Cry Monday
6:49PM Umiyak ako kanina. Parang nagsusumbong lang. Di naman bago sakin ang pag-iyak. Malungkot man o masaya,umiiyak ako. Mas madalas na di ko mapigilan ang luha kapag nagkukwento ako tungkol sa mga masasayang bagay. Kesahodang sinuman ang makakita, basta masya ako, wapakels na. pero ang luha ng lungkot, iilan lang ang nakakakita. Kaya, iniiwasan ko din ang malasing, iba kasi ang trip ko pag lasing. (Friends, kung mabasa nyo man to, please…… secret na lang yun. Hahaha) Mabalik tayo, umiyak ako kanina. Sa harap ng klase. Sa harap ng mga bata. Dahil nakakainis. Nakakafrustrate. Ang sistema. Ang ugali ng ibang mga bata. Di ko na napigilan. Di ko yata sila kayang mahalin. Ayoko sila makita bukas. Ayoko na. Ilang beses ko na yan sinabi pero kinabuksan, papasok pa din ako. Katunayan nga, eto oh, gumagawa ako ng lesson plan para bukas. Noong self-contained ang handle kong class, multimedia ang setup sa loob ng classroom at may routines ang mga bata. Nakakausap ko sila nang ...