Random Thoughts 12.15.2014


1. Sugat na lalamunan.
    Paos na boses
    Pagod na katawan. 
    Hello Antibiotic, antagal na nating hindi nagkita. 

    Ang nega lang diba? Hehehe

    Kasalanan ko din kasi pinagodmuch ko ang sarili ko. 

2. Nung office girl pa ko, sa mga ganitong panahon, nakagawa na siguro ako ng Christmas Wishlist, nakapaglista ng reregaluhan, nagkukumahog mamili ng panregalo, at pang noche buena. Lakad-lakad sa mall. Nakikipagbuno sa Divisoria. 

3. Ngayon, walang ganun. Eto nandito ako sa bahay. Nagpapahinga. Bukas pa lang ako mamimili pero dito na lang sa malapit at hindi ko na din mabibigyan lahat ng nasa listahan.

4. Tatlong stickers na lang ang kelangan ko para makamit ko ang aking planner! Akalain mo yun. Thank you Family and Friends and to Myself! Konti na lang........ 

5. Ang hirap pa rin sagutin nung tanong, "Ano na ang plano mo after March 2015?"

6. Tanggap na ko sa aking dream school for my MA studies! Woohooo!!! Kelangan ko na din maghanap ng sponsors/scholarships. Bakit ako masaya? Eh alam ko namang sakit ng ulo ang mga iyon. LOL. 

7. This year makakasama na ulit ako sa aming Church Cantata. Exciting lang :) 

8. Nae-excite na kong mag-lookback at magsulat about my 2014. It had been a very wonderful year kahit na sobrang nakakapagod. 

9. Kinakabahan ako para sa 2015. Alam kong maraming darating na biyaya at pagpapala pero sana masuklian ko ang mga iyon.

10. Ginawan ako ng Header ni Lalabels, magamit na nga. Thankeee Lalabels... Ayan, black and white ang theme ng aking munting miming house. 

Magpapahinga na ko. Dapat talaga magpapahinga ko eh. Kaso yung tablet kasi, Yung telepono kasi eh. 

Promise, magpapahinga na ko. 
Gusto ko lang talaga may post para sa December :) :) :) :)
Kalahati na ng buwan, wala pa kong kwento eh. Pero yung totoo, marami naman talaga. Di ko lang alam kung san sisimulan. 


Comments

  1. ako me plano na sa 2015 kasama ang aking lablayp.hahaha congrats babykat ahh sa skul. and mahilig si lala sa grayscale at black. hahaha gusto mo gawan din kita ng header pero expect mo malaki katulad ng bago kong header. hehe I miss You and lab lab babykat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. As in? Berigud!!! Gagawan mo ko Header?? Yay!! Ok nga yung header mo ngayon, lakas maka-San Mig Gin!! So you!! LOL...

      Delete
    2. hahaha nagkataon lang kasi yan promise, dahil mala white and black kasi ang theme ni teacher dito eh kaya naging ganyan achos explain.com hahahaha

      Delete
  2. kahit paos ka Yccos, I will turn my chair for you.haha!

    Nakakatuwang isipin yung maaring manyari next year diba? Kahit nahihirapan ka pang sagutin ang question no. 5, naniniwala ako kahit hindi mo napaplano ang iba mong gagawin, what will happen will happen na lang. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat for being a fan!!! I owe you! LOL.

      Nakakatuwa na nakakakaba. A lot of things are set at hand. A lot of expectations and hopes. Pero if it's meant to happen, tama ka, it will happen. As always, Cheers to the Year Ahead of Us :D :D

      Delete
  3. harrroooorrooott!! hahaha finally! yehey! bagay naman yong header sa munting bahay mo eh for a change and for 2015 na rin! hehehehe ohh well im banging again - hahaha wag abusohin yong katawan kasi nagiisa lang yan at pag yan bibigay baka hindi na maibalik sa dati. hinay hinay lang naman! im so excited para sayo sa MA mo promise! inggit na inggit nga ako whenever i see books around! wwooott! di bale, i still have 6 months to think more, hindi ko kasi alam if kakayanin ko ang open OU na yan! hahaha pag andun kana, balitaan mo ako pano ako makapasok dyan ha! hahaha i miss you much teacher kat! kulang na kulang pa yong oras sa kwentohan eh hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uulitin natin yun! Kahit abutin pa nang napakhabang panahon bago mangyari yun :)

      Positivity at its best :D

      Delete
  4. Hindi man ako paos o pagod eh stressful din ang month of December. Not because of buying presents or going to parties, but because three sets of friends came to visit, as in sunod sunod. Mauubos ang budget kapag ganito lagi. Anyway, congrats sa MA and good luck. Puwede ba ang UP Open University sa abroad? Kung puwede, maka enroll nga ulit ng MA, ha,ha,ha. Antayin ko ang look back post ng 2014. Wont be in Manila this Christmas so Merry Christmas na lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes Cher Jo! Pwede sya for people living abroad!

      http://www2.upou.edu.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=469:schedule-of-tuition-and-other-fees&catid=69:our-resources&Itemid=219

      Enrol na. Pakopya na din pag may test. LOL! Haha

      Merry Christmas po :)

      Delete
  5. congraaaaaaaaats sa pagpasa sa dream school.
    looking forward sa mga chikas mo. hehe

    sana magaling ka na ngayon, well exag kung hindi pa kasi noche buena na hehe.
    maligayang pasko teacher kat! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. well, mej nabibingi pa ko. pero yung mga body pains, ay wala na. I can move around nang hindi na nahihilo :)

      Thank you :) Excited na nga ko eh. Would you believe, I still keep my notice of admision ng UPCAT ko nun kasi gusto ko talaga makapsok ng UP noon. Now, finally, makakaenrol na ko :) Timing nga yung welcome video for me na TatakUP.

      Delete
  6. Hi there just wanted to give you a brief heads up and let you know a few of the images aren't loading properly.

    I'm not sure why but I think its a linking issue.
    I've tried it in two different web browsers and both show
    the same results.

    ReplyDelete
  7. Hey there! I've been following your web site for a long time now and finally got the bravery to
    go ahead and give you a shout out from Atascocita Texas!
    Just wanted to mention keep up the fantastic work!

    ReplyDelete
  8. Hello, I enjoy reading all of your post. I wanted to write a little comment to support you.

    ReplyDelete
  9. Hello, just wanted to tell you, I enjoyed this article.

    It was inspiring. Keep on posting!

    ReplyDelete
  10. I just could not go away your web site prior to suggesting that I
    really loved the standard information a person provide to your visitors?
    Is gonna be back continuously to check out new posts

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!