Wala lang.

Gusto ko lang magsulat. Magsulat nang magsulat. Yung mga bagay na gusto ko sanang sabihin sa iba, dito ko na lang isusulat. Yung mga gusto kong sabihin sayo na alam kong wala namang magiging kapalit na kasagutan, dito ko gustong ilagay.

Gusto kong magsulat kasi gusto kong balikan tong mga kalokohan kong balang-araw ay pagtatawanan ko lang. Mga bagay na babalikan ko na habang binabasa ay gugustuhin kong kainin na lang ako ng lupa sa kahihyan. Iiling-iling ang ulo ko at mapapaisip kung pano ko nabuhay ng ganito ka"jologs" at ka-corny.

Gusto kong magsulat dahil baka isang araw, malimot ko na gustung-gusto pala kita at magigising akong ayoko na pala sayo, magkakabaliktad tayo ng pagtangi. Ayokong dumating yun, pero kapag dumatin yun, ibibigay ko sayo lahat ng mga naisulat ko tungkol sayo at pagkatapos buburahin ko lahat, magsisimula akong muli ng panibago. Di tulad nitong fiction na ito.

Gusto kong magsulat kasi ang mga pahinang ito ay hindi mapanghusga. Tanggap lang nang tanggap. Nasa imahinasyon ko rin ang mga gusto kong reaksyon sa pagtanggap. Kahit sa imahinayon, negatibo pa rin. Masakit. Makatotohahan. Dahil yun ang totoo, masakit ang katotohanan.

Nakakatakot na nga lang. Dati ito ang pinaka-sanktuwaryo ko. Handa akong ilagay lahat ng nararamdaman ko noon dito. Ngayon, naninimbang na ko. Hindi ko na pwedeng ilagay lahat dahil ayokong magmukhang mahina. Sa bawat maisusulat ko dito, binubuklat ko ang buhay ko. Nakukwento ko ang mga bagay na nagpapasaya sakin, nagpapalungkot, mga pangarap ko. Baka sa susunod, di ko na mapigilan na pati ikaw ay maisulat ko at balang-araw mabasa mo.

posted from Bloggeroid

Comments

  1. "Iiling-iling ang ulo ko at mapapaisip kung pano ko nabuhay ng ganito ka"jologs" at ka-corny."

    Natawa ako dito :)
    Naramdaman ko na ito eh, yung nag-back read ka ng ilan sa mga luma mong blogpost at di mo matanggap kung anung sumapi sa sarili mo at nagawa mong isulat yun! Lols :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. my kajologs-an shoots up to the skies.. pero ganun talaga, but no regrets, just for laughs.. hihihi

      Delete
  2. "Hindi ko na pwedeng ilagay lahat dahil ayokong magmukhang mahina."
    -ang pagkaka alam kom base sa kaibuturan ng imahinasyon ko. Hindi matatawag na mahina ang isang blogger na isinusulat ang mga opinyon, imahinasyon o nararamdaman sa sarili niyang blog.

    malakas nga na matatawag dahil handa nating i-share yung mga bagay na to dito. Maraming makakabasa, hindi man ngayon. hindi man bukas, pero sa TAMANG PANAHON. May isang taong magbabasa lahat ng mga sinulat mo, pwedeng sya. pwedeng mula sa malayong lugar..

    pero isa lang ang sigurado, lahat ng mga naisulat mo sa blog mo. pag binalikan mo (tulad ko, muling nagbalik sa blog ko) panigurado, tatawanan mo at magsisilbing aral sayo.

    wag matakot magsulat ng magsulat, kahit walang patutunguhan. at the end of the day, maluwag sa pakiramdam kapag naisulat mo ang mga ideya at nararamdaman mo mula sa kaibuturan ng sarili mo..

    Be happy! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. When I started this blog a few years ago, it was for the intent of pouring out everything after a very bad break up. Ayoko lang din kasing magkwento nang magkwento sa iba na nega and sad. Until stories started piling up and it shows my life. Not that I want to be pa-mysterious or so. But I guess, this is where I keep my mystery.

      Very true as well, every time I get to complete something in here, it feels good, then later, it feels jologs then later, it's a wtf-i-wrote-that-shit-seriously?-feeling.. Basta...

      Kung sinoman sya, ewan ko lang.. Hahaha... Yaan na natin sya. Malaki na sya.

      Delete
  3. I love it how you said that writing or this blog is your sanctuary. My own blog is actually my "safe house"- the kind of safe houses where secret service forces hide a witness from violent mad men. It's like that. This is where i hide my thoughts and emotions from people who would actually slit my throat if killing was legal and sacrosanct. i am not allowed to speak out everything inside me. I once got into a lot of trouble and got summoned by the Philippine Consulate and by my own church.

    Anyway, sige sulat ka lang. Give power to your words. I think kaya ka natatakot kasi blogger din ba? Hehehe! Chika minute!

    Pero ako din. Gusto ko lang din magsulat. Ayoko na magtrabaho! Kung sa bawat salita at letra ay may katumbas na salapi, tiyak na ngayon, hindi lang tayo mga panginoon ng mga mundong nilikha natin. Magiging diyos na rin sana tayo ng sarili nating kapalaran at ng mga salinlahi. Weh!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Issue ka Sir Trips!!! Hahaha.. I'll make kwento na lang if ever we get to do that trip together in 2017! Hihihi..

      Gusto ko na lang magbasa at magsulat.. Repeat until fade.

      Pano ka magsalinlahi eh wala ka ngang boypren/gerpren!

      Delete
  4. Sulat lang ng sulat... ako nga na mi miss ko na magsulat ng napakahaba... puro doodles na laman ng blog ko hahaha... Sa huling sentence... isulat mo na!!! para mabasa na nya hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. Ikaw ang magsulat Kuya Mar! Puro ka drawing eh! Eggzooited na ko kasi uuwi ka! Seryoso :D

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!