Were you good or bad today?


365 QOTD

Were you good or bad today?

Eehh. Syempre half-half…

May training kami kanina sa simula ng trabaho. Tatlong oras. Tatlong oras mga bes. Yung trainer kuno naming, mukhang mas marami pang natutunan samin kesa kami sa kanya. Ang bad ko diba?

Open school ngayong week, meaning, yung mga parentals, pwede mag sit-in sa class para mag-observe. Di ko naming inakalang complete attendance din yung mga mommies ko sa class! Yung mga previous ones kasi, di naman nag-aattend. Pero this one, mukhang satisfied naman sila mommies sa mga naging kaganapan sa classroom, so oks lang.

*****
Sarap mag-tagalog ah. Sarap din magmura ng isang malutong na P*T*** I**.
Wala lang. Masarap lang. LOL.

Ang hyper ko, kasi naman pagkatapos ng work, naki-birthday party of 4 pa ko sa bahay ng power couple friends ko.

Bukas, 3rd time ko na mag-surfing. Napabili nga ko ng may kamahalang sunscreen kasi naanticipate ko na yung pagiging surfer ko sa mga susunod na buwan. Charot! Hahaha

Surf. Yoga. Nihongo. Yan lang naman pinagkakabusyhan ko dito.

Konting kembot na lang, magkakaron na ko ng oras para sa jowatime. Alam ko naman kasing jowable ako noh!

Comments