What to Do. What to Do.
Akala ko late lang ulit mag-aannounce si mayor ng
#walangpasok nung ika-23 ng Agosto. Mali ako, paggising ko ng alas-kwatro ng
umaga, nabungaran ko ang text message ng Head Teacher, “May pasok na po tayo
ngayon. See you all.”
Sinukluban yata ko ng katamaran at naghangad pa ko ng mas
mahabang bakasyon.
Larga. Di ko dinala ang mga school gadgets ko. Di ko kasi
inisip na papasok nga ang mga bata. Pagdating ko sa school, walo sa kanila ang
pumasok! Aba, gusto talagang magkaron ng Certificate of Perfect Attendance for
August 2013. Tignan natin kung sino sa kanila ang hindi aabsent sa mga
nalalabing araw ng buwan.
What to do. What to do…
Naalala ko yung binigay na book ni Sir Jonathan, buti na
lang hindi ko pa nagagamit. Balak ko kasing gamitin yun sa kanilang writing
activity para sa 2nd grading period pero mas angkop na panahon ang
araw na iyon para dun. Tulad ng orihinal na plano ni Sir Jo, babasahin ng guro
ang bugtong at iguguhit ng bata ang sagot. Nakabuo sila ng kani-kanilang SINO
AKO? Booklets pagkatapos ng gawain.
Natapos na. Ano naman ang gagawin namin?
Umupo kami sa isang maliit na bilog at nagtanong ako sa
kanila:
If you have a pet butterfly, what will you name it? An
octopus? An eel? A tiger?
Funny answers.
Then they got bored.
Nagtanong ulit ako:
Nagtanong ulit ako:
Ano yung pinakapaborito mong ginagawa natin dito sa school?
--Cher yung experiment po na naghalo-halo kami ng mga
vinegar, toyo at mantika. (Sa totoo lang, hindi totoo yan. Sila na lang
naghalo-halo ng mga yan. Ang gagawin lang naman nila nun eh i-explore ang
properties ng liquids. Kasama dun ang paglilipat-lipat ng mga materyales sa iba’t-ibang
lalagyan. Napaka-simpleng experiment, pero alam ko ngang nag-enjoy sila kahit
nagkanda-amoy suka at toyo sila pagkatapos nun.)
--Cher yung I Wake Up
--Cher yung exercise na jumping jack
--Cher yung magbabasa
Ano yung bagay na natutunan mo ngayon pa lang na
hinding-hindi mo makakalimutan kaylanman?
--Cher yung solid, liquid, gas
Kung mag idadagdag sa mga ginagawa natin, anong gusto mo?
-- yung mas mahabang mental math po… (we tried minute madness
for mental math-add as many as you can as the teacher dictates the pair of
numbers to be added or subtracted)
Di pwedeng dagdagan ang oras para sa mental
math. It aims to let them practice faster thinking and confidence in speaking
in front of the class.
Hay.. Ang saya lang ng araw na yun. One-on-one with each of
them. Kung pwede lang na ganun. Next year, 40 kids nalang strictly per class as
we get complete implementation of Currciculum for K-3.
Tapos na ang first grading period. Di ko pa tapos ang grades.
Ang hirap “gumawa” ng grades. Ang sakit sa loob “magcompute” ng grades lalo at
wala namang ico-compute dahil na rin sa dami ng interruptions sa class namin
the past few months. Kapabayaan ko na din siguro na dapat ko nang baguhin para
sa susunod sa grading periods ay di na ko mahirapan. Sa totoo lang, ang
pagbibigay ng grades ang pinakanahihirapan akong gawin. Alam kong kelangan ko
tong gawin. Dito ko din kasi makikita kung effective ba akong guro. Takot lang
din siguro akong malaman kung may natututunan sila, baka kasi wala L
Hindi ko alam kung pano ko sisimulang mahalin ang assessment
and evaluation aspect ng patuturo. Alam kong importante ito. Sa katunayan, isa
ang Research and Evaluation sa mga options kong maging major sa future MA studies ko.
Oo nga pala, malapit na ang Second Semester.
Malapit na din magtapos ang Agosto. Tapos na din ang birthday
ko. Matanda na naman ako ng isang taon. Umalis na si Maring. Wala pa sa 15 ang
bilang ng araw ng pasok sa paaralan sa buwan na ito.
Maraming salamat sa lahat ng bumati. Nawa’y
pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal.
Malapit na ang September! Papatak na ang –ber months.
Kakaiba ang galak na hatid ng –ber na mga buwan!
Touch naman si ako. Mabuti naman you were able to use the book and the suggested activity. Babalik ako sa klase mo para mag evaluate, ha,ha,ha.
ReplyDeleteThank you so much for the mention and I know the children are learning from your teachings as shown by our dedication and patience with them. Have a great week!
ahihihi...sana nga po talga cher jonathan.. eto tapos na ang first grading.. marami pa kaming backlogs sa lessons lalo na sa english, pero siskapin kong magawa lahat ngayong last week of august para ang september ay start na ng lessons for second grading.....
DeleteKami din po maam halos walang klase sa kolehiyo dahil kay bagyong maring..
ReplyDeleteButi naman po at handa kayo lagi sa pagtuturo..
Nag bblog din pala kayo.. Nice to land here in your whereabouts..
will back read...
God bless po..
thanks for dropping by :)
Deletekelangan kapag teacher ay mabilis mag-isip at hindi sinasayang ang academic time. Mahirap pero I'm getting the hang of it.
ang sasarap talagang kausap ng mga bata nu, napaka pure
ReplyDeleteand honest nila wlaang halong pretension. nice ung ganyan
interactive na activity mag eenjoy sila nyan for sure
Check.
DeleteNakakawala ng pagod ang mga ngiti nila. Nakakawasak ng puso ang lungkot at hinagpis nila.
Naku, kelangan kong magbasa ng kung anu-ano para di ako maubusan ng mga gimik sa kanila..hehehe
Nakakatuwa mga pupils mo:) para gusto ko maging bata uli at makipagtanungan sa yo:) Nice experience:)
ReplyDeletenaku mamijoy.... sobrang aliw... for sure, ikaw kapag kasama mo din ang mga apo mo, mas nararamdaman mong maging bata at naaliw ka sa kanila.
DeleteBirthday mo? Belated happy birthday...
ReplyDeleteDi ko ma-imagine na nagtuturo ako... pero several years may mga offer sa akin sa High School. (Chemistry at Physics, haha, kala mo kay galing ko dun : ) Anyway, ang tyaga talaga ng mga teachers. Patience at hardwork ang puhunana nyo... Di ganung kadali lalo na sa puyatan sa paggawa ng lesson plans at computation ng grades..kaya I salute GOOD teachers!! Always keep up the good work, Ma'am!
sir, di pa huli ang lahat! pwede ka pa magturo :D hihihihi...
DeleteSalamat, Sir. we need a pat on the back every now and then.
Salamat din po sa inyon frequent na pagbisita saking pink wall..hihihi
belated happy birthday.
ReplyDeleteat nakakatuwa naman ung mga students na pumasok.
may halu-halo pang toyo at suka. kala ko magluluto sila lol
Thanks Sir Bino! Nagpunta ka pala ng Baguio, pasalubong! Hehehe
Deletekung anu-ano naiisip nila eh noh... hehehe
pati pala sa loob ng classrom humahashtag random kayo Teacher Kat, kaaliw ahehehe!
ReplyDeleteYuh. Kelangan may variety kasi nabobore sila minsan kapag andaming routines..
Deletepero mam yccos mas masaya naman kapag kaunti lang ang estudyante mas madaling kausap hehe :)
ReplyDeletei know right. at napaka-peaceful ng classroom. hihihihi
DeleteAng sipag naman nung 8 kiddos na yun.
ReplyDeletekasi gusto nila ng Certificate of perfect attendance...hahaha... nireremind nga ko lagi eh.. bwahahaha
Deleteaw i really admire you ate, cause teaching is in your heart...isinasaalang alang mo ang mga matutunan ng mga bata.. saludo.
ReplyDeleteParang nakakaaliw yung mga tinuturuan mo. :) I have always admired teachers who teach because of passion. Saludo ako sayo! :)
ReplyDelete