1.13.2014 Randomthoughts

1.13.2014

8:45PM

1. Andaming papel. Pwedeng checkan nyo ang sarili nyo.

2. Bakit ganito? Pag hindi ko sila kasama, nasasabi kong wala na ang puso ko sa ginagawa ko. Pero pag andyan na sila, nasa harap ko, nakatingin sakin, di ko mapigilang ngumiti at i-push ang sarili kong gawin nang maayos ang dapat kong gawin..

3. May darating bukas, 1.14.2014, hindi tulad nung isang taon na pag-uwi nya, excited ako noon. Ngayon, hindi ko alam. Ayoko syang makita, pero alam ko sa sarili kong gusto ko pa din syang makita.

4. Nasabi ko na sa kanya ang dapat kong sabihin, at masaya na sya, at kelangan kong panindigan ang sinabi kong masaya ko para sa kanya.

5. Ang kulit nung transferee, ayan tuloy, naiwan syang cleaners.

6. Gusto ko na lang mag-color nang mag-color.

7. Gusto ko na lang magbasa nang magbasa tapos magsulat nang magsulat nang walang katuturan.

8. Sana isa ko sa mapiling volunteer para sa summer training.

9. Namimiss ko na si Hippie, yung widescreen, yung Lightroom, yung mga pictures, yung mga movies.

10. Hindi ko rin gugustuhing tumira sa Baguio kahit gusto ko ang lamig doon. Parang mas nakakalungkot ang weather.


Matutulog na ko. Maaga pa bukas.
Oo nga pala, 14th na bukas, darating na sya.

9:06PM

Comments

  1. Sino kaya sya? Tsk. ..Tsk. ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmm.... The person who inspired me in a way to share my own stories, brokenhearted stories.

      Delete
  2. Replies
    1. Masaya yung sa 15th for sure... Etong for todau, I dunno..

      Delete
  3. Hayaan mo, ako bahala kumausap kay Papa J. na sana ikaw ang mapiling volunteer. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Pareng Cyron :) Nawa'y malakas ang dating ng sex appeal mo sa Kanya. hihi

      Delete
  4. Errr.. duratun? lels.. Sisay an. Ilinga. Less kaya ang jamming ta kaya bako ako updated. tsk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Inda man daw! Hahaha.. Pwede man baga magdinurat, basta single and ready to mingle.. Hahaha.. Oo nga eh, kung nuarin man harani kna kuta samo, tsaka man ako nagrayo.. Bayae sana, magka-chance man kitang duwa.... Hahahaha.. Mag-catch up :D

      Delete
    2. Amo Amo. Tama man baga. If warang responsibilidad, pwede talaga mag dinurat but not to the point na ikakakulog mo. Dakula ka na! Aram mo an. hehehe

      Delete
    3. eu na ang dipisil na part... inot karawat-kawat sunod, huna-huna, sundan pa ki moot-moot na warang return... ending hibi-hibi..haha... but i've learned my lesson.. not the second time around.. sort of, it all comes back to life pag anjan na yng taong yun sa harap mo.. ganun pala talga yun..

      Delete
  5. One of the benefits of blog is you can rant or express or burst-out what's inside your heart. It's not good kasi if di mo inilalabas. Masakit sa dibdib hehe. Kaya isulat na lang ng isulat hanggang sa mag mellow down ang nararamdaman.

    But what made me curious is yung dadating hahaha! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kung pwede ko lang isulat lahat... hay...
      Andito na sya.. Kanina pa po. Pero di ko alam kung ready na kong makipagkita pa sa kanya. Hay..

      Delete
  6. Ooohhh ruma-random thingy si cher Kat hihihi :D

    Na-intriga naman ako kung cno yung inaabangan mong dumating today. May kinalaman ba ito sa "usaping puso"? at konektado rin ba ito sa #4 sa list mo?

    (=^_^=)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uhuh.. Galing ng pusa ah! At naging subject din sya ng dalawang previous posts ko...

      Delete
  7. sinu to sa number 3? haha ako na usisero..

    7. sabi nga nila masarap magbasa at magsulat lalo't-lalo kung walang katuturan dahil mas madaming kwento ito kumpara sa ordinaryo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mas maraming kwento na iilan lamang ang makakarelate, at mas maraming magbabash... Hahaha

      Delete
  8. ang saya nga mag color no? lagi akong may coloring book at colors, nakaka wala ng stress :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I know right :) nahawa na nga ang ate ko eh :)

      Delete
  9. Sino yang kasama mo! -pagpag
    Lols

    ReplyDelete
  10. random talk to self? i love it! hi hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang restless ko po kasi eh.. Kaya ayan, rumarandom kembot para mairelease kahit pano ang tension tapos paglipas ng panahon, babalikab ko na lang to para tawanan...

      Delete
  11. nakakaintrga naman ung no.3 hmm,
    anyway ako ang gusto ko matulog nang matulog nang matulog haha

    ReplyDelete
  12. ako parang gusto ko tumira sa baguio. parang chill kasi lahat ng tao. para bang nasa dugo din nila yung lamig. LOL

    ReplyDelete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss