Randomthoughts 12 June 2016
9:17 AM
1. Wala kong Randomthoughts post nung
May 2016. Anong ibig sabihin nun? Hokey. Tinamad ako or busy lang ako?
2.
Ito
lang yung Sunday na wala kong pasok. Yahooo! Sige na nga, umabsent ako ng
Saturday and Sunday nung April, kasi naglamyerda ko sa Baguio. At hanggang
kalagitnaan ng July na lang na ganito ang weekends ko. Harinawa.
3.
Namimiss
ko na mamundok. Akyat-akyat pls.
4.
Hindi
ako pwedeng hingin ng pieces of advice tungkol sa love and relationship
problems. I give the worst suggestions. Sobrang bitter suggestions. What is
happening to me?
5.
Katatapos
ko lang maglaba. Ang saya. Yung kwarto ko naman ang naghuhumiyaw, Fix me! Clean
me!
6.
Naranasan
ko na yung sumama sa HOHOL pero hindi talaga ko kasama kasi kaharap ko pa
laptop ko at kelangan talaga malapit sa isang electric socket ang table namin
dahil kelangan kong matapos ang editing job before Friday 6pm. Tapos kaka-send
ko lang, meron na namang dumating na bagong set. To comfort me, sabi sa email,
I have 10 days to complete the task compared to the last one na 3 days lang.
Aysus gid. Keep ‘em coming!
7.
As
of today, 21 days to go before the examination day! Pero meron pa kong ibang
non-language related exams na upcoming. Ayoko muna sila isipin. Isa-isa lang.
Multi-tasker lang ako. Pero hindi ako Corei7 processor.
8.
I
took the TESOL Certification 3 years ago, hoping na magagamit ko talaga sya
someday. At eto na nga, dumating na ang panahon.
9.
Mag-eexpire
na yung driver’s license ko, hanggang ngayon, wala pa rin naman akong
dina-drive at di ko pa rin alam ang daan
patungo sa puso mo. Anudaw?
10.
After
so many years, natapos ko rin ang book na Why Men Love Bitches. I therefore
conclude, I am not a bitch. But I am no nice girl as well. I am in between,
that’s why I am single. Marami din naman good points with book. But at the end
of the day, I don't want to be called a bitch. Pero yung definition ng nice
girl dun sa book, mas apt na tawaging stupid girl. Dapat ganun na lang, para
ako na lang ang nice girl.
11.
Yung
magigising ako ng 4am para mag-aral. Subsob sa libro. Literal. Kasi nakatulog
na ulit ako hanggang mag-alarm ulit ng 5am. Pano ko makakapasa nito?!
12.
Nung
isang araw pag-uwi ko, di na makatayo si Kenji, our white dog. Siguro mga nasa
70 dog years old na sya. Ang tanda na nya eh. And feeling ko din, bakla sya.
13.
Eto
na talaga, kelangan ko na mag-cut sa coffee intake. Ah eh.
14.
Sinabi
ko sa co-teacher ko na may bago kong pinapanood na Japanese drama. Tinanong nya
ko kung nalagay ko na sa excel sheet. Oo, naka-excel ang mga pinapanood kong
series at movies.
15.
Araw
ng Kalayaan ngayon, pero malaya nga ba talaga tayo?
9:56
AM
Comments
Post a Comment
Feel free to comment :)