Randomthoughts. 6 May 2015

10:56

1. Eto na yung pinakamatagal na panahong nagbakasyon ako mula sa pagtatrabaho. Last year kasi, halos dalawang linggo lang at nung mag-May, nag volunteer na ko sa Summer Institute, observing and giving feedbacks to incoming fellows. Nakakamiss din pala. 

2. Sabi ko maglilinis ako ng mga gamit ko, pero simula nung mai-box ko ang ilan at mailipat ang ilan, hanggang ngayon, tambak pa rin ang ligpitan sa apartment kung san naiwan ang mga gamit ko. 

3. Si Mama naiwan sa Bicol, with Lolo's passing parang magtatagal pa sya dun. With my youngest sister going to school, alam kong di pa ready sila mama st papa na lumipat ng province. Di ko alam kung hanggang kelan si Motherdear dun :( 

4. Ako ang katabi ni Lola matulog nung mga nakaraang araw na andun ako. Keri lang naman. Pero di pa rin maitindihan kung bakit pumupunta pa sya kwarto ni Mama pag madaling araw para magpa-assist sa banyo o di kaya'y sa paglabas ng bahay. Ganun yata ko katulog mantika?! 

5. Matatapos na din ang semester. Sembreak na in two weeks! Dang! Nawa'y maitawid ko ang mga exams nang matiwasay. 

6. Syempre excited na ko mag-August, resume na ng mga gala! 

7. Rollercoaster ride ang mga nangyari the first quarter and early second quarter of the year. Puro intense should I say. I'm looking forward to a more calm remaining months of the quarter while slowly establishing routines. I can't bear being too emotional for a long time. 

8. Wag mong itatanong sakin kung bakit ako single kung ayaw mong itanong sayo kung bakit ka nagka-blackeye. Lol. Yan yung sagot ko nung tanungin ako ng isang HS friend. Bwahaha

9. Parang gusto ko na lumipat ng province. Ang sikip-sikip na ng Maynila para sa akin. Konting kayod pa nang maagi, matutupad ko din ang aking countryside life. 

10. Merong scar ang left lung ko pero di naman ako nagka-TB, pneumonia. Alam ko lang hikain akong bata. Ayun kaya everytime na magpapa xray ako, kelangan ko ng Clearance mula sa isang pulmonologist. 

11. Ni-suggest ni Doc na mag-face mask ako tuwing nagcocommute para kahit paano ay mabawasan ang paglanghap ko ng mga allergens which is I felt effective naman. 

12. Malapit na ang sembreak. Pero marami pa ding babasahin. Kelangan ko na sipagin basahin ang mga modules at mag pause muna sa pagbabasa ng mga non-fiction books. 

13. Waiter, andyan na ba ang order? 

11:39p'

Comments

  1. Pag naka face mask ka, hindi ka ba tinititigan ng mga tao? Ako noong naka face mask dahil mababa ang immune system ko, kinatatakutan ako ng tao. Paano kasi, aside from face mask, kalbo pa ako....LOL.

    Patapos na rin ako ng semester na ito. Pag ok ang grade, graduate na ako next week. Nerbios ng konti dahil sa pag-antay ng grades.

    Noon pa, ayoko na talaga sa Maynila...ngayon pa kaya na mas masikip na. Ingat lagi at sana matupad na rin ang mga dreams mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nung una na-conscious ako, pero eventually I noticed there are people who wear face masks din naman. so oks lang. Mej eye-catching nga naman yung sayo, I probably would look at you too. But heck, you survived and surviving still :)

      Magkasabay na tayo ng school days! Haha. Iilan pa lang ang nag-re-align ng school calendar dito sa Pinas, all UP school except UPDiliman. May exam na ko sa Saturdays and mejo marami na kong nabasang books this week pero hindi yung mga modules ko.. hohohohoho...

      I guess the past two years had made me think about a lot of things, and one of them was the serenity and security of the place to live in. The place I live here in Manila is not as safe as the place we have in Bicol. Had I stayed longer by Lola's side, I probably would have decided to stay for good in Bicol out of the blue just like when I was a teenager when I told my father that I wanna stay in Bicol to study. Lola pushed me away though, probably dont want me to get stuck there. She knows my dreams. She said that I should go. The only reminder is that I should not grow old alone. I promised her, I'll come back.

      My dream would always include travel just like how you traveled the world. Your blog is just to filled with amazing stories about the world and you :)

      Delete
  2. countryside life, parang gusto ko rin ito :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cher Jep, di na ba countryside feels yung part nyo jan sa Bulacan? :(

      Pag nandito ako sa Maynila, I really miss our home in Bicol. Kaso pag andun naman ako, nababagot ako. Though mabilis din ang oras kapag busy dun. As in. In time, as we work hard in our youth, we will get that retirement reward we deserve. Somewhere in a countryside, sitting by the beach, with a glass of wine on one hand and a book on the other, then with someone beside us. Hihihi.

      Delete
    2. Obando ang pinakamalapit sa amin na part ng Bulacan, yung kahit maglakad ka lang, andun ka na hahaha. Sa lugar na yun, di na rin feeling countryside masyado, kasi kalapit lang din ng lungsod ng Valenzuela. Pwera na lang kung pupunta ka sa mga mas malalayo pang parte ng Bulacan.

      Pero gusto ko rin manirahan sa Bicol, dun din kami eh. At tama ka cher Kat, ang bagal ng oras doon, kaya mas gusto kong magbasa kapag nasa probinsya kasi marami akong natatapos hahaha. Dito malingon ka lang hapon na, tapus mamaya madilim na pero wala pa ako nagagwa hahaha.

      Tc cher Kat!

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss