Wala Kong Maisip na Title. Late na Kasi to.

Isang Araw Sa School

Habang nagpapabasa ako ng mga bata isa-isa sa may corridor kaninang umaga, napansin ko ang pagdating ng isang hindi katandaang lalaki, may bitbit na styrofoam sa kanang kamay, laman marahil ay pagkain. Suot nya ay long sleeve powder blue-colored polo shirt na halos ay dalawang size ang laki sa dapat ay size na bagay sa kanya. Naka-suot din ng napakaluwag na maong na pantalong kupas at puno ng mga patak ng pintura. Sa kabilang kamay naman ay isang di-kalakihang canvass bag na gawa sa sako, laman ay mga tools. Nakita ko kasi yung naka-usling ulo ng lagari kaya ipinagpalagay ko na karpentero siya. Inilapag ang kanyang bag sa may gilid ng corridor at tumapat sa pintuan ng isang classroom, lumabas ang isang batang babaeng, kahit nakatagilid ay naaninag ko ang ngiti. 

Humarap ang batang babae sa lalake, iniabot ng lalake ang baon sa batang babae. Di pa nakuntento, lumuhod ito sa harap ng bata upang magpantay ang kanilang paningin. Inayos ang kupasin, luma at gusot na uniporme ng babae, hindi ko marinig ang sinasabi ng lalakeng, ipinagpapalagay ko ay tatay ng batang babae. Hinahaplos ang magkabilang balikat ng bata. Marahil ang sinasabi nya, "Magpapakabait ka sa loob ha, anak. Mag-aral kang mabuti."

Tumayo na ulit ng tuwid ang lalake at ang batang babae ay pumasok na sa loob ng classroom. Tumaliko
d at kinuha ang kanyang mga gamit, dederecho na marahil sya sa kanyang trabaho. 

Ang batang babae ay kabilang sa tinatawag naming Non-Readers' Class. Isang buong section sila na tumungtong ng grade three pero walang muwang tungkol sa alpabeto, tunog at pagbabasa. Ang hirap gumawa ng strategy para sa kanila para ituro ang mga concepts na dapat nilang aralin mula sa pagbabasa.

Naisip ko nga rin, siguro yung tatay hindi rin marunong magbasa kaya ganun. Pero alam kong alam ng tatay na nasa pag-aaral ang magiging simula ng magandang kinabukasan ng kanyang anak. Minsan nga, gusto kong mag-sit-in sa class ng isang grade two teacher para malaman ko kung bakit may mga batang hindi pa rin nakakapagbasa pero nakakatuntong ng grade three. Marahil nga din siguro, slow learner yung bata kaya walang natutunan at hindi makasabay sa kanyang mga kaklase na kapareho ng edad. Hindi ko na alam.

Hindi ako ang Special Reading Teacher ng batang ito, pero hangad ko ay maabot nya goal naming makapagbasa ang buong section nila at makapagbasa rin sya para sa sarili nya at sa tatay nyang nagsusumikap na bigyan sya ng mas maayos na pamumuhay. 



Miracle in Cell No.7

Katatapos ko lang panoorin ang Miracle in Cell No.7 at hindi nga nagkamali ang hinuha ng aking housemate---iiyak ako nang todo-todo habang pinapanood ko ang movie. Iyak na hagulhol at di ko talaga napigilan. Maga ang mata ko hanggang kinabukasan. 

Pagdating sa pelikula, halos alam na nila kung gano karami ang magiging luha ko sa panonood. Kahit kasi simpleng mga scenes, ambilis pumatak ng luha ko. Minsan pa, kung kelan naisipan kong mag-eye-liner tsaka ko pa naisipang sumama at manood ng nakakaiyak na pelikula!

Dahil mahilig talaga ko sa spoilers, let me give you a background of the story: Ang kwento ay tungkol sa isang bilanggo na nahatulan ng parusang kamatayan dahil sa maling akusasyon ng pagpatay at panghahalay sa isang batang babae. Mentally-challenged at ang kanyang intellectual level ay pang six-year old, kapareho ng sa kanyang sariling anak na babae na sobrang mahal nya. Umamin sya sa kasalanang hindi nya ginawa, nakulong at nahatulan ng kamatayan. San ang nakakaiyak dun? Panoorin mo :P 

Noong Nakaraang Linggo

Tuwing Linggo na lang ako umuuwi sa bahay. Hindi na sleepover. Simba sa umaga, lunch date with family at ilang oras pa, uwi na rin ako sa QC. Ganyan na lang lagi. Nung isang linggo kasi, Saturday pa lang nasa bahay na ko at napapalibutan ng mga pusa naming sila Stranger, Jude, Sugar at ang pinaka-matandang si Why, di na matigil ang pag-bahin ko at magang-maga na ang mata ko dahil sa mga balahibo nila. Kumain pa ko ng manggang isinasaw sa bagoong isda na may sili. (Oha! Mahilig na ko kumain ng maanghang ngayon!)
Ayun, allergy attack it is! Iniiwasan ko uminom ng antihistamine kasi siguradong, matutulog lang ako.

Gusto ko magpicture kami ni papa magkasama, pero super KJ talaga sya! Pero tuwang-tuwa naman syang makita kaming nagpipicture lagi. Weird Papa,right? Pero ramdam ko ang tuwa nya tuwing nakikita nya kaming magkakasama at sisigaw ng "Group Hug!"

Bente-syete anyos na ko, pero kapag may problema ako, si Papa pa din ang instant superhero ko. 

Ito ay isang late post ng commemmoration ng Father's Day para sakin. After all, hindi naman talaga kelangan na tuwing nakatakdang araw lang tayo magbigay pugay sa mga tatay natin sa buhay.

Comments

  1. Akala ko naman kung ano na yung 'naka-usling ulo'. *hahahaha!* Sorry, magpapaka-behave na nga ako... :P

    Mas inaatupag kasi nila ang Facebook at paggawa ng Loom Bands kaysa mag-aral. Basta may tiyaga at determinasyon, walang taong slow learner.

    Pananaw ko lang naman yan. Hindi naman ako isang guro, so what do I know, right? :)

    Ayaw ko panoorin yang 'Miracle In Cell No. 7', ayaw ko maiyak. Tsaka yang 'The Fault In Our Stars'. Di pa ko ready. *hahaha* Yung 'Starting Over Again' nga, di ko pa rin pinapanood. Lels.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lols. Ah eh.... Sa lagari po :P

      Wala na ngang makain, loomies at fb pa talaga?! hahaha...
      Everyone is entitled to his/her/it own opinion naman. Harhar

      I know right. Pasimple ka pa, iyakin ka rin naman if i know! hahaha

      Delete
    2. me iba pa namang factors kung kaya minsan di nakakapag aral ng maayos ang mga bata. Minsan, sobrang layo ng paaralan at sobrang dami pa ng dadalhing mga books. minsan naman, sila mismo yun dinidiscourage ng magulang sa pagaaral.


      try kaya nating mag-educ Sep nang maexperience yang teaching field na yan.hehe


      Hindi ako fan ng mga drama movies o love stories. Nakokornihan ako. It's ironic though, lately kase panay movie marathon ako ng mga romantic comedy.hehe

      Delete
    3. ay ang bastos ni sep sep! i-principal office na yaaan! pero kasama ako. hihihihihi

      Delete
    4. I dunno. Kasi yung ex ko, tipikal na mahirap sa province (marami siyang kwento about hardships niya nung nag-aaral pa lang siya) pero ngayon ay uber successful na. I don't think na may factor ang swerte dun, purong sipag at determinasyon lang talaga kaya nakamit niya kung ano man ang mga naabot na niya ngayon. Dahil sa kanya, naniniwala ako na may pag-asa sa edukasyon, at magagawa mo lahat kung hindi ka susuko at magpapadala sa hirap ng buhay. Siya ang living proof ko. :)

      Hoy, hindi ako iyakin ah. Wala kang proof! *hahaha* Shatap! Lels.

      Delete
    5. Oo.. Basta may tyga, may nilaga talaga!

      Ok. Hindi ka iyakin, madali ka lang ma-carried away. Lels.

      Delete
  2. Omg naiyak ako. Ewan. Naiyak ako. Made me want to follow my mom's footsteps sa teaching. Makakuha kaya ng units sa ed at magtake ng board? Haiy saludo talaga ako sa mga teachers

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dami mo din kasing pinagdadaanan ngayon FSOQ kaya siguro. Pero if you plan to teach, go ahead, even if it's for a few years, it would really be full of learning and wisdom :D :D
      Go sa pag-aaral. That would divert your attention and eventually you will meet new people too :)

      Delete
  3. i love randomness! hehe

    kinikilig talaga ako sa thought na teacher ka! ahaha sooo cute. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cute talaga ko! Char! Hahaha..
      Sana mavisit nyo ang classes ko :) mas cute yun. Hihi

      Delete
    2. Cute talaga yan si Yccos. Bite-size. *hahaha*

      Delete
    3. hindi ko pa nakikita sa personal si Yccos pero ramdam ko. cute sya.haha!

      Delete
    4. Di lang siya cute, lovable pa. *hihi*

      Delete
    5. Hmm... Di pa ba tayo nagmi-meet? Eh di pagbalik mo sa Pinas :) hehehe...

      Salamat babysep :P

      Delete
    6. pwede!haha. kaso mga january next year pa eh. but i'll be looking forward to it.hehe


      naks naman si Sep oh. kaya pala mukhang love na love ka nya.hehe

      Delete
    7. Naman! Dito pa ko nyan for sure :_P

      Soul-sisterettes kamo nyan ni babysep :) hihi

      Delete
    8. hmmm.saan ka pupunta? aalis ka ba ng bansa?


      mukha nga. lalo na't madalas kang i-nag ni Sep.hehe


      Delete
    9. Ako? Hindi ko pa alam kung anong job ko after this cntract. Pagkatapos kasi ng school year, tapos na din ang teaching post ko dito sa QC unless mag-apply ako for permanent position.

      Delete
  4. Iniskip ko yung sinulat mo about Miracle... kakadownload ko pa lang kasi at papanoorin ko pa lang later haha. Eh sabi mo mahilig ka sa spoilers...

    ReplyDelete
  5. Teacher's narrative!!!

    Ang sarap maging guro ano? Dami din niyan dito sa pinagtatrabahuhan ko.

    -------
    Di ko pa nababasa ang dalawang parte ng post. Una lang. Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Skip-reading na ba ang tawag dun? Hahaha..
      Masarap na nakakapagod! Hindi ko pa tuloy alam kung handa na ba akong mag ibang field next year. Pag naiisip kong wala kong kids na next year, parang di pa ko ready at nalulungkot ako. Wahehehehe

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss