yung mga tinuturuan mo. :) I have always admired teachers who teach because of passion. Saludo ako sayo! :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

It's her time to go.

11 Sept 2023

29 Sept 2023