Randomthoughts 28 Feb 2016

8:45 PM

1. Isang buwan na kong walang full-time job.

2. Mag-dadalawang linggo na ko sa aking online part-time job.

3. Antagal pa ng sweldo!

4. Gumawa ko ng daily schedule pero di ko naman nasusunod 100% dahil may mga iniuutos sakin na iba every now and then. Pero ok pa rin may schedule, kapag lost na ko, I just refer back to it tapos mapapansin ko, tapos na naman ang isang araw.

5. Nag-sleep over ako sa bahay ng friend ko. Sabi ko, malungkot ako. Sabi nya, hindi ka malungkot., frustrated ka lang kasi parang antagal mag-unfold ng mga bagay-bagay para sayo.

6. Sabi ko kay Kuya wag nya na ko ibili ng HelloKitkit, ibili nya na lang ako ng learning materials for basic Japanese, pero binili nya ko ng HelloKitkit at workbooks!! Waaaa! Antagal nyang umuwi!

7. Mej bothered na ko sa life kong walang routine.

8. Naka-plateau pa rin ang weight ko, pero ramdam ko nang bumibigat na naman ang pagkilos ko, pero sige na nga, goal pa din ang workout, kasama naman sa schedule yan eh, hindi lang naicombine with sipag. Why?!

9. May bago kong mech-pen. Ang sarap magsulat kapag lapis ang gamit kesa sa ballpen. Kasi pwedeng mabura at magsulat ulit. Hihihi.

10. Di ko pa rin natatapos yung sinimulang kong libro. Mag-iisang linggo. Not good. Not good.

11. Sabi ng friend ko, i-aim ko na mag-N4 level kesa mag N5 level sa JLPT, pero sabi ko, para kahit panong may panghahawakan akong JLPT Certificate by October, N5 muna sa December na yun N4. As if papasa talaga ko eh? I claim it!

12. Binuksan ni Uncle yung red wine, kinabukasan, pagkagaling sa doktor, bawal na daw sa kanya ang red wine. Alam na this.

13. Ano daw ginawa ko nung Balentayms, sabi ko nagpa-diamond peel facial treatment.

14. Sabi ni Tinder, I ran out of swipe rights daw. Swipe right all the way kasi ginawa ko. Di pala pwedeng i-like silang lahat. Tsk.

15. Andito na naman si Bebegurl sa weekend! Hayst. Ambilis nyang lumaki.


9:00PM

Comments

  1. Hindi ako puwedeng walang ginagawa, mababaliw ako. Buti naman at may online job ka, at least, may oras kang nag wowork. Ang dami palang requirements niyang inaapalyan mo, salamat kay Kuya, may iuuwi siya. At sa dami ng random, napagod akong magbasa, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thats just in 15 minutes.. kulang pa nga eh.. Hahaha

      Feeling ko nasasayang ang oras ko kapag gumigising akong walang direksyon ang araw ko :( Kaya ayan, nag-eenjoy din namn ako sa part time job ko :)

      Delete
  2. Pakiexplain nga sa susunod na blog post kung ano ang Tinder at anong meron sa Tinder. Haha. *ignorant here*

    ReplyDelete
    Replies
    1. May draft na ko about tinder noon pa.. yung mga random lang naiisip ko about it. Kapag sinipag ako, maipopost ko rin yun :) Hehehe.. Sige na nga... This month na! Hahaha

      Delete
  3. Anu yung mga N4, N5 at JLPT? Not familiar, ang alam ko lang kasi ay yung sa TESDA, yung mga NC II, NC III etc sa mga trainings hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Levels of Proficiency for Nihonggo non-native speakers... N5 yung pinakamababa and N1 yung pinakamataas..

      Dito sa Pinas, in terms of Certification, sinusunod natin yung international levels.. ganyan din kasi yung nasa TAFE ng OZ. Havent really checked others.. in terms of Skills Assessment, aligned naman yata tayo internationally :)

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss