Cry Monday
6:49PM
Umiyak ako kanina.
Parang nagsusumbong lang. Di naman bago sakin ang pag-iyak. Malungkot man o masaya,umiiyak ako. Mas madalas na di ko mapigilan ang luha kapag nagkukwento ako tungkol sa mga masasayang bagay. Kesahodang sinuman ang makakita, basta masya ako, wapakels na. pero ang luha ng lungkot, iilan lang ang nakakakita. Kaya, iniiwasan ko din ang malasing, iba kasi ang trip ko pag lasing. (Friends, kung mabasa nyo man to, please…… secret na lang yun. Hahaha)
Mabalik tayo, umiyak ako kanina. Sa harap ng klase. Sa
harap ng mga bata.
Dahil nakakainis. Nakakafrustrate. Ang sistema. Ang ugali ng ibang mga bata. Di ko na napigilan. Di ko yata sila kayang mahalin. Ayoko sila makita bukas. Ayoko na. Ilang beses ko na yan sinabi pero kinabuksan, papasok pa din ako. Katunayan nga, eto oh, gumagawa ako ng lesson plan para bukas.
Noong self-contained ang handle kong class, multimedia ang
setup sa loob ng classroom at may routines ang mga bata. Nakakausap ko sila
nang mahinahon. Alam nila ang oras para sa laro, nood, kanta at ang asal kapag
may guro na sa harapan. May ADHD kid ako nun na kapag di sya mapakali sa upuan,
tatayo sya sa harap at iikot nang iikot nang iikot. Pag lesson time na, uupo na
sya.
Anong nangyari?
Nitong mga nakaraang araw, di ako nakakapagturo nang
regular. Di nakakapasok sa mga klase na tuuruan ko. Di nakakausap ang mga bata
tungkol sa dapat naming aralin.
Nakapagturo ako impromptu sa 2 lower grades na science classes. Ayun
lang. impromptu dahil sinabi lang sakin ng grade chairman na ako magturo dahil
wala sya sa araw na iyon dahil may dadaluhan silang Science Fair sa ibang
school. Kasama nya ang ibang Science teachers at piling pupils na kalahok sa
mga contests. Limang teachers ang wala nung araw na yun, kapag ganun, we, the floating teachers
usually get stucked at one classroom. Team-teaching cancelled. Self-contained
classes activated. Ganun lang. Last
week, iba ang tunuruan ko, di nakapagturo at napagod sa workshop pero ok
lang, na-meet ko si John Legend in person. It was a helluvah week ika nga. Sabi
ko sa sarili ko, ayos lang, habol na lang kami ng mga kids.
Nakakamiss mapagod nang may kapararakan.
Akala ko talaga magiging ok na ngayong linggo. Paggising ko
nga, bangon agad, luto tinola, saing ng kanin, assemble ng salad, ligo, bihis
and hello school! Akala ko talaga, ready na ko. Pero hindi pala. For one,
nawawala yung lesson plan ko. Hindi ko kasi yun inuuwi, piniprint ko lang ang
lesson for the day, at dinidikit ko dun. Second, three teachers ang wala. Kami
ng mga kasama ko, mas gusto naming nag-iikutan. Syempre, yun ang routine, yun
ang sistema. Yun ang alam ng mga bata. Nakapagturo pa ko sa isang classroom.
Yung pinakamaaga kong tinuturuan, pero pinuntahan ako ni chairman at sinabing,
ako ang maghandle ng class nung teacher na absent at wala nang lipatan. Wala
nang lipatan. Di ako prepared. Science lang ang ready ako. Yung class pa na
ayaw ko. Oo, meron akong favorite class. Hindi ito ang pupuntahan ko ngayon.
Dumating ako sa classroom na may teacher pa sila. Pero may
mga batang nakatayo na, nagbabangayan at paikut-ikot sa loob ng classroom.
Pinakahirap akong disiplinahin sa loob si JC. Isa sya sa mga repeaters, isa sa
pinakamalaki, isa rin sa pinakamadaldal at pinaka-siga. Di ko rin maramdamang
teacher ang tingin nya sakin. Sa tindi ng kasungitan ko, di yata umuubra sa
kanya. Sa kanya lang yata hindi. Ewan ko ba. Kapag Science class, dahil maiksi
lang ang 40 minutes, natotolerate ko ang pagsagot-sagot nya. Nakakaya ko pang mapagsabihan
sya nang malumanay, basta sabi ko, kaya pa yan, matuturuan ko pa sya. Iba ang
araw na ito sa mga araw na 40 minutes ko lang syang kasama. Di sya mapakali,
ang lakas ng boses. Di sumusunod. Sumasagot. Walang takot. Napuno na ko. Kinuha
ko yung isang folder slide, pinukpok ko sa lamesa nya. Paulit-ulit. Tinakpan
nya ang mukha nya. Gusto ko syang saktan. Gusto kong ipadama sa kanya ang
frustration na nadadarama ko. Ang pagkadismaya sa sarili ko, sa sistema, at sa
ugali nya. Yung tipong kapag nasaktan sya, kapag nakita nya ko kinabukasan,
makikita ko ang takot sa mata nya na lumabag sa mga kasunduan naming sa loob ng
silid kapag oras na ng Science- Papasok, Tatahimik, Makikinig, Susunod. Kung
pwede lang sanang ganun. Pero hindi. Hindi ko sya pwedeng saktan. Hindi ko sya
kayang saktan. Sa pagpukpok ko ng folder slide sa lamesa nya, halos madurog ito
at di sinasadyang may parteng tumama sa gilid ng isang mata nya. Biglang
sinubsob nya ang uo nya sa kanyang braso at umiiyak nang malakas. Malakas pa
din kahit iniimpit nya.
Tumayo sya, “Kala mo kung sino ka! Gago ka! Nakakasakit ka
na sa mata!”
“Oo, sino nga ba ko dito sa classroom na to? Ikaw ang
tumayo sa harap, ako ang papalit sayo, ako ang magpapasaway para maranasan mo
ang hirap na nararamdaman ko!” Hinila ko sya sa braso at pinilit na tumayo.
Pero dahil malaki sya, nahirapan akong hilahin sya patayo.
Dun na ko bumigay.
“Hindi ako nagpunta sa classroom na to para sawayin kayo isa-isa. Hindi ako nagpunta dito para saktan kayo. Nandito ako para turuan kayo. Nung pumasok kayo sa silid na to bilang mga estudyante, alam ninyong kelangan nyong baunin ang disiplina para matuto kayo. Dapat alam nyo na ang tamang asal dahil alam kong nakakaintindi kayong mga bata. Hindi kayo bobo. Walang bobo. Tamad lang at walang disiplina. Nagpunta ko dito para magturo. Lahat kayo. Hindi pwedeng may maiwan. Kung ayaw mong matuto, hindi ka bagay sa classroom na to. Simula bukas, lalabas ka ng classroom na to, at sasama ka sa adviser mo. Kung paano ka matuto sa Science, gawan mo ng paraan.
Bumalik ka ng classroom na to kapag kaya mo nang idisiplina ang sarili mo.”
Pagkasabi nun, lumakad ako papunta sa lamesa ko sa likod. Ang tahimik ng classroom. Lahat ramdam kong nakatitig sakin habang nakatakip ako ng panyo at pinipigil ang mga luha.
Dun na ko bumigay.
“Hindi ako nagpunta sa classroom na to para sawayin kayo isa-isa. Hindi ako nagpunta dito para saktan kayo. Nandito ako para turuan kayo. Nung pumasok kayo sa silid na to bilang mga estudyante, alam ninyong kelangan nyong baunin ang disiplina para matuto kayo. Dapat alam nyo na ang tamang asal dahil alam kong nakakaintindi kayong mga bata. Hindi kayo bobo. Walang bobo. Tamad lang at walang disiplina. Nagpunta ko dito para magturo. Lahat kayo. Hindi pwedeng may maiwan. Kung ayaw mong matuto, hindi ka bagay sa classroom na to. Simula bukas, lalabas ka ng classroom na to, at sasama ka sa adviser mo. Kung paano ka matuto sa Science, gawan mo ng paraan.
Bumalik ka ng classroom na to kapag kaya mo nang idisiplina ang sarili mo.”
Pagkasabi nun, lumakad ako papunta sa lamesa ko sa likod. Ang tahimik ng classroom. Lahat ramdam kong nakatitig sakin habang nakatakip ako ng panyo at pinipigil ang mga luha.
Di ko na napigilan. Di ko ginustong masaktan sya. Pero
naubos na ang pasensya ko.
Sobrang frustrating.
Bukas, handa na kong makita ang magulang nya. Kakausapin ako marahil. Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung alam ng mga magulang nyang ganyan ang ugali nya.
Bukas, handa na kong makita ang magulang nya. Kakausapin ako marahil. Hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung alam ng mga magulang nyang ganyan ang ugali nya.
Sana lang marealize nila kung bakit sila nasa paaralan. Naniniwala ako sa corporal punishment. Maraming kokontra for sure. Kasama yan sa tough love. Napalo ako nung bata ako ng mga magulang ko. Tuwing pinapalo ako, sinasabi sakin kung bakit. Sinasabi sakin kung anong mali ko at bakit ako umabot sa palo. Pero kaylanman, hindi ako napalo sa paaralan.
Bukas, sana may magbago para sa ikabubuti. Mahanap ko na din sana ang lesson plan ko. Bukas, sana may trabaho pa ko.
Bukas sana makapagturo na ko. Namimiss ko na sila.
Namimiss ko nang mapagod nang may kapararakan. Kahit hindi
ko alam kung tunay ngang may kapararakan ang ginagawa kong ito.
7:50PM
Naalala ko bigla yung elementary years ko. Isang beses lang akong napalo ng teacher, pero sumama talaga ang loob ko dahil alam ko naman na mabait ako at hindi ako ang may kasalanan, nadamay lang. pero dahil dun, mas lalo akong naging masunurin at mabait na bata.
ReplyDeleteHindi ko alam kung kailan nagumpisa ang pagtigil sa corporal punishment sa mga eskwelahan pero alam kong nagkaroon ito ng epekto sa behavior ng mga bata, pati na sa role ng mga teachers bilang educators. May isang case sa lugar namin, hindi naman talaga sinaktan yung bata pero nagoverreact na kinakastigo daw ng guro. Nagsumbong sa magulang, nagoverreact din ang mga magulang at humihiling na patalsikin ang guro sa paaralang iyon. So far, naayos naman yata ang isyung iyon.
Iniimagine ko Yccos ang pangigigil mo, parang nakakatakot.hehe Pero ayun nga, kahit may mga pagkakataong iritable ka na sa mga pangyayari, lagi mong isipin na ikaw ay may mahalagang papel sa henerasyong tinuturuan mo. At isa kang maituturing na bayani.
Saka ang corporal punishment? Dapat kase ginagawa yan eh. Dahil sa sobrang pagkilala sa karapatan nagkaroon tuloy ng malaking generation gap.
Hindi sa pagkilala sa karapatan sumobra ang lipunan. Nagkulang ang magulang sa kakayahang ipaliwanag ang concept ng Pain vs Reward.
DeleteMay isa akong kid sa isang class, even the parent had given up. There's also one, na lolo na lang ang nagttyagang mag-aruga sa kanya and they are both problem kids in my kids.
Etong si JC, hindi ako masyadong familiar sa family background nya. aside from the medical condition he had that he faints and his head aches so much kapag na-s-stress sya. That is one of the reasons why he had to stop schooling last year. That's another one of my worries talaga, what if his condition gets triggered because of the incident yesterday?
Today had been another day. Hindi man kasing worse kahapon, pero it had been a milder kind of pasaway today. May nagsuntukan, may kinabit lang ako sa board, may behave sa class tapos nung uwian nakipagsuntukan. Merong hindi pumasok dahil napagalitan ko kahapon. But everything else, had been more manageable compared to my emotional outburst yesterday. My intermittent absence in class I suppose had affected their routine and behavior as well. I never lose hope that the coming days will be better.
JC had been significantly behave and responsible. did his assignment. got a perfect score in the quiz. I still dont look him in the eye, I dont smile at him and I still dont call him by his first name. Hindi ko pa kaya. He broke my heart. Lels. Pero as long as we keeps being the way he was today, magiging ok na ulit ako sa kanya. For now, I keep my distance.
DeleteAbout sa lasing-lasing na yan, don't worry, my lips are sealed. *hahahaha!*
ReplyDeleteNaalala ko nung nag-sit in kami sa klase mo once. Nawindang kami nila Tonto at Archieviner sa pinakita mong aura habang nagtuturo. Iba ka kapag nasa harap ng blackboard, iba ka rin paglabas ng classroom.
May mga bata man na gaya ni JC, always remember na mas marami pa rin ang kasalungat niya. Yung mga gustong matuto, yung mga nagpupursige. Think of the good ones, do not focus on the rotten ones. Naintindihan ko na 'walang dapat maiwanan', pero minsan, may hangganan lang talaga ang tulong na kaya nating ibigay sa isang tao.
Sana hindi magsumbong si JC sa magulang niya. He's done enough to hurt you, sana natuto siya mula sa pag-iyak mo.
Anyway, natuwa ako sa eksenang to:
"'Oo, sino nga ba ko dito sa classroom na to? Ikaw ang tumayo sa harap, ako ang papalit sayo, ako ang magpapasaway para maranasan mo ang hirap na nararamdaman ko!' Hinila ko sya sa braso at pinilit na tumayo. Pero dahil malaki sya, nahirapan akong hilahin sya patayo."
Award-winning! lol
Malapit na mag-Dec! Nomnom days are coming! Hahahaha
DeleteMuch as i wanted to think of the good ones, the bad ones need to be rescued. Hangga't kaya pa, push pa. Pero I can never go on like this. Caring so much means I have to be like this. Tough love all the way and Im not sure if I can wake up to this every day.
I had that scene solid in my head, it really was my breaking point. Award-winning nga daw sabi nung co-fellow ko. Hahaha. But hell yeah!
omg ang intense at hindi ko kinaya na sinabihan ka niyang gago!!! nakakalokaaaa!
ReplyDeleteako rin teacher, naniniwala ako sa corporal punishment, laki rin ako sa palo at i think nakabuti naman siya sa akin. naging bakla nga lang ako. charot. haha wa konek. lol
pero seriously, grabe siyang bata. :/ kung ako yun, hindi ko alam ang gagawin ko. haha baka nasampal ko siya or what. i admire you for your patience. sana nga tumiim sa kukote niya yung sinabi mo. sana nga magbunga ang pagod mo sa kaniya.
Kanina merong nagmura ng "Putang Ina Ka!" sa classroom. Babae. They pointed the girl whom I can never imagine saying such word, but yeah, she just did. Solution, bukas dadalhin ko ang chili powder sa school.
DeleteCursing is not allowed in my class, if they do it outside, at least not in my class.
Giving things a try is one of my policies inside the room, if they think they can never be good students, they must try first, if they really fail to be one, then thats the time we give them another option. We never stop trying, even if every try, they slip, but still we try again. *Deepsigh*
I don't wanna reach the point that I totally lose hope. Wag naman sana.
Ano bang pinapalo sayo nun? yung scepter ni sailormoon? Hahaha!
hindi. sinturon... na may glitters. charot. haha
Deleteaww panalo sana naging teacher kita nung bata! hehe
Hahahaha... Stickless classroom daw ngayon. So ang dala ko, yung 1 meter soft metal ruler. Alam na. Lol.
DeleteVery familiar ang buong istory ng isang guro. Kung hindi kasi natin bokasyong magturo hindi natin papa sinin ang mga tulad ni JC, pababayaan na lang natin, tutal suweldo lang naman ang habol natin but we are not like those teachers, we give them our heart kaya naiinis tayo, naiiyak, nagagalit kapag hindi sila matuto. Ganyan din ako especially sa mga tutorials ko, malalaki na kasi. Kung ayaw makinig, I walk away, or walk out of the house. Hindi ko kailangan ng pera nila kung wala namang respeto from the children.
ReplyDeleteIngat lang cher Kat kasi iba na ang paguugali ng mga bata ngayon, o ng tao. Alamin mo ang background ni JC baka ikaw naman ang maging catalyst for change. Kahit isang bata lang sa iyong pagiging guro ay naging mabuting tao, pinagpala ka na.
Ikaw kalaban mo mga estudyante, dito sa amin, mga kasamahan ko sa paaralan. Just like this morning, ako na naman ang laman ng kanilang mga tsismisan. Hay buhay!
Di ko pa din kinakausap si JC, yng mom nya nasa skul kahapon buong araw kasi sila nagbantay sa class dahil wala kami. Ayun nga nasabi nya din, grabe ang behavior ng mga bata sa classroom. They had seen them get into fights and sana naman they had felt how hard it is and sana marealize din nila what their kids are missing kapag nauubos ang oras sa kakasaway.
DeleteKamusta ka na cher Kat?
ReplyDeleteMinsan talaga hindi natin maiwasan ang ganyan. Sobra rin talaga ang ibang bata. Higit pa nga talaga sa pagtuturo ang kailangan nating gawin, kasi yung mg problema ng bata sa kanyang sarili, pamilya at paligid ay nadadala rin niya mismo sa paaralan, kaya nahihirapan siyang mag-aral ng mabuti. Isa pa, mahirap din naman sa ating parte na bigyan sila ng solusyon isa-isa, dahil di naman maari iyon, o kung pwede naman, hindi sapat ang oras, at lalong hindi makukuha sa mabilis na panahon.
Naiintindihan kita cher Kat.
Im ok Cher Jep.
DeleteWe can never stop caring.
Bad days come and go sa kahit anong profession naman. Just hang in there. Bati na kayo...
ReplyDeleteAyoko hindi pa rin kami bati.. Hihihihihi.... Kelangan maging consistently behave muna sya.
Delete