Randomthoughts 15 April 2016

 6:01 PM
   1.       Thank goodness it’s Friday. Medyo sabog ang linggong nagdaan. Nagsimula sya nung hindi naging maayos ang paglalaba ko nung Sunday. Gusto kong bumawi sa mga damit ko this weekend. Excited na ko maglaba at mamlantsa ulit.

  2.      Dati sadness and loneliness inspire me to write, pero ngayon, parang inaayawan ko ang pagsusulat ng mga tungkol dito.
  3.      Bumabalik na yung “teacher kilig” feelings ko ulit. Though hindi sila nag-start na ako ang teacher nila, nakakatuwa pa ring isipin na ang galling na nilang magbasa sa English at ages four and five. They are also good in reading Hiragana and Katakana at the same time. Ang galling. Nakakabilib.
   4.      Very slow ang progress ko sa Japanese language studies dahil iilan pa lang ang kabisado kong Kanji characters. Pero sa school, nakaka-buo na ko ng basic sentences at basic classroom commands. Huhuhuhu. Nakakaiyak.
5.      The one who gave me a tight hug a few weeks ago will be leaving for the US. Hayst… Nagsisi-alisan na naman silang lahat. Sana ako din, makaalis na. Pero alam kong darating din yung time na yun. Tiwala lang.
6.      My friend wanted me to try this new chat and dating app “Chatous”, which I did, pero dahil andami kong binabasa lately, (work-related, ugh) hindi ko pa nagagawang i-evaluate. LOL. One of these days, magsusulat din ako tungkol dun. Hehehe. Baka madiscover akong taga-review ng mga dating apps.
7.       May darating na employer next week. Sana matuloy ang interview at sana makapasa ako.
8.      Its been two consecutive Sundays na hindi ako nakakapag-church at dahil wala si Mama, si crush ang dapat katabi ko. Kaso nga lang, no moments with crush until this Sunday yata. Hayst.
9.      Yung mga hindi naman registered voters, sila yung mga uber aggressive sa pag-campaign sa kanilang bet na candidates for elections. Nakakaloka lang.
10.    Presidential debate na naman this weekend. Woohoo! Sino na naman kaya ang masayang pulutan sa twitter?
11.     Nag-addict ako lately sa mga TED-Ed Videos. 1 TED-Ed riddle per day. Bakit ba ganito ang utak ko?
12.    May piano sa school, at dahil jan, nagsimula na kong mag-piano ulit. 
13.    Me-time on Fridays at my favorite coffee shop has been consistent so far.
14.    Blessing in disguise din na nagging dayshift na yung job ko. I can only imagine kung pano ko matutulog sa umaga sa ganitong napaka-tinding init ng panahon. Ang galing talaga ni Lord! Oh well, hindi pa rin naman ako nakakatulog nang matiwasay lately, pero mas malala siguro kung nightshift pa ko.
15.    May nirereto sakin yung college classmate ko na malayong pinsan nya, nag-dodoctor sa FEU-FERN. Pagtingin ko sa pic, ramdam ko na agad yung gay vibes nya. Huwayyyyyyyy……


    6:51 PM


Comments

  1. Daming random stuff- good luck sa paglalaba, sa crush, sa school, sa employer, sa chat, sa election, sa piano playing at paano mo naman nalamang may gay vibes siya through picture? Galing naman!

    But for #7, good luck para ako ang dadalaw sa iyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.. One good thing I enjoy about having an 8-5 job is I get to do a lot of other things!

      Yes, ikaw na ang dadalaw sakin. Sana nga po cher jo :) :)

      Delete
  2. Na-entertain ako sa post mo. Feeling ko ang dami-dami ko nang alam tungkol sayo. Hehe

    Happy weekend!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aysus, at dahil dyan, pwede na kitang ipaligpit, masyado ka nang maraming alam. Charot langs! Hahaha..

      Wala kasi akong mapagkwentuhan lately. My mama is in the province and my sibs are busy. So, dito na lang.

      Salamat sa pagbisita!

      Delete
  3. Agad-agad ang gay vibes hahaha, at sila talaga ang nalilink sayo cher Kat :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. My sumpa yata talaga ko Cher Jep. Ang saklap. Hahaha...

      Hindi rin, darating din sa tamang panahon is #DearFutureBoyfriend.
      Nagtitiwala akong, busy lang sya. Hahaha

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss