WHAT IM THANKFUL FOR @ 2013 (Part 1)

10:55 PM. 12.25.2013

Ilang oras na lang at matatapos na ang Christmas Day. Pero hindi ang totoong diwa ng Pasko.
Thank You Lord for giving us your Son to save us from the sins of hell.

Oo, para sakin, yan ang Pasko. Meron akong mga kaibigang hindi naniniwala sa Pasko dahil sa religious affiliation nila at meron din naman hindi naniniwala dahil hindi talaga sila naniniwala na may Supreme Being at nakikiisa sa pagdiriwang ng Saturnalia.

Anu't anuman ang ating mga paniniwala, lahat naman siguro tayo ay may mga maipapagpasalamat sa taong 2013. Mahirap sabihing naging isang napakasayang taon ito dahil sa mga trahedyang nagdaan sa ating paligid, meron pa rin namang mga bagay na nangayari sa taong ito na nakapagbigay satin ng ngiti at saya.

Etong sakin, sisimulan ko na.

January
     Nagsimula akong magkaron ng mga bagong kaibigan through blogging sa tulong na din ni Senyor.
   
      Naconfirm ko sa sarili kong gusto ko na talagang magturo.

February
     Wala man akong lovelife, pero nung February 14, nakatanggap naman ako ng tawag sa telepono na nagsabing, tanggap na ako bilang Guro!

March 
     Nakasama ako sa pangalawang outreach ng PBO sa Bahay ni Maria. Naimbyerna man sakin si Senyor, di naman yun nakahadlang para maenjoy namin ang after-outreach overnight stay sa isang resort sa Pansol.
   
    Nag-try ako ng fling-fling love affair, di nag-effect. So wala.

April 
     Sa parehong araw, nagserve ako ng aking last day sa office at pagtapos ng shift, pag-uwi sa bahay, kinuha ang mga bagahe at nag-move ako sa dorm na naging tahanan ko for almost two months habang ako ay nasa training para maging isang public school teacher.


11:30 PM 12.25.2013

Brain working no more. Part 2 and 3 to follow.

Merry Christmas Again Everyone!

Comments

  1. awts may year ender din ahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre! kelangang balikan at nang makapag pasalamat :D :D

      Delete
  2. Ang bibilis ninyong gumawa ng year ender. I also have one and no need to tag, lol! Please expound on the fling fling thingy in 100 words, articles not included. Post part 2 and part 3, finish or not finish. O bakit inaantok ka na naman, may ka chat ka sa FB last night noh?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.... Naiimagine ko ang "teacher look" mo Cher Jo! lols.. as for the fling thingy, ok, pero sa susunod na :P ang hirap kapag di kasama ang mga articles sa counting! Maawa ka... hahaha...

      Delete
  3. wow mayroon ka din pala nito ma'am ka popost ko lang din ung akin. nice meeting you. 2013 is indeed an awesome year

    ReplyDelete
    Replies
    1. marami mang nagdaaang unos, emotionally or environmentally, mas marami pa din ang dapat ipagpasalamat. Kasama na dun ang nakilala ko kayong lahat :D

      Delete
  4. Nau-uso na naman ang mga year ender post :))

    Dito na lang ako nag-comment cher Kat, kase na sad ako dun sa isa mong post T_T *sniff*

    Anyways, glad you had a wonderful 2013 and Happy New Year!

    ReplyDelete
    Replies
    1. *pusahugs* I'm slowly learning to get used to them being gone. Di man kami naging actively connected a few months before they died, Im glad I was able to share a meaningful time of my life with them.

      Wonderful 2013 though maraming struggles. Push pa din tayo sa life! Happy Holidays!

      Delete
  5. So much to be thankful for :) More blessings to come this 2014 :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. isang malaking check zaizai! At basta maging mababait tayong mga bata, marami pang darating sa ating mga pagpapala :D Happy Holidays!

      Delete
  6. Sarap basahin ng iyong nakaraan:)
    Merry Christmas and happy new year cher:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Mamijoy :D Happy New Year and Merry Christmas din po :D :D :D

      Delete
  7. Replies
    1. kelangan din magmoment ng ganito, ikaw din sir op! hehehe... susulat na yan :P

      Delete
  8. Need ko na din yata mag Year Ender post.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Go. Push na yan. ginawa ko ito, mainly para sa sarili ko, part of reflecting on those things na kelangan kong ipagpasalamat na nangyari sa buhay ko :)

      Delete
  9. Nagustuhan ko ang una mong sinabi... totoong di pa tapos ang diwa ng Pasko...

    Buti ka pa may year end post....

    Merry Christmas.... ^^ smile always....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas Jon! Sobrang busy mo pa din ba?. Dont worry, makaksulat ka din ng year end or malay natin, year starter naman para maiba.. hehehe

      Delete
  10. haha nabitin naman ako bigla haha, anyway I'm sure you're
    year had been a blast:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din eh.. kaso kahit anong piga ko sa braincells ko, wala na talga, so give up muna.. re-fill muna... Thank you for being part of my wonderful 2013 :D magkikita pa tayo ulit!

      Delete
  11. Bongga ang year ender post teka teka makapagpost nga din haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bonggangbonggangbongbong! Kaya magpost ka na din, di ka naman busy eh #ramdam ko. Lols.. Lets have more ghost/multo chikas to come! hahaha

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!