Katkat's Daily Reminders
1.
Tapusin ang trabaho. Ikaw lang din naman ang gagawa nito. Pag
kelangan na umuwi, iwan na ang trabaho, andyan pa din naman yan pagbalik mo.
Work-Life Balance muna.
2.
Housemate, flush the
toilet. Please lang.
3.
Fix the bed. Always.
4.
No work-related stuff on the bed nor near the bed.
5.
Laging maglagay ng sapin sa likod.
6.
Pwede naman magreklamo, pero tandaan mo, ginusto mo yan.
7.
Kapag kinutuban ka, yun na yun.
8.
Laging magbaon ng tubig.
9.
Thoughts are portrayed through actions, kahit i-deny mo pa ang
lahat.
10. Pag may pasok, dapat gising nang 4am, pero sige, pwede mag extend
hanggang 4:20am.
11. Pag Sabado, ok lang maging bum. Pero kapag may labahan pa, hindi
pa pwede.
12. Ang gamit para sa kinabukasan, kelangan ayos na bago matulog.
13. Ang pagtitipid ay hindi nakakamtan sa pagtitikis ng mga bagay para
sa sarili. Nakakamit ito sa pagbibigay ng mga tamang bagay para sa sarili.
14. Di mo kelangang habulin ang oras, kelangan mo lang sabayan.
1. Minsan nag-uuwi ako ng trabaho sa bahay... ayun... inuuwi ko lang talaga at dadalhin ko rin naman kinabukasan o sa lunes hahaha.
ReplyDelete3. Agree! Hindi ko feel na makitang magulo ang higaan ko, parang ang gulo na rin ng buhay ko lols. Basta maayos yung kama, di bale na yung kwarto :)
4. Ina-aaply ko rin ito cher kat :) Dati kasi sa kama ako nagbabasa ng mga lessons o nagsusulat ng LP para kapag inantok eh deretso tulog na... kaya lang kapag nakahiga na ako sa kama di ako makapagpahinga ng maayos kasi pakiramdam ko working area pa rin ang higaan, kaya iniiwasan ko na gumawa sa higaan :)
10. Nakaka-relate ako hahaha. Ang alarm ko ay 4:04 AM pero 4:30 AM talaga ako bumabangon :)
12. True! Kasi mali-late ka kapag kinabukasan mo pa aayusin ang gamit mo :)
14. Sabayan ng gawa ang oras :) May natutunan akong bago.
Salamat cher Kat! Tao rin pala ako, dumaranas ng ilang pangyayari na kahalintulad din ng sa iba hehehe :)
Hahaha. Tao tayo Cher Jep! May puso at damdamin. Ahihi..
DeletePag magulo ang loob ng kabinet at ang kama, ramdam ko sa sarili kong wala ako sa hulog. Hehe.
Narealize ko kasing di talaga mapapabagal ang oras, so kelangan, sabayan na lang. Hehehe..
Thought on number 14:
ReplyDeleteAng nagmamadali ay maagang namamatay. Chill lang.
Kala ko ang nagmamadala, natitinik ng malalim. lels.
DeleteCheers!