Randomthoughts 05.18.2014
1. Masaya ko kasi may mga bago kong nakilalang mga awesome people sa Dagupan.
2. Andami kong natutunan sa pag-oobserve ng practice-teaching ng mga awesome people.
3. Three weeks na pala kong hindi nakakauwi ng bahay. Pero tinext ako ni Papa kasi kelangan daw ng labandera. Hindi pa rin nya naiintindihan na ang hobby kong paglalaba ay para sa pansarili kong gamit lamang.
4. First time na wala ako sa bahay at wala din si Mama, nagtext si baby bro, penge daw ng food. Wala daw food kasi wala si Mama :( Kawawa much. Buti na lang may malapit na Jolibee.
5. Sabi ko sa sarili ko, gagamitin ko ang bakasyong ito para sa pag-iisip ng mga plano ko pagkatapos ng current contract ko. Wala pa din. Walang nabuo.
6. Namiss ko magblog, andami ko ding na-missed basahin.
7. Marami akong gustong isulat as usual, di ko pa lang alam kung panong simulan.
8. May bago akong crush.
9. Hindi ko pa naipapadala ang dapat kong ipadala.
10. Ang init.
11. Hindi ko alam kung ready na ko for the opening of the school year. Wala din naman akong choice.
12. Sinasabi ko laging wala akong separation anxiety, pero sa totoo lang, meron talaga :(
13. Andami kong bagong mantra. Nakakatuwa.
14. Nagtext ako sa crush ko. As in hiningi ko ang number nya at nauna kong magtext. Haha. Buti na lang nagreply naman sya. Mga ilan pang palitan at ang last text nya, "Thank you po." Shet, feeling ko na Ate-zoned ako. Haha.. Iiyak na ko. Lol
15. Gusto kong maglinis ng bahay. Pero sa dami ng dapat gawin at dahil pati Linggo may training, di ko magawa. Huhuhu. Feeling ko hindi ko na kwarto tong kinalalagyan ko.
16. Namiss ko magblogblogblogblog. Marami akong nasimulang blog, pero di ko nabuo. Harinawa'y magkaron ako ng oras na maupo sa harap ni Bee sa isang tahimik na lugar, makapagmuni-muni habang nagkakape.
8. Sino itong bago mong crush? (hahaha nakiki-tsismis)
ReplyDelete10. Sobra! (nakaka-dry ng pagkatao lols)
14. :) (ate-zoned hehe)
16. I'll wait for your stories. :)
Ahihi.. Wait, kinikilig ako kasi naiisip ko sya. Ahihihi... Hmmm.. Someone i just met somewhere.. Sobrang crushable.. Hehe
DeleteAyoko na mag first move, na a-ate-zone ako. Hahaha..
Work in progress ang lahat. Lols.
Naku wala kang maayos na disposisyun sa life? lols. Isa isa lang kasi. Yung pinaka importante muna ang dapat unahin, like yung CRUSH mo! hahahahahaha!
ReplyDeleteI know right. Its about time ns i-realign ko ang aking priorities. Lols..
DeleteO pasukan na naman pero marami ka naman palang nagawa. May training at nag-training, nakapasyal, nakapag-bonding, nagkaroon ng crush at nakakabatang kapatid (lol), at higit sa lahat, may bago kang entry. Have a great school year!
ReplyDeleteAt ikaw ay magbabakasyon naman :)
ReplyDeleteLooking back, andami ko nga rin palang nagawa at napuntahan. Hindi na nga lang lahat maipopost sa kung saan. Kulang ang pictures at mga salita para idescribe kung gaano ako kasaya at ka-grateful na andami kong natutunan. Ive become more aware of my teaching style, how to talk to other people na iba iba ang personalities :D basta dami dami pa! Hehehe.. Hope to see you when u get here. Mwuahuugzz!
hiya! got here through the famous life and spices guy. heehee! :) fun read. random thoughts pero nakakatuwa. and yes, and ineeeet! :) can't find your GFC button though.
ReplyDelete#8 and #14: Bakla sila pareho, I'm sure. *hahaha!*
ReplyDeleteNatawa ako sa Ate-zoned! Pwede mo pang bawiin yon, replyan mo ng "eto naman, wag mo na akong pino-po, po-poin mo ba ang future gf mo?" o ha ang forward lang haha :)
ReplyDeleteUr baby bro is such a bro. Haha. Stereotypes lang?
ReplyDeleteSuper tawa lang ako sa ate-zoned. Grabe. Hahaha