Para Sayo


Habang sinusulat ko ito, puno ang dibdib ko ng takot. Takot ako kasi baka hindi sapat ang kakayahan ko para matulungan kang abutin ang mga pangarap mo. Takot ako kasi baka hindi mo ako hayaang makapasok sa mundo mo. Takot ako kasi baka mali ang mga maituro ko sayo. At marami pang ibang dahilan na nagbibigay alinlangan sakin kung tama ba ang desisyon kog hangaring maging parte ng pagsisimula mong mangarap. Nag-aalinlangan ako kung may maidudulot bang mabuti ang presensya
ko sa buhay-paaralan mo. Lahat ng ito ay nagsimula sa isang hangarin. Takot man ako subalit di ako napigilan nitong humarap sayo at ilahad ang intensyon kong maging bahagi ng tagumpay mo.

Minsan din ay nagtanim ako ng galit sa mundo naging malaking tanong sakin ang bakit ako nito pinagkaitan ng ginhawa. Hindi hiniling na mamulat na salat sa mga material na bagay. At naghihikahos sa bawat araw. Subalit naisip ko, may ibang kwento ang buhay ko at ang sayo rin. At naghihintay ang mundo na makita ito. Isang kwento ng tagumpay na nais kong maging bahagi kahit sa maikling saglit lamang. Naniniwala ako na ang buhay mo ay isang pelikulang nanaisin mapanood ninuman.

Yung takot ko ay panandaliang napalitan ng galak habang binubuo ko sa isip ko kung anong kwento ng tagumpay ang mabubuo mula sa mga kasalukuyang munting pangarap mo--- magiging isa kang sikat na Engineer, Nurse, Doctor, Presidente ng bansa, mambabatas o di kaya’y isa ka ring tutulong sa
mga batang noo’y tulad mo din ay nagkaron ng poot sa mundo at marami pang iba’t-ibang bersyon ng kwento ng tagumpay na babagay para sayo. Malawak ang mundo para sa mga pangarap mo ngayon, at maraming posibilidad para makamit mo ito. Habang iniisip ko ito para sayo, ngayon pa lang, napupuno na saya ang dibdib ko, ano pa kaya kung maisakatuparan na ito.

Inuulit ko, nais kong maging bahagi ng kwento mo, di man ako mabilang sa mga pinatampok na kaganapan ay sapat nang maging bahagi ako para makamit mo ang ginhawang inaasam pagdating ng panahon.

Kung tatanungin mo ako kung anong kwento ng tagumpay ang meron para sakin, ihaharap kita sa salamin at makikita mo ang sarili mo dahil ikaw ang binubuo kong kwento ko ng tagumpay. Ang Makita kang nagsusumikap sa loob ng silid-aralan na matuto ay isa ng bahagi ng tagumpay ko bilang guro mo. Ang bawat araw na magkasama tayo sa silid-aralan at nagpapakabihasa sa mga aralin ay unti-unting
bumubuo sa isang mahaba at malubak ngunit puno ng pag-asang kwento nating dalawa.

Kabaliwan bang maiisip na nakikita ko sayo ang isang kwento ng tagumpay? Sa maniwala ka at sa hindi, ang mga taong tinitingala natin ngayon at may kanya-kanyang kwento ng pakikibaka sa buhay.
Ang bawat nilalang ay may kanya-kanya laban sa mundong ibabaw. At hindi tayo iba sa kanila. Ako, nakikipaglaban ako sa mga takot kong di ko magampanan ang tungkulin ko bilang guro mo. Ikaw, sa nakikita ko sayo, nakikipaglaban ka sa bagay na nagsasabing ang buhay mo ay hanggang dyan na lang
sa kahirapang kinalulugmukan mo. Ang pakiusap ko sayo ay magtulungan tayo’y labanan ang mga takot natin. Asahan mong hindi kita bibitawan hangga’t nakikita kong gusto mo pang matapos ang nagsisimulang kwento mo ng tagumpay. At sa bawat sandali na nararamdaman kong nais mo nang bumitaw, ipapaalala ko sayong hindi ka nag-iisa sa laban na ito. Kasama mo ako at ang mga taong naniniwala sa kakayahan mo.

-Teacher Kat 


Comments

  1. Kaya yan go lang ng go... sabi nga ni Manny pekyouw para sayo ang laban na ito ahaha... irelate mo yan dyan :D

    ReplyDelete
  2. ayy ang sweet naman ni teacher kat! saludo ako sa mga guro!
    the greatest profession indeed dahil kung walang guro wa din ang ibang profession, naalala ko lang ung story ginawa ng kuya about that

    ReplyDelete
  3. nagiinvite yung mga salita para ipagpatuloy ang pagbabasa. hindi ko nagawang basahin ng mabilis, kelangan talaga mabagal? hehe. hindi mo man magets ang ibig kong sabihin, ang akdang ito ay napakalinis po para sa akin. galing. ^__^

    ReplyDelete
  4. Tears just fall down my cheeks! Apart from this post is a tearjerker and hitting my core, I read it listening to the song "Standing In Awe" by Hillsong. The perfect match of the melody and my reading mode led me to freely wash my cheeks with tears.

    Fear is a natural reaction to a human that experiences situation in life bigger than he/she had hoped for. But fear not - it is the same fear that will trigger the human soul to pursue, battle it out and survived until a thing higher on purpose had been surpassed.

    You're such a sweet teacher Kat and your words here showed us that you're not just a teacher who teaches but a teacher with a compassionate heart who are willing to go further and beyond all circumstances just to see her students laddered through everyday obstacles.

    Kudos to you and to this heart-rending post!

    ReplyDelete
  5. MAY THE FORCE BE WITH YOU. *sabay hawak sa screen*

    ReplyDelete
  6. @blindpen: mabagal tlga kasi nagawa ko to habang mabagal ang takbo ng sasakyan sa auroro blvd dahil sa traffic... Damay-damay ba :P

    @daddy jay: thank you for the encouragement. Naiyak po ako... Hehe...

    @cyron: yes, may the force be with us and I have my starwars keychains to remind me of it always too :) ingat ka lagi at baka maipit ang toooooott..... Hahahaha

    ReplyDelete
  7. Awww... I'm sure ikaw ay magiging isang huwarang guro sa hinaharap na siyang huhulma sa kaisipan ng iyong mga estudyante at gagabay sa kanila sa tamang landas.

    Binabati kita Kat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks fiel. Sa Monday na ang first day :)

      Delete
  8. wwwooottt. saludong saludo talaga ako sa inyong mga teacher. hehehe malaking bahagi ang nabibigay ng isang guro sa kanyang studyante, tayo, kami kung wala kayong mga guro, wala rin kami sa kinatatayoan namin, hindi rin namin maibigay sa iba ang naibigay sa amin. kaya nothing to worry sis, maayos din ang lahat, ul be one of those best teacher, yan ang passion mo, ipagpatuloy at malayo ang mararating mo!! all the way ang support ko sayo bilang kaibigan sa blogspero at labas blogspero!!

    ReplyDelete
  9. sana mabasa to ng mga estudyante mo. kahit hindi ngayon. kahit siguro balang araw . kahit pag nurse na sila or engineer . Para maalala nila na minsan ay may isang teacher na umagapay at humiling ng magandang kinabukasan para sa kanila.

    :)

    ReplyDelete
  10. meow meow.... wag kang matakot kung kaalaman at kabutihang asal ang ituturo mo sa mga bata... ayaw mo pa nun? bahagi ka sa paghulma ng pagkatao nila?

    salado ako sa yo ... Titser Meow!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tatawagin kita sa class ko. gagawin kitang guest.. hahaha

      Delete
  11. good luck sa bagong career Titse Meow!!!

    ReplyDelete
  12. Kaya yan teacher! A very touching post. teacher ka talaga by heart. Good luck on your future endeavors ma'am.


    xx!

    ReplyDelete
  13. at first akala ko magulang or mother ang nag susulat ;-) pero teacher pala. mother of the classroom pala. ganyan din kaya mag isip yung masusungit kong titser way back in elementary. eh napukol ako sa ulo ng teacher ko nung grade 2 eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo naman...siguro...lols.... ako nga nun, piningot din kasi i told my teacher na masungit sya..wahahaha

      Delete
  14. Teacher Kat! Good luck sa bago mong career. Kaya yan! Basta bawal mamalo at smile lang palagi! :)

    ReplyDelete
  15. I wish.naging teacher kita. Your students are lucky having you. A teacher that has an awesome dream and goal for the students. I think one day, the students will say to you" teacher thank you so much. Because of you and by the inspiration you gave us, we reached our goals and dreams.. Bless your heart dear and I know that God is with you. You are a very kindhearted young woman. Nice knowing you.

    ReplyDelete
  16. Good thinking teacher kat! you can make it! great views! i just visited your blog for the first time, i just got back.

    ReplyDelete
  17. aww. teachers are my favorite people.

    ReplyDelete
  18. God bless titser kat, ang ganda ng mga hangarin mo, kahanga-hanga kang titser sana matupad lahat yan, wag kang matakot o mag alinlangan dahil gagabayan ka naman ng Diyos, aja!

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!