Paglisan.


Napako ang paningin nya sa labas. "Ang ganda ng langit, kunan ko nga..." Sabi nya sabay kuha sa kamera nya. "Alam mo ba walang ganito dun, dun parang ang taas ng mga ulap, di tulad dito, ang ganda ng pagka asul ng langit..." Nangingiti nyang pagkukwento.

"Di mo ba gusto ang pagkain?" Napansin nya yata ang bagal ko sa pagkain. "Mabagal lang talaga ko kumain." Sabi ko na lang. Habang iniisip ko na iyon na marahil ang huli naming pagkikita, di ko na malasahan ang pagkain. Pinipilit ko na lang ubusin. Pero di ko talaga kinaya. Itinabi ko na lang ang plato na halos kalahati pa ang laman. "Busog na ko."

"Mamimiss kita," gusto ko sanang banggitin. Pero di ko ginawa. Pinagkasya ko na lang ang sarili ko sa isiping ako ang kasama nya ngayon. Ako ang inuna nyang nais makita nung dumating sya. Ako din ang huli nyang kasama ngayong pabalik na sya.

Alas-dos na. "I have to check in na" tumayo sya at inayos ang mga gamit. Ako din, inimis ko ang mga gamit ko at inayos ang aking sarili. Habang naglalakad kami, "parang ayoko na lang umalis," banggit nya. "Ano ba? Marami kang babayarang utang. So you have to work hard." Yun na lang nasabi ko.

Kumuha sya ng cart at inayos dun ang mga maleta nya. Inilabas ang e-ticket, passport at iba pang dokumento kelangan nya. Nung makita kong ayos na sya at papasok na sa lounge, "you're all set na? I have to go na din." Sabi ko. "Yes." Sabi nya. Niyakap nya ko nang mahigpit "thank you so much. Mag-iingat ka lagi" yun ang huling narinig ko na sabi nya. Mahigpit din ang pagkakayakap ko. Kinailangan ko pang tumingkayad dahil may katangkaran xa. "Kiss ko?" Pahabol pa nya habang di ako pinapakawalan sa bisig nya. Natawa naman ako, humarap ako sa kanya at akmang hahalikan ko na sya sa pisngi pero di pala dun ang pakay nya. Walang sabi-sabing nagtama ang aming mga labi. Tila tumigil ang mundo ko. Nang maghiwalay kami, nakita ko ang ngiti ng tagumpay sa mga labi nya. Di ko alam ang sasabihin. Naisip ko lang na maraming taong nakakita nun. Tumalikod na ko at pumara ng taxi. Di ako lumingon. Pagbaba sa rampa ng sinasakyan ko, di ko na napigilan ang pagpatak ng luha saking mga mata. Pilit kong ikinukubli sa mamang driver. Ngunit napansin din nya. "Asawa nyo po ba yun?" Pang uusisa nya. "Hindi ho, kaibigan ko po" sagot ko. "Sus, parang hindi naman." "Mahirap ho kasing sagutin ang tanong nyo." Sabi ko na lang. "Tsaka ho, iyakin po talaga ko." Yun po yata talaga yun. Nakarating ako sa bahay, at ganun pa din. 

The plane had arrived. I'm just waiting for boarding. Thank you so much. I owe you a lot-Text nya.
I'm home na. Ingat ka din and have a safe flight.-reply ko.
I'm boarding na. Ingat ka lagi and God bless you.-text nya.
Ok. Ingat ka din.- sagot ko.
I'm on the plane na. Mag iingat ka lagi and God bless you.- huling text nya.
Ok. Have a safe flight. I'm gonna miss every minute of having you around-huling sagot ko.

Itinulog ko na lang ang kalungkutang bumabalot sa pagkatao ko nung araw na iyon. Pinilit kong kalimutan ang lahat at ipinaalala sa sarili kong may sarili syang buhay at ako din. Di ko dapat lunurin sa kalungkutan ang sarili ko dahil di ko alam kung ganun din sya.

Im here na.:(- message nya.
Im home na - message nya ulit.
Glad you're safe. Kagabi pa ko umiiyak- sagot ko.
Wag ka na iyak. - sagot nya.

Lalo lang akong napahagulgol.

Comments

  1. wow naman... mag-emo tayo sa araw ng mga puso!!! Go iyak lang...sino ba kasi ang lalaking yan?

    ReplyDelete
  2. Yung nasa One Sunday Night.

    ReplyDelete
  3. hays . pag-ibig. hahaha..

    ReplyDelete
  4. Replies
    1. Awww.. No need. I've done that already. A lot of times to say the least.

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!