Randomthoughts 20 Sept 2016

8:51PM

1. Pagkatapos nito, matutulog na ko.

2. Laging masakit ang ulo ko lately. Nakakatamad at nakakapagod magsalamin. I know. I know. Oo na, bukas magsasalamin na ulit.

3. Masakit sa ulo ang mga balita. Isa pa yan!

4. Anong updates about rehabilitation of affected islands in Batanes?

5. Yung manonood lang ako ng balita pero gusto ko magmura nang pagkalutung-lutong. Gusto kong batuhin ng kamatis ang TV, gusto kong sigawan ang mga senators o kaya i-pa-sit in the corner or face the wall sila, anakngtokwa eh! Parang mga bata kung magsi-asta. Eto namang si De Lima, hanggang sa hukay, magdedeny, kunsabagay, she dug her own grave on the day that she disapproved of Duterte.

6. Half-way na ko sa paper ko na due sa Saturday aka third draft. Yahooo! Promise bukas tapos na yun :)  Di ko nga actually alam kung anong isusulat ko eh. Pero, ayun, sulat lang nang sulat ayon sa naintindihan, pwede naman magtanong kapag na-sabaw. Haha

7. Kapag kasabay ko si crush, ramdam kong male-late ako. Hayst. Crush turned curse. Sadness.

8. Sabi ko kanina, kapag nasimulan kong i-encode yung assignment ko, reward ko tong, walang kwentang paghahanash at pagsulat nito.

9. Buti na lang walang tindahan ng froyo na malapit sa school, kung may yoghurt man, eh yung nasa grocery, kasi baka ika-bankcrupt ko ang pagkain nito. Ang sarap eh! Ang sarap ng asim!

10. Napanaginipan ko kagabi na nalaglag yung 2 ngipin ko, tapos nicheck ko sa meaning of dreams, sabi dun: "it denotes unhappy states that the dreamer will be plunged into from no carelessness on his part." Eh lagi naman akong malungkot at may sumpong lately, may bago pa ba?

11. Kapit lang sa pangarap. Matutupad din ang lahat!

12. Sa ngayon, antok na talaga ko.

13. Hanggang ngayon, di ko pa rin alam if yung gutom ang may sala kung bakit ako laging inaantok or yung antok ang may sala kung bakit ako laging gutom. Which is which?

14. Kahit kelan talaga, nakakagutom mag-isip. At nakakaantok mabasa ng textbook. LOL

9:05PM

1 comment:

  1. Nakakamiss mag-aral. And stop watching the news! Walang magandang maidudulot yan!

    ReplyDelete

don't be shy, i'd love to hear from you....