Dahil Sabado Ngayong Gabi.
8:50 PM Hindi ko na maalala kung bakit Saturdaythoughts ang pangalan ng blog ko. Hindi ko na din alam kung bakit Saturday/Sabado ang pinili kong araw para sa pangalan ng blog na ito. Dahil Saturday ngayon (6.28.2014), hahayaan kong mag-flow ang aking mga muni-muni sa buhay. 1. Kakatapos ko lang mag-laba! Sa ngayon, pinaninindigan ko pa din ito bilang aking stressbuster. 2. Nag-grocery kami ni housemate for our kitchen supply for the next two weeks. Na-realize ko lang, dapat pala Wednesday kami mag-grocey, mas maraming free taste. Mas marami ding good deals. Swak naman kami sa budget, abonado lang ng 75 cents! Woohoo! 3. Panahon na naman ng santol! Gusto kong makakain ng ginataang santol. Huhu. Sana sipagin akong magluto nun. Lels. 4. Andami kong pictures ng mga peborit kids ko sa phone ko. Lagi kong pinapakita sa Mama ko. Kinukwento ko yung mga lolo at lola na nagbabantay at nagsusundo sa mga apo nila sa skul. Tinanong ko si mama kung gusto nya ding gawin yon, sabi naman ny...