22 Mar 2026

 Sa gitna ng ingay at gulo, bigla kang babalutin ng lungkot. Sa kaloob-looban, gugustuhin mong bumalik sa nakaraan, kahit na alam mo namang di yun mangyayari kahit kailan. 


Sa gitna ng ingay at gulo, bigla kang makaka-alala, meron kang obligasyon sa ngayon. Sa kaibuturan ng puso, alam mong may mga dapat kang gawin, at walang ibang gagawa para sayo kaya naman pipiliin mong kumilos sa kabila ng bigat ng damdamin at kalungkutan. 


Sa gitna ng ingay at gulo, bigla kang mapapatigil at mamapatanong sa sarili kung anong kinabukasan ang naghihintay sayo. Sa malawak na mundo at di mabilang na oportunidad, alam mong wala kahit isa doon ang ibibigay sayo ng walang kapalit na hirap at sakripisyo.

Pagkatapos ng ilang saglit ng pagyakap sa lungkot, saglit na pagkabigo at kawalan ng kontrol sa mga pangyayari, pilitin mong bumangon, simulan ang paghakbang sa kung saan ka naroon ngayon, isa-isip at isa-puso ang mga pangarap. Wala mang kasiguruhan ang kinabukasan, alam mong ang pagpili nang tama at pagkilos sa ngayon, gaano man ito kaliit at kapilit ang syang tamang desisyon. 

Kaakibat ng obligasyon sa sarili ay ang pagpapala mula sa Maykapal.
Harinawa. Harinawa. 


Comments

Popular posts from this blog

4 July 2025

The Man Behind the Metaphors

Time Alone