Randomthoughts 03.05.2015

6:16 AM

Makapagrandom post nga, mej matagal na yung last eh.

1.       Nasa school ako ngayon, pero hindi ako magtuturo kasi ang araw na ito ay para sa “itiman ang bilog na parang itlog” in preparation for the upcoming Language Assessment Proficiency Grading at National Achievement Test. Ganito kami til next week.

2.       Pagkatapos nito, magchcheck pa ko ng papel. Ang sama ko kasi, pinag-quiz ko sila ng 8 quizzes in one sitting. Huhuhu. Wala kong choice eh. Halos tig-5 items lang naman karamihan dun.

3.       Walang mintis, nauuna ko magising sa alarm clock ko. Late na ko nakakatulog tapos nagigising pa ako  around 2 or 3am, tapos ang hirap na matulog nang malalim ulit dahil baka ma-late ako. Masakit sa ulo.

4.       I am starting to box in my other stuff. Lilipat na nga talaga ko. Mamimiss ko ang malaki kong kwarto. Ang walk-in closet at ang mga alaala ng kwartong iyon.

5.       May mga job interviews na ko. Bukas, meron pang 11PM kasi yung profile na mahahawakan ko if ever matanggap ako sa company na iyon ay US profile. Babalik na naman ako sa pang-gabing shift?

6.       Merong major job fair sa March 18 para sa amin. Wala yung target kong company L

7.       “Leave your mark” ang tagline ng aming NGO, minsan napapaisip ako, have I really left my mark in two years? But  for sure, this experience and people and kids had left their mark on me.

8.       Nung Sunday, nasa bahay lang ako ng parents ko. Usually, maaga akong bumangon at pupunta sa kusina, pero that day, late na ko nagising at tinabihan pa ko ng bunso kong kapatid. Dahil late na, pinuntahan na ko ni Mama sa higaan at niyakap ko sya nang mahigpit. Ang sarap lang.

9.       Birthday ni Mama sa Sunday, nagtatanong kapatid ko kung anong regalo naming, maghati-hati na lang daw kami. Dahil mahilig si Mama sa halaman, isa daw bibili ng paso, isa bibili ng lupa at yung isa ay bibili ng halaman. Kagaling mag-isip!

10.   Darating si Kuya Panganay sa Monday, magrerecording daw kami. Huhubels. Ang gusto ko lang naman ay pasalubong. LOL. Charot lang. Syempre, i-a-update ko pa sya about dun sa naging first meet up namin with the girlfriend of Kuya Cupcake.

Okay. Magchecheck na ko ng papel.


6:42AM

Comments

  1. No. 4. Kasama ba yung isang tao sa mga alaala sa kwartong iyon? wahahaha! >_<

    As usual. The most organized girl in the world. Happy new step sa magiging course ng life Yccos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Can't say i would forget.. the room screams of so many songs! Oh yeah, dami din palang vids as evidence :P Unless otherwise deleted and left no trace, then it never happened nor would be remembered.

      It was a happy bonding. With all those pop quizzes, songs and all. See? I remember :P

      Delete
  2. I was prepared to write a not so long comment when i read something. And i was like, "Aaaaaaaaaahhhhhhhh (a girl-scream in a baritone pitch)!".... behave T.G.... behave....

    ReplyDelete
  3. By the way, number 9- the best... buti marami kang kahati. Tipid! hahahaha!

    Number 10, dapat nag recording tayo. Chandelier. Just like Sia, i won't show my face. Nakatalikod ako. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sobrang kulit lang ng bunso kong kapatid.. Hahaha.... We really got to make tipid this time kasi walang funding ang ate eh. Bawi na lang next birthday. Hehehe

      We will do that next time for sure. I know you were on schedule while you are here. Hopefully, when you get back, we can do a full blast videoke marathon :)

      Delete
  4. May isang tanong lang ako. About sa #9. Binibili pa pala ang lupa para sa paso? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes... Maraming klase ng lupa eh :P Hehehe....

      Delete
  5. Happy birthday sa mom mo. Kung magkapit bahay nga lang tayo, sagot ko na ang halaman. Kasing isang dosena pa ibigay ko na lang sa iyo dahil mala gubat na itong hardin ko.

    ReplyDelete
  6. Happy Birthday sa Mama mo! Galing naman nga regalo niyo :).

    Have you left your mark? Oo naman especially sa mga bata na tinuruan mo. Ako, hanggang sa aking pagtanda, hindi nauubos ang pasasalamat ko sa mga guro ko.

    ReplyDelete
  7. good luck sa job interview madam. :)

    ay teka tapos na pala.
    good luck sa results then. :p

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss