Ang Blogging, PBO at Ako


Babad ako sa internet. Simula nang madiskubre ko ang magic na nagagawa nito. Internet dependent na nga siguro akong matatawag. Nauubos ang oras ko sa chat, net surfing at iba pang pwedeng magawa sa internet. Itinuring na din akong sekretarya, tanungan ng kung anu ano, schedule ng movie, itineraries, prices and the likes. Nag-attempt na din akong mag blog blogan noon. Di ko lang na maintain dahil wala lang. Mas mahilig akong magbasa lang talaga. Pero minsan na din akong nanalo sa writing contests. Hindi lang talaga constant ang motivation ko sa pagsulat.


Anyway, sa minsang pagiging mausisa ko, naging fb friend ko Crunchee at nakita ko ang link ng blogspot nya. Hanggang sa nakilala ko na ang mga sikat ng blogosphere. Basta, sinasabi lang sakin ni Crunchee kung alin yung mga magagandang urls then ill search for it. Basa-basa. Noon, basa lang talaga, di ako nagcocomment. Hanggang sa dahil may pagkapakialamera ko in nature, di ko napigilan ang sarili kong magcomment dito, comment doon.



Viola! Naintroduce na din sakin ang PBO. At wala kong tulak-kabigin sa adhikain ng grupo. Gusto ko ng mga ganitong samahan-may pangarap para iba, mapagbigay, may mabubuting mga puso. Hindi man ako mayaman, pangarap kong maging pilantropo pagdating ng araw. Masaya kasi ang feeling ng nakakapag-share. Lalo na sa mga bata, they have the genuine emotions in their faces. Unless maybe, they've been through a lot that we don't know, yet, that's when they would need someone like us the most to give them hope and inspiration.



Dumating ang kamahalan, at nagdiwang ang kaharian. Nagkaron ng salo-salo at ang mga taong sa titik ko lang nasisilayan ay nakadaupang-palad ko. It had been a pleasure to meet all of you. I can't name you all. But I can try to cyberhug you all, basta nandun ka, at nandun ako, pasok ka sa banga! Powerhug!



Ito yung isang chance na maipagmamalaki ko sa mga taong nakilala ko kayo online. Yung mga taong sobrang tahimik in person at di makabutas kaldero, sila yung mga madadaldal sa mga panulat nila. Minsan, mas gugustuhin ko na nga lang silang kausap online kesa in person. Baka mapanis laway ko eh! Haha. Joke lang. Pero naisip ko, what you write is you no matter how hard you try to hide behind the letters. Your story shows your thoughts and how you feel.  One day, alam ko mapi-feature kayo at ang mga sulat nyo sa tv. Bibilhin ko na din ang mga pinaggagawa nyong kalokohan, kadramahan, kaechosan, at kabaklaan sa National Bookstore.. Kokolektahin ko na din kayong parang si Bob Ong, George RR Martin, Nicholas Sparks, Paulo Coelho, E.L . James at kung sino-sino pang author na kinahumalingan ko minsan sa buhay ko. Ipanreregalo ko na din ang mga sinulat nyo sa mga pinsang kong OFWs. At gagawan ko kayo ng book review.



Kasama nyan, marami pa tayong mapapangiting mga taong mas salat sa pangangailangan dahil magpapatuloy tayo sa PBO sa ating iba't-ibang outreach. Magiging modelo tayo ng kabataang pinoy-- Moderno. May sense. May pangarap. May puso sa pagtulong.



Lahat kayo at itinuturing ko nang kaibigan. Di man tayo magkausap palagi, alam kong alam mong may dalawang bagay tayong mapagkakasunduan-- ang pagsulat at ang PBO. 

Mabuhay ka, Pinoy Blogger!

Comments

  1. ganyan na din siguro ako isang alipin ng internet. Maraming salamat din at nakilala ka namin. Panda hug po sayo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. aha! nakakatuwa, naiisip ko na ngayon pa lang, ang mga sulat ko ay babalik-balikan ko at makikita ko kung anong buhay nagkaron ako, mga naging kaibigan at naging adventures :)

      Delete
    2. tama minsan funny ang magback track ka ng mga nakakatuwang mga entry mo o yung may naaalala kang conversation regarding sa entry mo :)

      Delete
  2. Nakarelate ako doon sa maingay sa online... Lol

    Sasama ka sa PBO BAzaar?

    ReplyDelete
  3. yep.. pero around lunch time na ko makakarating..lapit lang naman yun samin. :) See yah,, andun pala kayo kagabi sa baba ng starbuko, nalimot ni senyor isama ko. ang liit ko kasi. di nya ko makita dito sa upes.. lols..

    ReplyDelete
  4. ay sana nakasali ako sa EB ninyu para ma-meet din kita. pero ang layo ko. at alam mo dahil din sa group na PBO nagpatuloy ako ng blogging for a year nah. gaya mo mahilig lang din akong magbasa ng blog since 2009. lels. for me nakakahiya namn kasi magsulat ng ako lang din ang babasa

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga eh.. dont worry, we will visit you nman jan sa dumaguete... isa yan sa mga gusto kong puntahan eh.. :D

      Delete
  5. sayang di ako makakasama sa 1st bazaar ng PBO. see you nalang nxt tym

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami pang pagkakataon. And the first time would always be the most memorable one for sure :) that first time that would make you want to ask for more..lols!

      We would be very glad to have everyone who supports the cause of PBO.

      Basta next time ah, sama kana :)

      Delete
  6. kaka-tats ang post na ito... very candid lang sa nararamdaman... it's an honor to have you as one of the PBOers!!! Sabay-sabay taung magsulat!!!

    ReplyDelete
  7. Nice post. Thanks for sharing your thoughts:)

    ReplyDelete
  8. napatouchscreen naman ako dito. ikaw pa lang yata ang nabasa kong sumulat ng ganito. *hug*

    ReplyDelete
    Replies
    1. cyberhugs to you! salamat sa pagbisita saking notebook :) hehe.. im happy to have met all of you. bibisistahin ka namin jan minsan... haha

      Delete
  9. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  10. Sweet! Nice meeting you meow meow! See you again! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. harruuu... hindi ako sweet! maton ako! bwahahaha

      Delete
  11. Ang modernong panahon na nga ngayon ay naging daan na sa moderno naring pakikipagkaibigan. :) Ang espasyong ito ay tiyak na laging may puwang sa mundo ng blogospero at maging sa iyong mga malalapit na kaibigang blogero :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat :) isang karangalan para sakin ang makilala ang mga taong may angking talento sa pagsulat tulad nyong lahat. Sa bawat sulatin, meron akong natutunan. Napapaisip ako at naghahangad ding makasulat ng mga paksang naaayon sa panlasa nyo... Wahehe.. Kung kelan at pano, bahala na si batman.. Salamat uli!

      Delete
  12. bago mong kaibigan sa mundo ng internet.

    jayrules :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yay! salamat :) para sakin, ikaw ang panalo sa BNP :) pakapehin mo naman ako pag nanalo ka! lol

      #brasuhan lang...haha

      Delete
  13. congratulations sa pbo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sir :) sana makasama din kayo sa mga susunod na outreach :)

      Delete
  14. yay!...Congrats super successful ng event this month... more more events to come...

    ^genskie^
    http://genskieswrittenvoices.blogspot.com/

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep. genskie, definitely more events to come.. and you should definitely join us, i mean physically be with us... hahahaha

      Delete
  15. cheers to PBO :)

    Magiging modelo tayo ng kabataang pinoy-- Moderno. May sense. May pangarap. May puso sa pagtulong. <-- yun oh :)))

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!