Estante

Pauwi na ko sa bahay after my afternoon tutorial job nang may makasalubong akong isang matandang lalake, may bitbit na itim na plastic na estante na may apat na palapag.

Unang tingin ko pa lang, alam kong inilalako nya ang estante, pansin ko din ang pagod sa kanyang mukha dahil sa buong araw na paglalakad.

Tinanong ko, "Manong, magkano po yang cabinet?"
"Php 1,200 kapag hulugan, Php 520 kung cash,"....
"Kung ako sayo mam, i-cash mo na, ang laki ng matitipid mo." Bibong sagot nya.

"Ay, Php 300 lang po yung bili ko sa ganyan ko eh, tsaka kulang na po ang paa ng cabinet nyo."
Sabay turo ako sa ilalim na bahagi ng estanteng tinda nya.

Tatalikod na sana ko, at maglalakad pauwi, pero nagsalita ulit ang matanda, "Bibilhin mo ba ng Php300?", "Eh kulang po ng paa," Sagot ko.

Pero sa isip ko, gusto ko nang bilhin. Mareremedyuhan naman yung paa nun. Tatanggalin ko na lang, para pantay lahat. Tamang-tama ang estanteng iyon para maayos ko ang mga libro ko sa kwarto. Namimiss ko na silang makita nang nakahanay at hindi nakatago o di kaya ay naka-kalat sa iba't-ibang lugar.

"Eh wala po akong dalang pera dito, maglalakad pa tayo papunta sa bahay ko." sabi ko.

"Ayos lang yun. Sanay naman na ako maglakad."

Habang naglalakad, nagkukwentuhan pa rin kami ni Manong.

"Ilang taon ka na Ma'am?"
"Hulaan nyo po."
"19?"
"Haha, binibiro nyo ko, pero gusto ko yan!"
"Oo nga po Ma'am, mukha kayong bata pa."
"27 na po ako."
"Alam mo Ma'am, tinatyaga ko talaga tong trabaho ko kasi nagpapa-aral pa ko."
"Ah talaga po, ilang taon na po sya?"
"19 na, at magte-teacher ang kurso nya."
"Ah teacher din po ako, hindi lang halata."
"Hay mam, yung panganay ko, pinag-aral ko pero nag-asawa kaagad. Yung bunso naman, sobrang pasaway, nag-iisang lalake kasi."
"Ano pong trabaho ng asawa nyo?"
"Cook sya sa restaurant,"
"Ok po yun ah, di kayo nagugutom,"

"Dun sa isang pinaglakuan ko, sabi nung isang nakausap ko, dapat daw hindi na ko nagtatrabaho nang ganito."

"Ilang taon na po ba kayo?"

"55 na ko,"

"Ka-edad nyo po ang tatay ko, pero CPA po sya. Pero di ko din maintindihan, mas gusto nyang kumayod gamit ang tricycle namin tuwing umaga."

"Napapagod na talaga ko Ma'am pero anong magagawa ko, may binubuhay akong pamilya."

Di ko na alam ang isasagot pa sa puntong ito. Derecho na lang sa lakad.

Lumiko na kami, lakad pa ng konti papunta sa eskinita, papasok sa street kung san ako nakatira.

"Dito po kayo mag-aabang ng tricycle mamaya kung gusto nyong sumakay na lang pauwi"
"Ay ma'am sasakay talaga ko, masakit na ang tuhod ko."

Konting mga hakbang pa at nasa gate na kami ng inuupahan kong bahay.

Pumasok na kami sa berdeng gate at tumapat sa pintuan ng aming bahay.

"Dito po kayo nakatira?"
"Opo, nangungupahan lang naman po ako, may mga kasama ko."

Pumasok na ko, kinuha ang estante, habang inaabot ang bayad, tinanong ko sya, "Gusto nyo po ng tubig?"

Parang nahihiya pa sya. "Sige po Ma'am."

Tumalikod ako at kinuha ang perang pambayad, kumuha ng isang basong tubig, bumalik sa pintuan at inaabot ang bayad at ang tubig para makainom si Manong.

"Makakauwi na po kayo nyan. Wala na kayong bitbit."

Isasara ko na sana ang pinto, pero sumenyas ang kamay nya at meron pa syang sasabihin.

"Ma'am maraming salamat po sa kabaitan nyo. Hindi kayo nagdalawang-isip na patuluyin ako sa bahay nyo. God bless you po. Ako ay isang tao lamang na naghahanap buhay. Yung ibang mga tao kasi na sa ganito nakatira, ayaw nilang magpapasok kasi akala nila magnanakaw. Ako, nagtatrabaho lang naman ako. Salamat po talaga."

Ano dapat ang sagot ko?

"Naku, ako nga po ang dapat magpasalamat kasi binigyan nyo ako ng discount."

"Pag may nakita po akong paa, ihahatid ko po dito."

"Wag na po kayong mag-abala, ok na po ito. Ingat po kayo pag-uwi."

Tumalikod na si Manong, at isinara ko na ang pinto. Umakyat sa hagdanan bitbit ang aking bagong itim na estante. Tinabi ko sya sa lumang estante ko, mas malaki tong bago kong nakuha, medyo nakonsensya ko. Binarat ko masyado si Manong, pero kung tutuusin, di na rin naman mabibili yun talaga kasi nga kulang na sa paa.

Naalala ko bigla ang parents ko habang iniisip ko si Manong. Anong klaseng anak kaya ako para sa kanila? Nararamdaman kaya nila yung pagsisikap kong maging mabuting anak at kapatid para sa mga kapatid ko?

Takteng estante to. Lakas maka-emo, kulang naman sa paa. Ok na din, may bahay na ang mga libro at mga anek-anek. Hindi na pakalat-kalat.

Comments

  1. Naluha naman ako dito....sakripisyo talaga ng mga magulang grabe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes Mamijoy. Ive know how my parents had sacrificed a lot and until now, ganun pa din. There are times, I really feel I havent given enough and it makes me want to try harder kahit alam kong I can never equate their goodness and love for us their children.

      Delete
  2. Ang ganda ng encounter mo pauwi Kat! Biro mong magkakaroon pa kayo ng somehow sincere talk with Manong dahil lang sa pagbili mo ng estante na tinda niya. I feel the story though short but so touching ang pagkasulat mo. The realization that struck you made you think of how you fair as a child of your parents. And the sincerity of Manong in his intentions to sell and when he said few things before going out of your humble house caught me. Apparently, you can never really size up a person's humility and sincerity just by looking at the outward. But through the casual yet sensible talk you were able to capture a man's heart full of life and love for his family. Ang ganda basahin. Sana more stories like this pa hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I hope so too DadiJay.
      I had no plans of writing this, but when I shared this Cher Jo last night, he said isulat mo at dun ako magko-comment.
      Naawa talaga ko kay Manong, he reminds me of father. Nung bata ko, pasaway din kasi ako, labeled black sheep pa nga kasi lahat ng mga kapatid ko mababait.. Hahaha... And yes, di ko alam kung anong irereply kay manong dun sa ainabi nya nung pauwi na sya. Ang pagbili ko ng murang-mura sa estante nya ay para sa sarili kong mga intensyon, hindi ko alam na may makikita syang kabutihan dun.... Im halfway through sa book!! Hihi! Di ko pa lang matapos-tapos pero I will.. Pinaiyak ako nun ng todo!

      Delete
  3. And at last pwede mo nang mailagay ang book na ibinigay ko nung short meet up natin sa Trinoma hehehe. Finally it finds its home through that 'estante' along with your other books hehe!

    ReplyDelete
  4. ang buti mo naman at ang bait din ni manong. dapat ung mga ganung edad talaga sa bahay na lang eh. dapat tinutulungan na ng mga mahal sa buhay

    ReplyDelete
  5. Sir Bino!!! Oo nga eh, sana din soon, makapag-chill-chill na si paps sa bahay, kaso di pwede eh. May isa pa kaming archi and the ma-pride paps of mine, di yun kasi umaasa lang sa iba, parang si Manong, kayod lang nang kayod :)

    ReplyDelete
  6. nagka estante ka na, naka tulong ka pa :)

    ibang level talaga ang parents, selfless na sila, di bale mapagod, magbuhat ng estante, maglakad..maka buhay lang ng pamilya :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo zai... Ganun na nga talaga. Minsan nga kahit di tayo magulang, we get to be selfless...

      Delete
  7. very nice deed teacher kat. one reason kung bakit nawala ung isang paa ng kabinet is for this story. God used you to inspire and help that person and most especially to show how beautiful your soul is. Don't forget this lesson and experience. more stories like thizzzzzz.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko alam kung anong nice deed dun, binarat ko pa si Manong diba? Hahaha....

      Delete
  8. humahanga nga ko sa nagtitinda ng mga ganyan, estante, papag, silya na nilalako habang naglalakad. grabe no? naiisip ko nga minsan kung may bumibili ba sa kanila nun. at buti meron pala. at yung mga tulad mo yun. salamat sa pagbahagi nitong magandang kwentong ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At salamat din sa pagbisita sa aking munting pahina :-)
      Nakakatuwa nman at kahit pano may napangiti ang post na ito....

      Delete
  9. *sniff*

    marami pa rin talagang mga huwaran at natatanging magulang sa paligid. very good example nga jan si manong na na-encounter mo sa di inaasahang pagkakataon cher Kat. may reasons si God kung baket nya kayo pinagtagpo ni manong - to make you/usrealized kung gaano nagpapakanda kuba sa pagtatrabaho ang ating mga magulang, maitaguyod lamang tayo. kaya sana 'wag natin itong sayangin at suklian ang kanilang kabutihan. thumbs up for this very uplifting story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. *hugs* i know right :) hindi ko naisip na marami din pa lang makakarelate sa aking encoounter :-)

      Delete
  10. Haha. pinilit kong hanapin ang blog mo dahil ayaw bigay sakin ni sef. kung kaibigan daw kita, hanapin ko.. Barat ka! hahahaha pero masyado kang mabait para sa sinulat mo. hmmm.. haha I labya!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayun na nga ....kaya nakokonsensya ko. Hahaha.. pahirap na friend yan si sepsep! Lels.. hindicako mabait, never! Lols .........

      pero napatunayan nmang maparaan ka, nahanap mo ang blog markymark! Ilabyu too :-)

      Delete
    2. Pano, nasa blogroll kita eh. Nabanggit ko ata sa kanya, kaya dun naghanap si mokong. :P

      Delete
    3. Isa kang mabuting kaibigan bakels. slow clap! Hahaha *mwuahugzz*

      Delete
  11. Gusto ko makita ang estanteng yan kapag bumisita ako ha. :)

    Ang heartwarming. Parang hindi ikaw. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Katulad lang sya nung plastic na estanteng black na nasa kwarto ko, taller and wider by a few inches.
      Sure, makikita mo yun pagpunta mo.

      Natouch ka talaga bakels? Diba ayaw mo ng drama? Wahahaha...

      Delete
    2. You touched me in places that shouldn't be touched. LOL Ang halay...

      Delete
    3. Eh ano pa bang aasahan sayo? Lols....
      Unless, bakels, straight kna? Hahaha

      Delete
  12. Marami akong sasabihin, himaymayin natin.

    A. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakatagpo ka ng isang nilalang na magbibigay pukaw sa iyong pag-iisip tungkol sa iyong mga magulang at katayuan sa buhay.

    - masuwerte ka at nagtapos ka ng iyong kurso, na mahal ka ng iyong mga magulang at sila ang dahilan ng iyong pagsisikap

    B. Hindi mo alintana ang maaaring idulot sa iyo ng isang istranghero nang siya ay pinatuloy mo sa iyong tahanan.

    - na ang mabuting gawa ay nasusuklian ng kabutihan. Maaaring simanong ay isang anghel na nagbasbas upang mabigyan ka ng mas maraming biyaya.

    C. Hindi lamang kuwento ni manong ang iyong narinig kundi na rin ang kuwento ng libo libong tao na naghihirap at nagsisikap sa kanilang mga buhay.

    - kailangan ng kahit sinuman ang isang kausap, kaibigan man o hindi. Sa mga oras na iyon, o mga minutong kayo ay magkasama, nangailangan siya ng isang tagapakinig at ikaw naman ay naging isang mabuting kaluluwang nagbigay ng bagong pag asa.

    D. May paa man o wala, mura man o mahal ang pagkabili, isipin mo kung para saan ba ang istanteng iyong nakuha.

    - ang mga libro ay magiging maayos na, pero isipin mo na ang istante mismo ay para na rin isang libro dahil mayroon kang natutunan at maraming nakabasa sa kanyang kuwento.

    If this was written as a literary piece for a competition, I bet you will get an award.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang pinakahihintay ko! I really intend to share the story with you kaya kahit nasa bus na ko, bumaba pa ko para makausap kayo.. Hehehe.. Di ko talaga naisip isulat to dito kundi mo sinabi. Buti na lang. Buti na lang. Salamat :)

      Ang malamang maraming naantig, naka-relate at na-inspire sa pagshare ko sa encounter kong ito, I am honored. Sana nga po, mas marami pang mabubuting maikwento sa mga sususnod na panulat....

      Mwuahugz Cher Jo!

      Delete
    2. I agree with Jonathan na award-winning piece eto

      Delete
    3. Im so flattered... \(^-^)/

      Delete
  13. lakas maka-MMK yung story. may kurot sa puso. :) thank you for sharing this...such an inspiration. be blessed. :)

    ReplyDelete
  14. Swak ba? Ano kayang pwedeng title? Pwedeng Paa o kaya Estante o kaya Emo? Lels..

    Salamat sa pagbisita :)

    ReplyDelete
  15. takteng estante nga yan pati ako napa - emo hu hu hu

    ReplyDelete
  16. ano ba naman yan nasa comshop ako ganto mababasa ko kuntodo maskit na mata ko sa antok hehehe, hays nakakaawa naman sya, naalala ko mom ko ganyang ganyan sya dati kaya nga sarap sa pakiramdam makita ko syang masaya sa paunti utni kong mabibigay sa kanya

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes Mecoy, masarap magbigay lalo na sa mga magulang :)
      Pero syempre, kelangan din nating alagaan ang ating mga sarili at continually improve ourselves para mas marami pa tayong maibigay sa kanila....

      Delete
    2. Yes Mecoy, masarap magbigay lalo na sa mga magulang :)
      Pero syempre, kelangan din nating alagaan ang ating mga sarili at continually improve ourselves para mas marami pa tayong maibigay sa kanila....

      Delete
  17. I love moments with strangers. Kapag nasa Metro ka nga naman, weird para sa iba ang makipagusap sa strangers at street vendors.

    Medyo kaka-luha. Saludo ako kay Manong. Nanghinayang naman ako sa bunso at panganay. Ung bunso k aya yung pinagpapaaral nya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello :)
      Yyp, nagaaral din yung binso kaso matigas daw ang ulo at mama's boy...

      Minsan mas masarap makipagusap sa strangers, yung tipong pour out moments kasi after the conversation alam mong hindi na kayo magkikita and you can just hope for the best... Always...

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss