NR-FRUS-INS-IND.

10:02 PM

Thursday pala ngayon. Wala kong pang #tbt.


Di pa talaga ko tapos sa mga dapat kong gawin pero naisip kong itigil na muna kasi ang sakit lang sa utak at sa puso.  Bukod sa anti-bullying policy-making collaborative work na ginagawa ngayon, kino-consolidate ko yung data about the kiddielets' Post Test Oral/Silent level of reading skills both in English and Filipino. Pwede na pala tong throwback kasi nung ginawa ko yung Pre-Test nung June, merong 2 boys and 2 girls na total non-reader, 3 girls at 3 boys na independent readers, the rest nahahati sa frustrated at instructional readers. Out of 51 kids.

Sa pagkakaintindi ko noon sa paliwanag samin, dahil nung binigay tong gawain na to, basta lang daw pabasahin ang mga kiddielets at i-fill out ang form na inabot, merong babasahin, isa sa Filipino, isa sa English. May 7 tanong kada set, 3 dun ay literal o nasa babasahin ang sagot, 4 naman ay comprehension question o mga sariling pagpapakahulugan sa mga bagay tungkol sa binasa.

Ang non-reader o tawag nga nila ay "bulag" ay walang pagkilala sa letra o sounds nito. Karaniwang, nakatitig lang sa papel, nakayuko o di kaya'y nakatingin sa mata mong tila nangungusap at humihingi ng saklolong iahon sya mula sa kumunoy ng kamangmangan. Nakakalungkot, pero meron nakakapag-grade three na ganun.

Hindi lang iilan, merong isang buong section na ganun. Di ko alam kung swerte bang maituturing, ang section na hawak ko dapat ay yung pinaka-last na section yung section na yun. Pero dahil iba yung kwartong nalinis ko nung bago magpasukan, minabuti nung Grade Chairman na pagpalitin na lang at ilagay ako sa klaseng hawak ko ngayon. Heterogenously mixed kids- may advanced talaga, may average at behind talaga. Hindi katulad nung isang section, halos lahat di talaga makabasa at puro pa mga batang lalake, iilan lang ang babae. Siguro ampayat ko ngayon kung sila ang students ko. Lol.

Ang isang bata ay considered na frustrated reader kapag nasasambit na nya ang sounds ng mga letters pero papantig at napakabagal magbasa. Wala rin maituturing na comprehension.

Sa instructional reader naman, katamtaman na ang bilis ng pagbabasa, masasagot din ang mga iilang literal questions tungkol sa binasa pero nahihirapan pang bigyan ng sariling kahulugan ang mga bagay na kaugnay sa binasa. Wala pang higher order thinking skills o HOTS. Kelangan pang i-rephrase ang tanong sa lower level para makasagot.

Independent reader, batang na-master na ang sounds, nakakapagbasa ng may tamang bilis, nakikilala ang mga bantas, at nasasagot ang mga tanong na kaugnay ng binasan, literal man or comprehension question.

Sa klase ko ngayon, wala ng non-reader, nakakatuwa nang isipin, pero di pa rin sapat. Sa level nila ngayon, they should be reading to learn at tapos na sa stage ng learning to read. Kaso nagsisimula pa lang sila. Sa susunod na taon, sana matutukan pa rin sila ng magiging bagong teacher nila. Yung dating NR, nasa Frustrated Level na. Ang layo pa sa dapat nilang level. Andami-dami pang dapat matutunan at pag-aralan. Isang buwan na lang. Di ko daw pala sila pwede i-bagsak, nakakabasa na kasi at merong mass promotion na nagaganap dahil sa mga pagbabago sa sistema, no one should be left behind daw. Even if mas kawawa sila sa susunod na baitang, no one should be left behind daw.

Makatulog na nga muna, paggising ko andun pa din yung trabaho. Biyernes na, gagayahin namin si Kuya Kim as weather reporter. Dahil ang buhay ay weder-weder lang.

10:45PM
posted from Bloggeroid

Comments

  1. Talagang may line up from readers to non readers, titser na titser ang dating. Sa iskul ko nga, we start at 3, but it is never required for them to be fluent reader at 5, mostly exposure though I have children leaving my class able to read simple books.

    So nakikita mo na ngayon ang fruit of your labour, congratulations and keep up the good work. Alam mo kung mahal ka ng mga kiddies, magaaral yung mga iyon for you. Tandaan mo yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. It is a yearly thing teachers do. The Phil. Informal Reading Inventory, both pre and post to see the changes and leveling up of the kids kung meron man. Sad to say, since it is time-consuming and nakakaantok most of the times, yung iba, nilalagay na lang reader na lahat kahit hindi pa.

      2 days in a week na lang ako nagtuturo sa mga kids ko, yung first day na wala ako, pagbalik ko sa classroom, pumalakpak sila at may yumakap sakin. And sabi nila, "Idol ka namin Cher Kat, kasi hindi ka masungit". Lol.. Natrauma yata yung mga bagets sa mga bago nilang teachers... hahaha... Pero ayun, sana nga mahal din nila ko, enough to inspire them to study hard....

      Delete
  2. naku ako nakaexperience na ng student na kahit nung gawin ko
    ee di magawang mabasa or matandaan man lang ung letter to the fact na
    grade 2 na, sabi ng mom dahil daw inuman nya ng gamot si kiddo, pero ako sa tingin ko ee mejo mali ung nasimulan nung bata, kaya walang ganang matuto

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming factors kumbakit delayed ang learning ng mga bata minsan since unplanned ang conception sa kanila, there were really parents who admit on taking pills while having the baby, malaking factor nga naman yun sa brain development. Dahil failed ang miscarriage, syempre pag pinangana si baby, di pa ready si parents, kulang sa nurturing si anak.. and then the chain of irresponsibility continues, main recepient si anak. There are even parents na sa first day of school mo lang makikita, ni sa kuhaan ng card, wala na.. Kasi they see school as an escape from the responsibility. What hurts the most, is a lot of people, blame teachers kumbakit hindi pa din marunong ang mga bata. Kung tutuusin, dapat hanggang sa bahay, tinuturuan sila, pero hindi :( :( :(

      Ang lalim lang ng hugot ko diba? Pero kasi ganun talaga.. :( :(

      Delete
  3. importante pa naman ang matutong bumasa...
    ... at ang nakakalungkot sa panahon ngayon ay nawawala na ang interes ng mga bata sa pagbabasa...

    ... at nakakalungkot din ang mass promotion na yan, pa'no kung di pa talaga kaya ng bata? baka mas lalo lang s'yang mahirapan...

    ... kaya more power talaga sa inyo Ma'am Yccos! alam kong di ka susuko hanggat di sila nagiging independent readers! Go Cher!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cher Jep, di mako-cover ng Ms. Magic powers kong gawin silang Independent readers by the end of March :( Kung pwede lang talaga. Merong curriculum to catch up with, NAT, at truancy ng mga kids... Kung pwede lang talaga.. WE can only hope for follow-through activities when they step into grade 4.

      Delete
  4. Go go go, Teacher Yccos! That's an improvement and you deserve a big pat on the back.

    Oh, how I wish kids discover the joys of reading. I pity those who haven't discovered what reading offers. A prayer to them is in order.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Many thanks FSOQ :)
      Thats part of the plan after all this NAT buzz is over. More reading activities and art-based projects for them. Trying to find ways for them to appreciate reading and how to take care of books. Our room is filled with 3 sets of different encyclopedias, story books and other learning stuff--donations from all over.... kaso lang since they dont know the value of each, nasisira pa nila yung mga books dahil nag-aagawan. Pero I like it when I see them, flip through the pages, look at the pictures kahit hindi nila mabasa.... Push pa rin. Hopefully, I can post more stories, about them..

      Delete
  5. Ang galing naman Mam! Gusto ko ring magturo ng mga bata...sa liblib na lugar na napupuntahan ko. :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thats one of my many dreams to do! When I applied for this, I actually thought, ill be sent out in a far away land. Imagining the fear, adventure of a lifetime. I was hoping for Mindanao, Bukidnon, but up north will be also ok, i think. Hihihi.. If ever magawa mo to, please share your stoey, Id love to know about it :))

      Delete
  6. Puso! <3 Ipahanap nga kita just in case magpublic school ang magiging anak ko sa (malayong) hinaharap. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahahaha.. By that time, baka policy-maker na I! Chos lang! Hehe.. Syempre ang advocacy ko ay sa education sector pa din :) :)

      Delete
  7. All you need is a biggie cat hugs from me to take away those frustrations you are feeling right now.

    *cat hugs*

    Feeling better now Cher Kat? hihihi :))

    Ipagpatuloy mo lang kung ano ang nasimulan sa mga chikitings. Although I'm not in the same field like you, pero I believe part na talaga ng propesyon mo yan. More patience pa!

    Cheers!

    ReplyDelete
    Replies
    1. All the feel good hugs in the world fiel!!! :D salamat.. Hindi maiiwasan, falling in love with this profession entails falling in love with the kids and havong that feeling that I havent given enough and having that fear as to what would happen to them as they leave grade three.. So many feelings!!!

      Delete
  8. I just salute you for devoting your time and talent in molding young kids. Despite the fact that you very well know the mounting challenges one has to face in teaching, yet, you're there not only proving that you can influence a change in them but loving the profession of course.

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss