7:09 PM 1. Magdadalawang linggo na kong official bum. Nakakapanibago. Ang sarap gumising lagi ng 7am. Yung paggising ko, iisipin ko pa kung anong gagawin ko sa araw nay un. Kunyari, magseset ako sa utak ko, pero yung totoo, manonood lang talaga ko ng 2 movies, magbabasa ng kung anu-ano sa facebook. Magbabasa ng dyaryo, bubuksan ang ref at isasara kahit wala naman talaga kong kukunin, babalik sa higaan, matutulog, gigising dahil gutom, mag-iisip kung lalabas para kumain or magpapgutom na lang. Dahil na kokonsensya na ko sa pagiging bum ko, babangon ako at maliligo, at sisipagin na ko. LOL. 2. Halos lahat ng mga posts sa fb ng aking mga connections ay about getaways. Ayokong ma-inggit. LOL. Gusto ko lang magpahinga. Naiinggit ako yes, pero wala na ko dun sa pity-level unlike before na sobrang naaawa ko sa sarili ko dahil may mga bagay akong gusting gawin at bilhin pero hindi ko magawa. Although gusto ko pa r...