Randomthoughts 04.09.2015



7:09 PM
1.       Magdadalawang linggo na kong official bum. Nakakapanibago. Ang sarap gumising lagi ng 7am. Yung paggising ko, iisipin ko pa kung anong gagawin ko sa araw nay un. Kunyari, magseset ako sa utak ko, pero yung totoo, manonood lang talaga ko ng 2 movies, magbabasa ng kung anu-ano sa facebook. Magbabasa ng dyaryo, bubuksan ang ref at isasara kahit wala naman talaga kong kukunin, babalik sa higaan, matutulog, gigising dahil gutom, mag-iisip kung lalabas para kumain or magpapgutom na lang. Dahil na kokonsensya na ko sa pagiging bum ko, babangon ako at maliligo, at sisipagin na ko. LOL.
2.       Halos lahat ng mga posts sa fb ng aking mga connections ay about getaways. Ayokong ma-inggit. LOL. Gusto ko lang magpahinga. Naiinggit ako yes, pero wala na ko dun sa pity-level unlike before na sobrang naaawa ko sa sarili ko dahil may mga bagay akong gusting gawin at bilhin pero hindi ko magawa. Although gusto ko pa rin talaga magtravel, as I grow older, narealize kong mas kelangan kong unahin talaga yung mga simpleng bagay sa buhay na mas mahalaga tulad ng pahinga at makasama muna ulit ang pamilya sa isang ordinaryong araw. No rushing. No worries. Just plain catching up.
3.       Kapag nagkatrabaho na ulit ako, for sure, lalarga na naman. Sana mas malayo na ang mga susunod.
4.       Ni-meet ko ang isang set of friends ko sa Resorts World nung weekend, at ayun nga, ang sabi naman nila, ay i-enjoy ko lang ang bakasyon. Madali naman daw akong makakahanap ng trabaho dahil cute ako. Nyemas na friends! Pero kahit pano, nakakatuwang makita ulit sila kahit puro lang kalokohan ang mga pinaggagawa. Paglabas ko ng RW, gusto ko na agad maligo! Hahaha. Amoy yosi ang buhok ko at ang lagkit ng balat ko. Nainvite din akong magstaycation kung san sila naka-check in. Ayun, nakalibre ako ng ligo at aircon. Woohooo!Buti na lang may shuttle from there going to QC, ang pick up at drop off ay kung san ako laging bumababa.
5.       Pumayat na daw ako! Yahooo! Konting kembot pa para sa beachbody na yan! Kahit alam ko naming hindi ako makakasabay sa hype ng summer spree, babawi na lang ako sa mga panahong ang lahat ay nagkakakandakubang magtrabaho. LOL.
6.       Lahat ng housemates ko may work na. Ako na lang ang wala. Though yung totoo, dapat meron na kasi ni-turn down ko yung offer kasi di ko rin feel pa talaga that time. Marami din akong ina-eye na opportunities nun. Hindi na rin ako masyado in a hurry magwork unlike before na kelangan ko talagang magwork dahil sa mga iniisip kong gastusin.
7.       May gusto akong work, yun talaga yung hinihintay ko. Pinagpepray k okay Lord na ibigay Nya sakin yun, pero kung hindi, alam ko namang may better plans for me. Sabi nga ng boss ko, “ok lang maghintay, basta wag ka lang maging idle.”
8.       One term paper, one research paper, one exam to go, maitatawid ko na ang 2nd Sem ng akong schooling sa Open University. Bigla kong naumay magbasa ng mga technical na bagay. Gusto ko na lang ng mga Fiction at YA books. LOL. Hindi mahirap yung mga dinidiscuss naming sa ngayon. Mahirap maging masipag nang walang kasama L Shemai. Hugot pa more!
9.       Malapit na ang Mother’s Day. May bagong kantang ni-compose si Papa. Hanapin ko nga yung una, try ko ilagay saking #meowcollections. LOL
10.   Merong week-long activity sa church and dun muna ko nag-commit bago ko magworry about my next job.


7:45 PM

Comments

  1. Kung minsan, hindi healthy ang Facebook, kasi majority ng iponopost yong magagandang bagay lang. Yung bang pagandahan at palawakan ng nakita. Alam mo, nong nache-chemo ako at nasa hospital ako ng apat na buwam, inggit nga inggit ako sa mga namamasyal, kasi sa hospital lang ako. Pero ngayon, limit ko na ang pag-FB.

    Take your time to find the job that you'd love. And you're right, you have to pick your priorities - spend time with family muna. Sometimes, the simplest things in life bring us the greatest joy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh.. .been trying to divert my attention to the books i havent read yet.. working on it.. paulit-ulit lang din ang reminder sa sarili hanggang sa di na kelangang mag-fb. hehe

      Taking my time :) :) Nakakaburyong lang din na walang ginagawa.. hahaha

      Delete
  2. Wala kang ginagawa pero ang haba ng random things happening now. Hindi ako maka random post kasi three directions lang ang buhay ko everyday, house-work-tutorials-house. Boring di ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gusto kong maging busy.. narerestless ako kpag wlang routine :(

      Delete
  3. Walang bakasyon dahil nakaenrol ka sa unibersidad na nagshift ng academic calendar. Mag deactivate na ng FB at iba pang social media dahil maiinggit lang sa post ng mga summer vacation pics :P

    Hope you'll be able to get the work that you're aiming for.

    ReplyDelete
    Replies
    1. EEhhh.... Procrastination pa din ang ganap.. Eto na nga, may papers akong due ng April 25 at MAy 9. Lols.. Bakit mo pinaalala.. Lols.. Pakonti-konting basa-basa ng mga readings tapos inaantok na koooooo! hahahaha

      Sna nga makuha ko na yun :D :D

      Delete
  4. Yun oh. :) sulitin na ang bakasyon dahil darating ang araw subsob na naman sa trabaho.


    goodluck sa hunt Yccos!:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thankee Froi!

      TAmbling-tambling lang ako ngayong baksyon.. haha

      Delete
  5. agree, enjoyin muna ang bakasyon dahil pag work na ulit, more more busy na ulit. hehe

    jusko inggit ako sa pag-aaral ulit. hay sana mabalikan ko ma ko. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh.. eto na yung pinakamatagal na wala kong work. lols

      Push na sa MA. MAg sit in tayo sa class ni Sir Ops pls! haha

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss