WHAT IM THANKFUL FOR @ 2013 (Part 2)

12.28.2013 9:24AM

Part 2

May

While undergoing the training and the MA classes, I made friends with a lot of people. Nakakataba ng pusong mapalibutan ng mga taong kaisa sa hangarin at nagnanais na hindi lamang maging guro kundi nagnanais ng pagbabago at pag-unlad sa pamamagitan ng edukasyon.

I paid Lola a quick visit in Bicol at meron akong nadiscover na isang magandang batis malapit samin. Unlike before, di na ngayon mahigpit sila Lola sa mga gala ko sa baryo. Kahit sinong kasama ko, kahit anong oras, pwede na.

Nagpractice teach, nag-aral, nagdecorate ng aming magiging classroom for the incoming school year, at kinilala an gaming mga magiging co-workers sa school kung san kami magtuturo.
Excited and positive pa ang tingin ko sa pagiging public school teacher ko sa panahong ito.

June

Lumipat sa bago kong tahanan sa may Quezon City. Gusto ko yung paligid. Mahirap lang kasi this time, I’m living all on my own. First time kong mag-spare ng kinikita ko para sa bahay na inuupuhan ko. Malayo din ako sa bahay, wala si Mama, meaning, walang sinabawang gulay na dadatnan.

Lagi akong pagod from school, pero meron pa din naman akong nakikitang sparks for the day to keep me going. In a week’s time, kabisado ko na ang mga pangalan ng 57 students ko.

Umiyak ako nung kelangan ilipat ang iba sa kanila. Kahit dalawang linggo pa lang kami magkakasama, eh nasanay na akong anjan sila #separationanxiety


July

Eto yung panahon na tinatanong ko yung sarili ko kung bakit ko nga ba pinili magturo. Yung fantasy stage ko at tapos na at mukhang naglilinger ako sa Survival stage.

Blogger/Teacher Jonathan of Metaphorically Speaking visited my class, though na-lift ang suspension later that morning, nakapagturo pa din sya sa iilang mga bata sa Grade 3. Nakakatuwa kasi rain or shine, push talaga sya sa pagpunta nung araw na yun.

August

Birthday month ko! Gumawa ko ng wishlist para sa sarili ko at nakakatuwang isipin na merong mga taong willing magshare ng kanilang mga resources para mapasaya ko! Maraming-maraming Salamat po J

Umuwi ulit ako ng Bicol over the weekend para lang maki-fiesta. Di na ko nalalasing. Hahaha.

Dumating si Tidibur c/o Gracie of Gracie’s Network

I got books and a chance to watch Ang Pagdadalaga ni Maxie sa PETA last November c/o Dadijay

I got a new guitar complete with tuner and capo c/o Kuya

Everyday, I learned to see the tiny sparks from my kids, na kapag pinagsasama ko, napapangiti ako, and makes me realize, this job maybe a thankless job, but worth remembering.

Andaming mga araw na walng pasok dahil sa Habagat, mabuti na lang at maayos naman ang kalagayan ng mga kakilala ko, walang casualty.

September

Ni-try ulet namin ang no-strings attached kind of relationship. Hindi talaga pwede.

October

2nd PBO Bazaar ay ginanap sa QC Circle.

Sunud-sunod ang weekend teacher trainings/seminars

November

Dahil kelangan naman ng work-life balance, nag-getaway ako at aking Muslim friend sa Burot Beach sa Calatagan. I had the chance to see an amazing sunset.

Sobrang gusto nang sumabog ng dibdib ko sa dami ng issues sa school. Minsan gusto ko nang isumbong ang dapat isumbong, pero kelangan maghinay-hinay. May tamang panahon para sa lahat ng laban.

Bigayan ng report cards ng mga bata, may nagsabing, first time nya daw magka-line of 8 sa card.

December

Parang hindi magpa-Pasko. Hindi malamig ang simoy ng hangin. Busy sa lahat ng bagay.

Get together everywhere.

Hindi natapos ang taon nang hindi ako nakaka-akyat ng bundok, kaya nung dumating sila Kuya, first weekend stop was the Pinatubo Trek Adventure :) Sobrang refreshing ang pawisan habang naglalakad sa kabundukan.

Namatay ang isang mabuting kaibigan nang hindi ko man lang nakausap o nadalaw sa ospital. Dahil sa frustration, di ako makapagtabaho efficiently. Ten days after, isa na naming kaibigan ang namaalam. Sya ang tanungan ko about tech stuff, excel techniques at kung pano ko ba mapapataas ang aking stats para magkaron ng monthly incentive. Kasabay ko din sya umuwi kapag wala syang drinking sessions with other friends.

Naidaos naman ang Christmas Party ng mga bata. Kahit mukha akong wasted, pinilit ko pa ding maging masaya sa harap nila. Kids, bawi na lang si Cher Kat sa pasukan.

Akala ko yung isang pinsan ko lang at yung partner nya ang magbabakasyon dito sa Pilipinas. Dahil may pasok pa ko sa school during that time, eh weekend gala lang ako nakakasama at buti na lang din pumayag akong sumama nung December 21-22 sa Camayan Beach and Ocean Adventure. Nakapag-swimming ako kasama ang mga dolphins na sila Zac at Hali. A once in a lifetime experience!

Another surprise ay ang pagdating ng aking Ate, pinsan ko sya, pero sya na din ang kinalakihan kong Ate since ako ay panganay na babae sa aming mga magkakapatid. 7-month old preggy, maraming mga pagkain na bawal sa kanya at sobrang maingat din kami sa mga byahe at mga kilos sa tabi nya. Nakakatawa lang kapag baby/preggy brain activated sya. Hahaha. Lutang mode.

I got another chance to meet bloggers sa idinaos na 1st PBO Christmas Party. Daming games and raffle prizes! More parties and outreach to come.

Tapos na ang Pasko, nakapamigay na ng mga regalo. Babalik na din ako sa school forms na dapat tapusin.

Part 3, all about the 2013 checklist. 


Time Stop: 12:34PM









Comments

  1. Special mention, nakakataba ng puso. Tinanong ko ang sarili ko kung bakit ako nagtuturo in my third year of teaching pero hanggang ngayon nandito pa rin ako. You will see the things you don't want to see in your first year. You will collect courage and bravery in your second year, to say your piece and do action. In your third year, you will see words in actions and changes. Believe in yourself and I salute teachers who have your guts and desire to see positive change in the system. Good luck my friend!

    I myself am thankful for your friendship and presence. May God bless you always Cher Kat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. your wisdom had always been an inspiration cher jo ;D May you always be blessed too.

      Delete
  2. naks ang dami ganap sayo sa taong 2013, super bless ka, im sure more bless ka sa darating na 2014!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. syempre, mas maraming kang ganap axl.. and yes, be ready for an amazing 2014!!!

      Delete
  3. Ang sarap basahin ng mga ganitong post. :)
    Hay 2013 is definitely a blessed year for many people!
    I hope your 2014 is happier and more blessed!

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes oh yes. masarap talaga sariwain ang mga bagay na dapat ipagpasalamat. happy new year. may you have a blast!!!

      Delete
  4. Busy months with up and downs. Good luck to year 2014.
    Memories....worth remembering:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. there are lots of things to be grateful for. and yes, good luck and fortune to us next year. happy new year mamijoy!!!

      Delete
  5. Wishing you more blessings pa on the year to come, cher Kat!

    *cat hugs*

    Happy New Year!

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!