Today is Monday


Sunday, August 8, 2014
If I would have died that Sunday night, I would have died happy and contented.


****
Nasabi ko yan sa sarili ko matapos kong makarating ng bahay pagkatapos ng isang napakahabang araw ng Linggo para sa akin. Alas-diyes na din ng gabi nang makarating ako sa lugar kung san ako nakatira. Buti na lang pinasabay ako ni Dadijay at naihatid na din ako derecho. Hindi na kami umabot sa gate ng compound kasi may patay na tao na nakalatag sa gitna ng kalsada. 

Napatigil ako. Pano ko tatawid? Unang beses kong makakita ng bangkay sa ganung kalagayan. Ang mga nakikita ko noon ay puro nasa ataul na. Minsan pa nga, hindi ko masilip kasi meron akong takot sa kamatayan. Dumaan ako sa gilid ng kalsada, at si Dadijay naman, pina-U-turn na yung sinasakyan nyang cab at bumalik na ng EDSA para sya naman ang makauwi. 


Ayon sa aming kapitbahay na syang may update tungkol sa nangyari kagabi, walang krimen nangyari sa aming lugar. Ang bangkay ay isang taxi driver at sadyang inilagak ang kanyang katawan sa aming lugar matapos nakawan at tangayin ang kanyang sasakyan ng mga masasamang loob. Pero ayun na nga, pinag-iingat pa din ang lahat dahil may mga aali-aligid sa paligid. Buti na lang din, tapos na ko sa gimmick stage ko, at di na ko madalas umalis o umuwi nang alanganing oras.
****

Ang saya ng Linggo ko. Understatement pa nga yata yan. NAPAKASAYA ng Linggo Ko!!!!!!!!!!!!!

Una, dahil ang sarap ng tulog ko nung nakaraang Sabado ng gabi. Sobrang pagod din kasi.


Typical Sunday morning sa bahay, busy ang mga tao at pila sa banyo bilang paghahanda sa pagsisimba. Ako naman, pupunta sa kusina, titingnan kung anong niluto ni Mama para sa almusal. Usually, kasabay ko ang bunso kong kapatid kumain at si Papa naman, pagsasabihan kaming bilisan dahil magsisimula na ang Sunday School. Di na ako nakaka-attend ng Sunday School. Regular Preaching Service na ang karaniwang naaabutan ko. Di ako nakakasabay sa kanila sa pag-alis dahil antagal kong kumilos,  minsan pa nga, na-dedemonyo ako at tinatamad magsimba. Pero hindi pwede, masyadong marami akong pagpapalang natatanggap at isang araw lang ang hiningi Nya sakin at sa aming pamilya. Ganito ang kinamulatan kong Linggo. Pag-uwi, sabay-sabay kaming manananghalian. Update-update sa buhay ko. Anong mga kinain ko. Ipagmamalaki kong Sabado na lang ako kumakain sa McDo na malapit sa bahay at nakakapagluto na ako ng baon ko araw-araw :D :D 


Minsan, nafu-frustrate ako sa bahay. Sa bahay mismo namin. Antagal nang panahon pero hindi pa rin naipapaayos nang maayos na maayos talaga. Halos mabuwag nga ni Glenda yung isang side. Buti na lang hindi. Hay. Pero minsan napapaisip ako, mapalad pa din ako, kasi sa bahay na to, kasama ko ang pamilya ko. Ang Papa kong walang bisyo at sobrang sipag. Ang nanay kong walang kapantay sa kabaitan. Ang tatlong mga kapatid ko na sobrang maunawain at minsan nga, mas mature pa mag-isip kesa sakin. Konting tiis pa, matinding pagbanat pa ng buto, at maipapatayo din namin ang isang mas maayos na bahay. Tiwala lang. Ipagkakaloob din Nya yan. 


Kinahapunan, tumambay kami ng dalawa kong kapatid na babae sa paborito naming Cafe de Lipa sa Market-Market. Ilang oras lang pero masaya lang umupo at tumawa at manood ng mga cute videos ng mga hayop na pinipili ng kapatid ko. 







Hindi pa tapos ang araw!
Naka-schedule din ang meet up with blogger friends! Minsan lang kasi nandito si Cher Jo ng Metaphorically Speaking, and I wouldn't ever miss this chance. Buti na lang hindi ko talaga na-miss! Kasama si Geosef Garcia, Mark Patatas at Archieviner, nakipagkita kami kay Cher Jo sa Shangri-La at dahil wala naman talagang maayos na plano, ay napadpad kami sa Silantro Fil-Mex Cantina sa may Pasig Kapitolyo. Hindi ko din kasi alam kung san sila dadalhin. Haha. In-appoint ko na talaga ang sarili ko. Wahahaha... Masarap ang pagkain, mas masarap ang kwentuhan! Nakikita ko ang pagbabago ng facial expressions ni Cher Jo sa mga bagong kaalamang ibinabahagi ni Sep, Mark at Arvin. Binigyan nya kami ng pasalubong from Japan!!!! Kitkat Green Tea at meron pa pala akong advance birthday gift! Si Hello Kitkit and relatives! Hihihi. Haynaku, walang humpay ang pasasalamat ko, hindi ko man alam kung anong nagawa ko para makatanggap ng regalo, pero hindi na pwedeng bawiin :P Hihihihi. Salamat po ulit! 






May humabol pa!
Umabot pa kami sa Greenfield. Wala nang gusto mag-kape.  Habang inaantay si Josh, naupo muna kami sa may bench at nagkwentuhan pa din. Hindi maubos-ubos ang asaran. Sa Coal na namin hinintay ang pagdating ni Dadijay at na-extend pa ang halakhakan ng ilang oras hanggang sa napagkasunduan na to call it a day. 




It was indeed a long day. But it had in it all what a BEST day could offer in me:

Sleep
Family
Love
Friends
Smiles
Hugs
Kisses
Laughter
Good Memories

Going back, if I died that night, I would have died happy and contented. 

But I did not, early this morning, my alarm clock woke me up and reminded me that I am back to my weekdays routine. That I am still ALIVE. I still have more chances and opportunities to make many BEST days.

Today is Monday. I am alive.


15 comments:

  1. Katakot naman yung me nadaanan kang bangkay...hehe


    That was nice. sana mamet ko rin kayo minsan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Just name the place and the date, Papa Froi, and I'll be there! *hihihi*

      Delete
    2. Sureness! Ilang buwan na lang! Haha.

      Delete
  2. Pagkatapos ko basahin to, feel ko eh bipolar ka na. *hahaha* May nakaka-trauma ka ng krimen na natunghayan, masayang-masaya ka pa? LOL

    Pero in fairness, masaya nga talaga yung EB. Mas enjoy kaysa nung first EB nung January. Though wala nga lang sila Rix at Fiel. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dadalawin ulit natin si Fiel sa susunod! Hihi. Mej short notice din naman kasi tong invite natin kaya di nakadalo ang iba.. Hehe..

      Ang saya. Sulit sa pagod. :D

      Delete
  3. the best naman ang meet-up na yan :)
    pwede bang i-photoshop yung picture with me hehehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaaa!!!! Cher Jep, sa susunod! Sama ka na ha :) yung legit na sama. Di ako marunong mag photoshop eh. Haha. Kaya kelangan sumama kna :)

      Delete
  4. Ang bilis mag post, walang anuman sa lahat-lahat. It was so fun at buti na lang may glasses ako to catch my eyeballs. Anyway, maganda yung pagkakahabi ng mga thoughts ng post na ito, lalu na ang mensahe. Kaya nga kahit gahul ako sa oras, lagi kong bibigyan ng puwang para sa inyo. Abangan ang aking post tungkol dito, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. The best things in life talaga are free! Salamat ulit Cher Jo sa lahat. You have so much to share... Makakabawi din ako sayo. Hihi., Enjoy school opening! I look forward to your Japan trip story :)

      Delete
  5. Napagawi ako dito kasi naaalala ko ang Mickey Mouse errr..este ang Hello Kitty na gift sa'yo ni Cher Jo. Pag naaalala ko yung sinabi ko parang lasing lang ako ng tinuran ko yun eh..not meaning the word mickey mouse but in my mind it's hello kitty haha..may gap lang ako. At nawala ang antok ko ng may naabutan tayong 'street murder' sa mismong place mo hahahaha. Kinabahan ako at ang taxi driver lols...kaya di na kami dumerecho. Ang taxi driver nagkwento siya sa akin while we're on our way to the condo na may the same experience siya na muntik na din niyang ikinamatay. Muntik na din pala siyang maholdap ng 4 bulky and muscled guys minsan ng nsa BGC siya nag pick up ng passenger. It's a separate story and his experience crept the hell out of him...nangatog siya to the highest level daw talaga. Anyway, good thing we were able to hang out kahit madali lang :) :) Until we see each other again.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for coming Dadijay that night :) Buti na lang hinatid mo ko.... And yeah, that Mickey mouse question will always be something I'll remember about you. Next time, I look forward to meeting your wife and kiddoes! I offer to babysit! Hihihihi...

      Have a safe flight. God bless you more too!

      Delete
  6. Ang habaaaaaa! Hahaha! Hindi nako masyado mag cocomment, lalu na yunh oart about death.... baka gawin ko na namang bloh ang comment box.

    I would like to see you guys too. Kaso next year pa ang uwi ko. I kinda miss Archieviner's blog. Mukhang tuluyan na nagsara ang kastilyo ni kamahalan?

    Anyway, embrace life. It may be full of shits but it still has a lot of surprises. Tulad ng masayang sunday mo na may bangkay at the end of the day. Surprise di ba? Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Next year?! Sabihin mo lang Sir Trips kung san ka sa Calauag, pupuntahan talaga kita :D :D

      It's Sir Trips and I would be very flattered if you have a lot of things to say about my posts coz that means you took time to read it :)

      Nothing else to do but embrace what life has to offer because no matter what, there will always be a bad moment but never a bad life unless one choose to make it a bad one :D :D

      See you in flesh next year! I declare and claim!

      Delete
  7. ang cool naman. nakakainggit at may bloggers bonding.
    sana maka-rampa ako with you guys minsan, alam mo yun for more more friends. hehe at bagong mundo levels.

    ps

    shokot ang bangkee sa kalsada!

    ReplyDelete
    Replies
    1. to the nth level shokot.. though, sa sobrang pagod ko, i was able to sleep soundly naman that night.. hahaha....
      Let's go Bellini's! Di ko pa na-try dun eh... :D

      Delete

don't be shy, i'd love to hear from you....