11 Things I Will Miss


Malapit na malapit na! Magpapaalam na ko sa pagkabampira.

Ang pinakaunang kong career ay nagsimula sa BPO hanggang sa napadpad na ko sa mga “captive sites” companies, at hindi ko ipagkakaila ang malaking pasasalamat ko sa   pagkakataong naibigay sakin sa loob nang mahigit anim na taon. Marami akong natutunan, maraming nais kalimutan at syempre mas marami yung nais kong manatili lalo na yung pagkakaibigan at mga aral sa buhay na nabuo habang ako'y nasa trabaho at nakikisalamuha.

Dahil ako ay magbabagong-buhay, nag-isip ako ng mga bagay na talaga namang mamimiss ko pag umalis ako sa pagka nocturnal being.

1. Airconditioned Office- Ang init ngayon! Obvious naman, ang mga callcenters/corporate centers ay may aircons, may alam ba kayong hindi? Ipagbigay alam sa kinauukulan. 

2. Ergonomic Chair- na most of the time ay ergonomic bed na din. Natuto akong matulog nang nakaupo.--those split-second moments of opportunity para makadaupang-palad si Sleep. 

3. Coffee Vendo- mas gusto ko yung kape sa vendo kesa sa sarili kong timpla.

4. Powerful Computers with Unli Internet (All Access)- Naging malaking tulong ito sa aking online social life, at mukhang medyo mababawasan ang aking activeness sa mga susunod na araw dahil back to school muna ko. Itext nyo na lang ako, o kaya tawagan o kaya i-tweet na din. Pero pasensya pag delayed ang response. Mahina ang signal. Lols. Since I will be staying at the Dorm for two months and probably boarding somewhere after, sa telepono lang ako magiinternet-ang liit L. Until I am all settled na ulit.

5. Magbukas ng Malls- nagkaron kasi ko ng schedule dati na ang out ko ay 10am in the morning at dadaan talaga ko ng mall pauwi ng bahay. Ang sarap mag-grocery at mag-shopping! Ang konti pa lang ng tao, at fresh pa ang mga tauhan sa loob ng mall, good vibes pa ang mga salespersons.

6. Gobyerno Day offs-  like Wed-Thu off, pag may kailangan akong lakarin sa gobyerno, mas madaling asikasuhin ng ganyang mga araw at hindi ako kelangan mag-worry na kulang ako sa tulog kinagabihan.

7. Incentives- it's all about the money baby! Hindi naman maipagkakaila na malaki magbigay ng incentives ang mga dayuhan employers lalo na pag nasa sales or collections department. May monthly, quarterly at annual profit-sharing. 

8. One Day Millionaire Syndrome- meron ako nyan eh. Lalo na pag payday. Pagkatapos maitabi ang mga kaperahang dapat ibayad sa kung san-san, yung tira, di ko na alam kung san ko ilalagay, so ayun, pinapayaman ko si Ayala at Sy, minsan si Manuela din. Pag sinipag, yung mga Koreano at Instik din sa Divisoria, pinamumudmuran ko ng salapi.

9. Food trip sa Madaling Araw- pag off ko kasi, niyaya ko ang mga kapatid ko or anyone  I can drag na kumain ng lugaw o kaya tapsi sa kanto, pag mejo mayaman-yaman kami, sa Mercato o kung san man mapadpad at dalhin ng gutom. Hihi

10. Friends- Of course, I've made friends along the way, it's almost six years! Nakakalungkot umalis, pero sa totoo lang, lagi akong napapagalitan kasi wala daw akong Separation Anxiety—Ano yun? Meron naman, kung alam nyo lang! I just focus on the bright side lagi and syempre always remember our good times. Mauulit pa naman ang mga yun. Pag yumaman ako, magpaparty tayo sa Yate ko. Imbitado rin kayo sa kasal ko (kung merong magkamali) at sa binyag (kapag nakita ko ang perfect genes to match mine).
            Gullible ako at madaling impluwensyahan, so yung pagiging masama ng ugali ko, na-acquire ko lang yan sa mga friends ko. Haha. Joke lang :P Dumating ako sa point na I look forward going to work dahil sa mga taong kasama ko sa opisina not work as may primary motivation anymore.

11. Routines- Log in. Punta sa pantry-kuha ng kape. Ka-catch up with friends while sipping coffee Set up station. Auto in- (alt+tab sa fb,twitter,blog,inq,cnn,emails,ym,pinterest at kung anu-ano pang mga websites) Makiki-langhap sa usok ng cancer break ng mga friends. Magttrabaho ulit habang nag-iisip kung san maglala-lunch. Lunch. Dial out. Cancer-break. Work. Bili pandesal. Uwian. 

From CSR to TSR to Collector to pseudo-Accountant, I am about to embark on an entirely new career, yung talagang pinag-aralan ko at pinaghirapang kunan ng lisensya (joke lang, chamba lang tlga pagpasa ko. haha) It took me awhile to get this opportunity and for sure, I will learn to love it and I will touch other people’s lives, specially those kids I will be teaching. 

I was asked why I want to teach, I answered,  "I want my pupils to look at their diplomas as their passport to their dreams."


Yes, I will be a  Public School Teacher for Grade 3. I will Teach for the Philippines.


Comments

  1. Nice hearing updates from you. Good luck sa bago mong work:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for taking time mami joy :) alam kong ur busy with ur apos and all. Enjoy ur vacay!

      Delete
  2. Awww kaka-touch ng last statements especially 'yung ...passport chorva... kitakits pa rin naman! ngayon pa na we are in a same world...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman :) ill just be around. Happy Birthday! Di na kita na-kiss kanina, nakalabas kna ng office. Hehe..

      Delete
  3. Good luck sa pagtuturo mo sa mga kabataan. Wag mong hayaan silang balinguyngoyin ng kamangmangan..

    Bago ang peg ng page mo pero push yan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. For a new life daw! Chos! Natatakot na ko, ano kayang matutunan sakin ng mga kiddilets aspilets... Hahaha..

      Delete
    2. nyahaha wag mo turuan ng nyorn yan ha :D

      Delete
    3. western nyorn nyorn? hahahaha.. pero ililista ko nga bloopers nila..ahihihi

      Delete
    4. hoooiiii hongsomo mo sa mga bagets :p

      Delete
    5. hindi kaya.. its a tactic to see their progress... oh ha! hahaha

      Delete
    6. ahaha mai-connect lang ha.

      Delete
    7. kung makaplano oh! lol haha pero why not, maganda tingnan ang development ng mga bata at importante din ang journal kat para makita mo pano sila nag grow since nagsimula sila na turuan mo. at ano ang nabago sa kanila nong ikaw ang kanilang teacher hihihihi

      Delete
  4. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga po eh.. sana may matutunan naman sila.. bwahahaha... bisyo ko na po yata ang food trip sa madaling araw..

      Delete
    2. at kailangan sa batangas pa ang kainan? anlayo ha haha lol

      pwese kung food trip lang yan para sayo ano nalang kaya sakin ano hahaha hobby na!! hahahahaha

      Delete
  5. yay mabuhay ang mga guro!!!
    Nkakamiss din ang mga bagay na yan sa callcenter...na miss ko na din ang mga walang kakwenta kwentang inquiry ng mga customer...
    Hindi ko alam kung nanaisin ko pa uling bumalik sa ganyang kalakaran ng buhay... close na kami uli ni SLEEP eh... mukhang hindi ko na uli sya kayang iwanan hehehe ... God bless sa bagong career

    ReplyDelete
    Replies
    1. yay! my emotions are all mixed up as i take this new challenge.. anjan yung, gusto kong bawiin at magstay where im at, but there's this desire as well to be of help and syempre teach talga. Ayun, with prayers and great hopes, I take this career change :D

      Delete
    2. one thing ive learned in life, masarap ang challenge, masarap yong feeling na kinakabahan ka in the process of learning kasi the more kaba the more u learn dahil na-iinstill sa utak mo yon eh.

      take the challenge and ul see the difference. =) (parang commercial ad lang lol)

      Delete
  6. Huwaw naman Kat, ikaw pala ay magiging isang huwarang guro nah :)) Goodluck on your future teaching career!

    Aabangan ko din yang parteh parteh sa Yate ha :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. tapos all the fireworks sa gilid at syempre dahil sasama ako may bomb na rin akong ipplant sa yate hahaha jowk. parang sinasabi kong in 10 years from ang career ko eh suicide bomber na ako hahahaha

      Delete
  7. My mom is a public school teacher for 20+ years, grade 3 po tinuturuan niya before :) pero ngayon, 2 and 3 na, pero SPED po, mga deaf ba :)

    from Myxilog with love <3

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang nasa SPED din ay challenging kasi dealing with differently able children who has special needs too. anything that teaches one person, it makes a big difference already.

      Delete
  8. Ang daming ma mi miss ah! Good luck sa bagong career!

    At may bago akong natutunan: cancer break!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami po talga kuya mar, offshore industry had been my confort zone :P

      Delete
  9. Sabi ko gagawa rin ako nang mga bagay na mamimiss ko tulad nito. Kaya lang lakas maka emo e. Kaya hayaan nalang natin na saluhin mo lahat ng kaemohan. Haha

    Good luck sayo ah :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks arvin, every now and then keri lang mag-emo, wag araw-arawin..hahaha...

      Delete
  10. wooow ngayon pa lang i am so proud of u na mapractice mo ang profession mo, yan kasi talaga ang pinagaralan at pinaghirapan noon kaya baka yan talaga ang para sayo kasi naniniwala ako na kapag hindi para sayo ang bagay madaming paraan na hindi maging sayo yan. tulad kasi yan ng kapatid ko, after pumasa sa nursing exam, kung ano2x ang gusto sa life tapos nag end up din pala sa pagiging nurse kasi yon talaga ang para sa kanya, she asked and prayed for it so yon talaga yon lol

    this is a real career for you kat and make the most out of it, its a noble profession u have there and be proud that u are teacher kasi ul be teaching a lot of kids, ul be making a difference to them too. forever those kids will be grateful sa lahat ng ginawa mo for them esp for teaching them how to read and write yon ang the best!!!

    kailangan may igive up sa buhay para malaman din ano ang para sa atin at para mag-grow din tayo sa ibang bagay. ul be a great teacher kat!!

    ang seryos ko dito hahahahaha lol

    telelelelelalalaala

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napansin mo? Pra kang sinapian dito..haha

      Nevertheless, thank you for the encouraging words, thats just what i need :) Im back to square-one in this career path I am taking, but with the God's guidance and people who believe in me, I know I can do this :)

      Sabi nga ni Cebupac CEO, this fellowship will be beneficial not only to the kids who will be taught, but also to the fellows who will definitely learn a lot in life and in their pursuit.

      Delete
  11. wow! congratulations! :) welcome sa masalimuot at masayang buhay sa pagtuturo sa public school :D mabuhay ka

    ReplyDelete
  12. p.s. masarap sa grade 3 :) swerte mo

    ReplyDelete
  13. Wow sarap naman ng work experiences mo although i know di rin naging madali, teka wala namang work na madali pero dito diko pa naranasan yan na pupunta ako ng work dahil sa mga kaworkmates ko, siguro mostly dahil nalang sa love ko sa patients namin kaya kinakaya ko ang work ko na diko naman linya. Balang araw gusto ko din karerin ang career ko sa IT ehehe. Congrats sa bagong achievements!

    ReplyDelete
  14. Ngayon pa tayo nagkakilala kung kelan paalis ka na LOL still, see you around!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yuh... eh kasi di tayo magkita, pareho kasi tayo maliit...lols... see yah around.. pakabait kayo jan sa office ah!

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!