2nd PBO Bazaar!

To support the next outreach program, Pinoy Bloggers Outreach (PBO) held it's 2nd PBO Bazaar last October 26-27, 2013 7am-7pm at the Quezon City Memorial Circle.

PBO had been very active in doing outreach programs this year in several places. You can go and check out the stories in our official blog page: PBO


Day 1

Seven AM calltime and everybody arrived just in time to help in setting up..... 



We haven't completely set up the booth, people started coming and checking the items.....



She bought goodies worth Php 1000.00!

Look who got Ms. B's pre-loved items.... Tinawaran pa talaga yan ni Kuya. Pero dahil si Christian ang nakatoka sa kanya, bonggang tawad siguro ang nakuha nya... Lols... 


Kita nyo naman may bigshot blogger kaming kasama. Bazaar + book signing. Di ko lang alam kung may porsyento ang PBO sa mga librong nabenta sa bazaar.. Hehehe.... 

Sir Glentots ng famous blog WICKEDMOUTH

Ang mga sexy  hardworking salesladies....  


PBOers na nakapunta sa Bazaar nung 1st  Day :) Ang saya namin diba? Ang sarap kasi ng Saba Con Yelo dun sa Cez'Ling Paris. 



Day 2

Bongga ang Day 2. Merong Project Makeover na naganap at bonggang Sale sa lahat ng items!

Mas mabilis kaming nakapag-ayos ngayon.


Ayan, while waiting for customers, picture-picture din ng ..... pwet :P 


Siya si Patrick, nangongolekta sila ng mga plastic bottles sa loob ng QC Circle para maibenta sa Junk Shop. Nung mapadaan sa booth, kasama ang ate nya, umupo sila sa tapat ng mga libro at nagsimulang animo'y nagbabasa ng mga novels. Naisip nilang bigyan sila ng mga libro at bigyan ng TOTAL MAKEOVER.





 Umalis silang magkapatid na masayang-masaya. 


Tuloy ang pagtitinda! 




All items must Go! 


At the end of the 2-day bazaar, we had a Gross Sale of Php 17,810.00 Napakalaking tulong para sa susunod na project. Mas marami tayong magagawa. Mas malayo pa ang mararating ng ating mga malikot na imahinasyon at mapagbigay na mga puso.

To the founders of PBO, thank you for letting us in this group. Had it not been for your initiatives, we will not be experiencing this joyous feeling of being able to help others. To the people who donated their pre-loved items, thank you too! Your donations will go a long way, will make those who bought it smile, will reach many and will touch the souls of those in need. To those who were able to come and volunteer on the days of the bazaar, you know who you are, thank you. 

PBO, thank you for having me. Rest assure that I will support this cause in any way that I can.










10.21.2013 Merry Monday

It was a regular Monday afternoon when I got home. I had loads of test papers with me. Unchecked or I don’t even want to check but I have to. Oh well.

When I get home, I would drop all my bags on the floor in the living room. Then, I’ll kick off my shoes. Would start unbuttoning my uniform as I walk up the stairs towards my room. Change to house clothes. Lie in bed. Grab my tab. Check my phone. (I usually forget to bring my phone to school).

Let the Merry Monday Begin

Two missed calls and several messages all from the same number. 
It’s Dadi Jay.

He is in the country for vacation with his family. Last August, he was one of the people who took time to read my Wishlist. He asked for my address and contact numbers and promised that he will fulfill one on the list. Then he said, if he cant send it in soon, he might just give it to me when he gets here this coming October. October came and I’m not really that type who would remind people about promises or I would even forget about it altogether. Dadi Jay did not forget about it and is very much willing to fulfill one of my many wishes! As I check my facebook, he also left a few messages and had made suggestions for the plays or concerts I can avail through his as he would call it, “random act of kindness”. I am left speechless for a little while. I can’t seem to say anything. My mind is clouded with many thank yous!

We also had a bit of chitchat about his stay and catch up about a few friends, then later on, he asked if I could meet him up at Trinoma so he can hand me his gift since he will be back to the province the following day to reunite with his family. Of course, I said yes! (baka kasi magbago pa isip na DadiJay about my gift, sayang naman, Hahaha)


It was a very quick meet up at Kenny Rogers because he is also scheduled to go to DFA to pick up some documents. He handed me a paperbag with a book and little sand souvenir from Dubai. Because of him, I can definitely watch MAXIE THE MUSICAL, wishlist #11, good as fulfilled. Though the play is set to start on November 9, as early as now, I know, I’ll watch it! I’m so excited! He talked about his ongoing hiatus in blogging, on it’s 5th month now. But I bet, he will be back soon! Of course, he will be. He also plans to meet a few more bloggers while he is here. I hope to meet him up again and his cute little kiddo, Caleb.  A little more talk about online stocks and investments. He said, it’s what keeps him up and busy lately. It feels good to know that we are all getting concerned about our future and financial stability. A few more updates about common friends and it was time for him to go.  More or less than 30 minutes of talking to him, obviously was not enough but hopefully, we could do it again some other time on a more relax setting.  So, we parted ways our goodbyes and wish other well. As I walk my way out of the mall, I am still smiling, as I ride the PUJ, the tricycle and all the way home! I can’t help it. The big smile is painted on my face. I feel so blessed. 


The Merry Monday Continues

Kuya called up to ask if I can pick up the guitar later that evening.

I always wanted to have a guitar of my own, we only have one at home and I can’t just bring it with me to my new house. So when Kuya decided to give his guitar, I am lucky girl!

Last summer, he decided to let go of his violin, which my younger siblings gladly took, and until now, they are still struggling to learn it. I had no plans of stressing myself with it. Though they say that it really is a destressor. Oh well, let them have it. I am glad of my new guitar.


It’s a Fernando Acoustic Guitar with a built-in Electronic Tuner which would really make my life easier. I met him at UP Technohub around 9:30PM, his work starts at 10PM. I wish we could talk longer, I miss the good old days when we were still together, studying at the same university, sharing our ups and downs. Now that we are both working, we rarely have time to catch up, we just Hang Out. Hehehe. The maker of that app was so witty to name it that way.


It was already 10:30 PM when I got home, way past my bedtime. When I saw my bed, I finally felt tired and sleepy. As I lie in bed and recall what happened to my Monday, saying that it was a merry Monday is an understatement, it was a BLESSED Monday. 

Thank You Lord for letting me have these wonderful, generous people in my life. May they continue to share their blessings and inspire the people around. Just like them, let me be a blessing to others in my own little way, every day.

Sulat Kay Papa



Ilang beses na kitang pinaiyak pero pagkatapos ng balde-balde pagluha, kakausapin mo ako na parang walang nangyari. Marahil kung sa ibang lalake nangyari yun nang unang beses, di na mauulit pa yun. Di ko na din sya makikita.Pero ikaw ang nag-iisang lalake sa buhay ko na kahit ilang beses ko paiyakin, tatanggapin pa din ako nang buong-buo. Wala nang ibang lalake dito sa mundo ang gagawa ng ganun para sakin kundi ikaw.

Ilang beses na kitang binigo, kahit na ayaw muna kitang makita, tatawagin mo pa din ako at magsasabay-sabay tayong kumain sa hapag-kainan. Ilang beses na kita sinuway pero paulit-ulit mo akong pinapatawad at binibigyan ng pagkakataon para patunayan sa sarili ko at sayo na may saysay ang buhay ko.

At kahit ilang beses ko man tangkaing suklian ang kabutihan mo sakin at saking mga kapatid, hinding-hindi nito mapapantayan ang sakripisyo nyong dalawa ni mama para mapalaki nyo kaming mabubuting tao, may paggalang at may takot sa Diyos. Hindi ka malambing pero ramdam ko naman ang pag-aaruga mo. Naalala ko pa nung bata ako pag may sakit ako, ikaw ang napupuyat at hindi si Mama.

Tinatakasan ko ang mga pagkakataong nais mo akong makausap ng masinsinan. Yun bang pupunta ka sa kwarto namin habang nagbabasa kami ng kanya-kanyang mga libro, nagdutdut sa laptop, naglalaro o kaya naghaharutan lang. Pasimple kang papasok sa kwarto namin. Kunwari pagagalitan mo lang kami kasi ang ingay namin tapos uupo ka na din at kukumustahin kami isa-isa. Tapos magkukwento ka na. Tatanungin kami tungkol sa pag-aaral o trabaho namin. Ilalahad ang mga plano mo tungkol samin. Alam naman naming hindi mo yung ipipilit  kasi alam mo naman na meron na kaming mga sariling mga diskarte.

Kapag may pag-aalinlangan ako sa mga gusto kong gawin sa buhay ko, ikaw ang unang taong pagsasabihan ko. Kailanman ay hindi ka nag-atubili na bigyan ako ng oras, ng payo at panalangin. Sa bawat desisyon ko, andyan ka para suportahan ako. Sa tuwina’y laging kaakibat sa pagtuturo mo sakin ang pagkakaron ng tapat na pananalig sa Maykapal sa oras man ng kabiguan o tagumpay.

Ngayong nasa edad na ko na naghahangad na din magkaron ng sarili kong pamilya, laging nasa isip ko na nawa'y makatagpo ako ng ay isang tulad mo—masipag, mapagmahal, may takot sa Diyos. Gusto kong magkaron ng katuwang sa buhay na tulad mo.

Ngayong matanda ka na, nais kong ay maramdaman mo ang ginhawang tila mailap satin nung mga bata pa kami. Ang walang kapantay mong kasipagan ang naging susi para makapagtapos kami. Kapansin-pansin ang ngiti sa iyong mga labi tuwing magkukwento ka tungkol sa mga panahon halos hindi ka na makatulog, makapagtrabaho lamang para mabuo ang pera para sa matrikula. Kakaibang pagpupunyagi ang nasa puso mo habang binabalikan mo ang nakaraang iyon. Ramdam ko rin ang pagmamalaki mo kapag nakukwento mo kaming mga anak mo sa ibang tao.

Ngayong matanda ka na, gusto kong gawin mo na mga bagay na sabi mo noon ay hindi mo magawa nang lubusan- mamundok, tumugtog, gumawa ng kanta, at manood nang manood ng tv. Balita ko nga, magaling ka na din mag-Youtube.

Lagi kong ipinagdarasal na bigyan ka pa ng mahabang buhay, kayong dalawa ni Mama. Para magkaron ng pagkakataon ang mga magiging anak ko na makilala kayo at maramdaman din ang pagmamahal nyo.

Sa bawat desisyon ko at mga balakin sa buhay, lagi kayong kasama.  Ang bawat tagumpay ko, sainyo ko alay. Ang bawat pagsubok ay aking susuungin na kayo ang inspirasyon. Kayo ang nagturo saking maging matatag at manatiling may pananalig sa Maykapal sa kabila ng maraming unos na dumarating sa buhay.

Salamat, Pa. Ikaw ang numero unong lalake sa buhay ko.

Mahal na mahal kita.


Ang sanaysay na ito ay aking opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 2013.