Hindi Natitinag ang Pusong Pilipino
Sino sainyo ang nakikita ang sarili nya, 10-15 years mula ngayon, babalik dito sa Malinao National HS, at magsasalita sa harapan bilang guest speaker? Ako, noon pa man, na-picture ko na ang sarili kong babalik ako sa Alma Mater ko. I will make my High School proud of me. But I never thought it will be so soon. When Mam Margie, asked me if I can come here and be the Guest Speaker on the Recognition Day, I asked, “Bakit po ako?” and sabi nya lang, “kasi nagbubuklit kami ng mga yearbooks, looking for alumnaes to invite as speaker tapos nakita namin yung name mo.” Buti na lang hindi “Wala na kaming ibang choice" ang sagot nya. Di ko na pinalampas ang pagkakataon kasi isa talaga ito sa mga nakasulat sa bucket list ko.
It is an honor to speak in front of everyone here today- my former teachers, awardees, honorees and achievers. Para sainyo talaga ang araw na ito.
I texted Tita, “Di ko alam ang sasabihin ko. L-o-l” Nagreply naman sya, “Magsulat ka about the Theme, at kailangan mo silang ma-inspire.” Eto yung pinaka-mahirap na challenge. Eto na yun. Pano ko gagawin yun.
Malinao National High School, formerly known as Balza National High School is a home for me. Here, I had realized potentials I never knew I had. I am forever grateful to my high school teachers for believing in me, for showing me the possibilities that I can do more, for pushing me to be the best student that I can be. Let me take this chance to express my gratitude to this academe and the people behind it. Today, I will share a part of myself and my journey as a new teacher. I will speak hoping to inspire you not with my life but to help you find your own source of inspiration to keep moving forward and never stop achieving. Today, I will share to all of you my own many whys. Why I keep standing firm with my beliefs and advocacy.
Hindi natitinag ang pusong Pilipino.
Hindi na natin kailangang lumayo para patunayan yan. Hindi na kelangang pumunta sa Mindanao at maantig kung paano lumalaban ang mga sundalong Pilipino para mapanatili ang kapayaan. Di na kelangan mag-interview ng mga OFWs at alamin kung paano sila nakikibaka sa kalungkutan dagdagan pa ng racial discrimination makapagpadala lamang ng pera sa pamilyang naiwan sa Pilipinas.. Di na kelangang pumunta pa ng Eastern Visayas at panoorin kung paanong ang mga kababayan natin ay nagsusumikap ibalik ang mga buhay nila sa normal pagktapos masalanta ng Super Typhoon Yolanda—Ang buhay mismo natin ay isang patunay ng hindi na titinag na pusong Pinoy. At kung tutuusin, napakasimple lang ng mga element ng di matinag-tinag na Pusong Pilipino.
Tanong nga ng Nescafe, “Para kanino ka bumabangon?”
Ngayong unang taon ko ng pagtuturo, unang napagtanto ko, Mga Mahal naming mga magulang, kayo ang pinaka-effective na teachers. Kung paano nyo kami iminulat, yun ang magiging gabay namin sa pagtanda. Dinagdagan pa ng mga turo ng mga teachers natin. Salamat. Salamat kasi binuhay nyo kami at binigyan ng pagkakataong maranasang mabuhay sa malupit na mundong ito. Salamat sa paghubog nyo samin maging matatag, palaban at hindi nawawalan ng pag-asa.
Teaching is a thankless job. Verbally, I guess. Bilang bagong guro, nasabi ko na sa sarili ko, hindi nila kelangan bumalik at ipagmalaki sakin kung anuman ang magiging karangalan nila sa darating na panahon. Basta, maging mabuting mamamayan sila ng Pilipinas balang-araw, nagbabayad ng tamang buwis, nagtatrabaho, responsable—isang mabuting tao, hindi pasaway—yun na siguro yung pinakamalaking pasasalamat na matatanggap ko. Pagdating ng panahon.
Hindi mo kelangan maging isang sikat na engineer, architect, astronaut, artista, o ubod ng yaman para maipakitang naging mabuting estudyante ka. Pero wala nang sasarap pa sa pakiramdam ng dati mong teacher kung magiging isa ka sa mga iyon. Parang tinupad mo na rin ang isang pangarap ko nung bata pa ako.
I teach Grade 3, and this is the best age to ask them what they want to be in the future—usually, tatlo lang ang alam nilang propesyon na kayang abutin—Teacher, Pulis o kaya Sundalo. Ginawa kong misyon ko bilang guro nya na imulat ang kanyang kalinangan sa iba pang posibilidad bukod sa pagiging basurero.. Para sa isang guro, anuman ang gusto mo maging paglaki mo, basta ipangako mong magiging mabuti kang tao—responsible, matapat at may takot sa Diyos, sabi nga ni Vice Ganda, “Push mo yan.”
Bakit kelangan unahin ang kabutihan? Base sa Law of Attraction ni Rhonda Byrne, kung anong iniisip mo, yan ang darating sayo. Sa Law of Interaction naman ni Albert Einstein, kung anong force ang in-apply mo, yan din ang babalik sayo. Kaya kung nagtanim ka ng kabutihan, asahan mong kabutihan din ang babalik sayo. Biblically naman, sabi “Seek ye first the kingdom of God and His righteousness and all these things shall be added unto you.
Bakit hindi tayo natitinag? Kasi alam natin na lahat ng paghihirap natin, may patutunguhan.
Kung anumang relihiyon ang kinabibilangan mo, tandaan mong ang pananampalataya sa Maykapal ang nagpapanatili sayong maging matatag at babalik pa rin tayo dun---nagsasabi sayong maging mabuting tao.
Sa class ko, diverse ng religious affiliations nila—Muslims, INCs, Christians, Catholics. Sa murang edad, kelangan matutunan nilang i-respeto ang paniniwala ng bawat isa. Ang sarap pagmasdan ang pagbuka ng mga bibig nila habang inuusal ang kani-kanilang mga dalangin. Pagkatapos nun, balik ang classroom sa pagiging isang Park—Jurrasic Park—bawat bata may kanya-kanyang version ng dinosaur.
Hindi ko sila hinihingan ng monetary donations, kasi alam ko naming salat din sila sa buhay. Pero one time, nakita ko sila nagkukumpulan, syempre nagalit kunwari ako, at inutusan silang bumalik sa kanilang mga upuan, pero nung nakita kong may mga pera kinokolekta, nagalit na talaga ko, tinanong ko kung para saan yun, sabi nung isa “Idodonate po namin sa mga biktima ng Yolanda.” Speechless ako. Kapag teacher ka, dapat mabilis ka mag-isip, sabi ko na lang, “Sige, kolektahin mo kung magkano man yan at dagdagan ko na lang, tapos idodonate natin sa Red Cross.”
That day, we were able to collect 99.75Php, which I donated to Red Cross in Quezon City. At alam nating nakatulong iyon sa patuloy na pagbangon ng Visayas. Barya-barya, pero pag pinagsama-sama yung mga barya ng mga bata sa buong Pilipinas, limpak-limpak. A single drop can make ripples, sabi ni Mother Theresa.
Kayo, bilang mga bagong leaders, you are given the power to change and influence those who are around you. Be the droplet of influence that can send ripples of change. Tiwala lang. Katulad ng pagtitiwala namin sainyong mga guro na kaya nyong abutin ang mga pangarap nyo.
Bakit hindi tayo natitinag? Kasi marunong tayong makisabay.
Modern Age na, kung saan ang lahat ay napakabilis mangyari. Everything is in a click of a finger. At sabi nga ng may-ari ng Facebook na si Mark Zuckerberg, “Connection is not the endpoint. It is what connection can bring.”
Matutong pumili ng mga pagbabagong dapat yakapin. Hindi lahat dapat sabayan. Nasa edukasyon ang sagot sa kahirapan.
I teach kids who live places that are considered high-risk and high need areas in Quezon City. At kapag tinanong mo sila kung bakit nila gustong makatapos ng pag-aaral, ang isasagot lang naman nila “Para po makatulong ako sa mga magulang ko.” “Para po hindi na magtinda ng basahan si mama.” At iba pang mga sagot na kapupulutan ng pag-asa.
Pasasalamat. Pananampalataya. Pagbabago. Pag-asa. Higit sa lahat, pagmamahal. Hindi matitinag ang pusong Pilipino dahil marunong tayong magmahal ng lubos.
Kelan dapat umibig? Sabi ni Ramon Bautista, kapag 19 ka na. Na-19tindihan mo na ang mga bagay-bagay. Kung hindi pa, aral-aral muna. Wag sayangin ang pagkakataong mahalin ang iyong sarili makapagtapos ng pag-aral upang makatulong sa iba.
Bata pa tayo. Syempre, kasama talaga ako.
At pare-pareho tayong marami pang gustong abutin sa buhay. Ako, gusto kong makatapos ng Masteral studies, makapag-photoshoot sa Batanes, makapag-dive sa Jolo, Sulu, gusto ko pang akyatin ang Kota Kinabalu sa Malaysia, makasakay at makapagpalipad ng Ultra Lightweight Aircraft sa Clark, Pampanga sa birthday ko. Marami pang iba. Basta marami pang iba.
Paano nga bang hindi matinag? Paano nga bang hindi sumuko?
Nung isang linggo, reorganization sa paaralan kung san ako nagtuturo. Ang mga bata ay pupunta sa kanilang mga classroom sa susunod na baitang para makilala ang kanilang mga magiging bagong kaklase at guro. Pagkatapos ng klase, nakasalubong ko ang mga estudyante ko at ang pinakamaliit sa kanila, si Regine ay may inabot saking nakatuping Grade 3 na papel. Pagbukas ko, eto ang nakasulat:
Salamat po Teacher Cat dahil kung wala po kayo, hindi po kami matututo.
Sinuportahan mo kami sa pagsubok.
Hanep diba, ang mga bata ngayon, may konsepto na ng pagsubok.
Paano nga bang hindi matinag?
Ang masasabi kong pinaka-susi sa kung anong meron ako ngayon ay ang turo ng tita ko sakin. Back in high school, she would always remind me to READ. READ. Tita Ondet, whom you all know as Mrs. Lourdes Belchez Colasi, thank you for letting me know the value of reading. Not just for academic achievement but for its value in my life as a whole.
Sa grades 1 and 2, ang mga bata ay tinuturuang magbasa. Sa grade 3, ang natututo sila mula sa pagbabasa. Pero sa klase ko, nung pasukan, halos kalahati sa 50 na studyante ay hindi marunong magbasa o kaya naman ay napakabagal magbasa. Anong resulta? Kaliwa’t-kanang iyakan, suntukan, away, basta, sobrang gulo. Nasabi ko sa sarili ko, ano ba tong pinasok ko?! Bakit ba sila ganun ka-pasaway? Kasi nga hindi sila marunong magbasa. Hindi nila maintindihan ang mga letra. Ang first grading period ko, halos naubos lang sa pagpapabasa sa kanila. It’s all worth it. The class has been more behaved. Sa totoo lang, I can talk endlessly about my class, about my teaching experience, about how I learned and how I am continually learning.
Naalala ko madalas sabihin ni Mrs. Balute nung estudyante pa ako dito, “Wag magpa-alipin sa libro, alipinin ang libro.” Ang pagkahilig sa pagbabasa ng iba’t-ibang mga lathalain ay magbubukas sa ating kamalayan sa napalawak na dimension ng pagkatuto. Lalo na sa panahon ngayon ng Age of Information. Lahat pwedeng mahanap sa internet, lahat pwedeng mabasa. Tandaan, iba ang kaalaman sa impormasyon. Hindi lahat ng impormasyon importante, pwedeng ang iba ay chismis lamang. Pero ang kaalaman, yan ang dapat hanapin, yan ang totoo. Sabi pa ni Lourd De Veyra, sa panahon ngayon, bawal ang mangmang. Bawal ang tanga.
Pano pang hindi matitinag?
Makinig at sumunod sa nakakatanda.
The old adage, “Papunta ka pa lang, pabalik na ko” sobrang classic at sobrang totoo. Find yourself a mentor or mentors. When I was here, my mentors are my two titas and teachers. When I moved back to Manila, my father and mother are my ultimate teachers. These people know more about life than what I currently know. They never fail to tell me the best advice: PRAY and TRUST YOURSELF. LAHAT NG DESISYON, KELANGAN KAYA MONG PANINDIGAN.
Paano pang hindi matitinag?
Get Connected.
Build yourself a support group. Surround yourself with people who understand you and your cause.
Self motivation is important, but being surrounded with people and reason to move forward is another thing. Hindi natin kaya mag-isa. At saka sabi sa Lego Movie: Everything is awesome, Everything is awesome if you’re part of a team.
Kung di mo pa napapanood, panoorin mo na.
Life is good but it can still get better if you do your part in making it a better one.
Ultimately:
Never lose the faith—In God and in yourself. The Bible verse of my life: Philippians 4:13, I can do all things through Christ who strengthens me.
Malayo-layo pa ang tatahakin. Malayo-layo pa ang byahe ng buhay para sa atin. Sampung taon mula ngayon, malay nyo, isa sainyo dyan sa mga nakaupo at nakikinig ngayon ang sya namang papalit sa akin dito. Harinawa. Sana nga. Umaasa ako. Umaasa ang bawat guro natin.
So, Read. Listen. Connect. Have Faith. Hangga’t meron tayo nyan, hindi tayo matitinag.
Let me end this speech with a Bob Ong quote:
Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo.
Again, congratulations and thank you. Mabuhay tayong lahat!
Speech delivered during the 44th Recognition Exercises of Malinao National High School, Malinao Albay, March 26, 2014.
Runtime: 16:02 minutes
Makabagbag-damdamin to the highest level naman ito. *hehe* I miss you Babykay! May pasalubong ba ako? :D
ReplyDeleteSino si babykay? Chos lang! Miss you too babysep! Kayong lahat. Meron akong dalang mga pasalubong kaso di ko pa alam if magkikita kita tayo soon! Babalik pa ko ng bicol, next week siguro, yun talaga bakasyon na. Sama na kayo :) hehe
DeleteSorry typo. *haha!* Ano pasalubong mo sakin? :3
Deletehi.asking permission to use your idea with the speech I am currently preparing for my graduation speech.Thanks.
ReplyDeleteLol. Weird. Nagpaalam pero di magpakilala. Lels. Ok lang po :) Hope my idea would be shared to more kids!
DeleteHello cher kat, at talagang walang cut na nangyari. Did you prepare any Powerpoint? Anyway, congratulations again and I hope I am there to hear the whole thing. I know it will be great! Have a wonderful vacation.
ReplyDeletemeron din naman,. pero konti lang..hahaha.. di ko ma-let go eh.. hahaha....
Deletewala pong ppt. kasi sa school open grounds yung event at hapon ginanap.
The best compliment ever na na-receive ko ay nung mismo yung parent, nung pababa ako ng stage, pumapalakpak sya at nagsabing "salamat, neng." habang nakangiti. Umaambon-ambon pa nun, pero di sila umalis sa upuan nila. Hay.... :D :D pero nakakakaba po pala! haha
Grabe. Naiyak, napahanga, natawa at na inspire talaga ako dito. Thumbs up. Galing. You remind me of Jonathan. Born to be a teacher and an inspiration to all.
ReplyDeleteI hope I can keep it up Mamijoy. Sana lang hindi magbago ang perspective ko sa mga bagy-bagay. Salamat po! Hehehe.. Life peg ko yan si Cher Jo eh! Hahaha
DeletePinaiyak mo naman ako Cher Kat hu hu hu.
ReplyDeleteGrabe ang bata mo namang naging guest speaker sa Lama Mater mo!
Ayanku.. Nakailang bucket ms.b?! Haha.. Si Arvin nga, nagtext pa, nagtanong kung umiyak daw ako while delivering the speech, parang disappointed sya na hindi! Hahaha.. Mejo nga po nagdalawang isip ako nung una kasi I felt that I havent really done anything significant yet, but I guess, why not share my ideas of pushing forward while working on things I wanna achieve. Ayun, sana nga may effect naman. Hehe
Deletegrabe! 16 minute speech nakakaloka! just goes to show how your heart is bursting with so much love for your students and how amazing your faith is. kudos teacher! :) mabuhay ka!
ReplyDeleteMabuhay tayong lahat... 16 minutes with two sets of ambon in it.. hehehe... overwhelming. amazing. If given a chance to do it again, I'll do it again, maybe when I have done something far more life-changing :) for now, sabay-sabay muna kaming mag-work saming mga dreams :)
DeleteNaimagine kita while delivering your speech na very succinct! Congrats sa yo at sa graduates...
ReplyDeleteHahaha.. Ang liit ko lang sa stage :P salamat glentots! Naimagine din kita mag-deliver ng speech or have a talk, siguro sobrang laughtrip at very light lang ang pagsasalita mo, pero malaman :D :D
DeleteIninvite din sana ako ngayon sa elementary school ko noon, gustong gusto kong gawin yun kaso di ako makakapunta. Pero nung nasa bakasyon ako, yung mga dating coach namin sa presscon naman yung nag-invite sa amin na magbigay ng insights sa dati naming contest category sa journalism. Nakakatuwa pala ang magsalita sa harap ng mga bata, eager kasi silang matuto at mainspire sa mga sasabihin mo. Kahit na sumakit ang lalamunan ko noon, at the end of the day, kakaibang happiness yung naramdaman ko. :) Kudos to your speech, siguradong marami ang nakarelate sa kanila sa mga pinagdaanan mo.
ReplyDeleteSana may iba pang pagkakataon para makabakik ka sa school mo. The teachers and kids will really be happg. And yes, walang kapantay ang saya ng pakikipaghuntahan sa mga bagets... Priceless inmocence and eagerness to know more!
Deletewow :) di ko ma-imagine kung ano yung feeling, sobrang saya / tuwa / ligaya marahil yung naramdaman mo after mong i-deliver ang speech na yan :)
ReplyDeletena-realize kong tama ka nung banggitin mo na -
"Hindi mo kelangan maging isang sikat na engineer, architect, astronaut, artista, o ubod ng yaman para maipakitang naging mabuting estudyante ka."
i super agree! madalas kasi sinusukat natin ang tagumpay sa mga bagay na makakamit ng mga naging estudyante natin, pero di natin dapat kalimutan na alamin kung sila nga ba ay naging mabuting tao sa paglipas ng panahon...
Nakakaiyak naman si Regine... yung mga ganung tagpo na may bumabalik sa iyo para magpasalamat ay nakakatunaw sa puso :)
Kitang-kita sa speech mo ang kahalagahan ng edukasyon, ng mga guro at ang gampanin ng mga magulang.
Nakaka-inspire ito para sa mga estudyante, mga guro dahil nakaka-relate kami sa iyo, at pati na rin sa mga nais maging guro - kung gaano kasaya at kahirap ang tungkulin natin.
Very well said mam yccos! congrats!
ako... di ko alam kung may moment bang darating na ganyan sa akin lols... more power to u cher! :)
Meron yan!!! Sobrang tuwa! And accomplished ang feeling ko that time :) pero di pa sapat. Sana may maitulong pa ko ng malaki sa school.
DeleteCongratulations! Your school is so proud of you I would guess. More to come :)
ReplyDelete