Dahil Sabado Ngayong Gabi.

8:50 PM

Hindi ko na maalala kung bakit Saturdaythoughts ang pangalan ng blog ko. Hindi ko na din alam kung bakit Saturday/Sabado ang pinili kong araw para sa pangalan ng blog na ito.

Dahil Saturday ngayon (6.28.2014), hahayaan kong mag-flow ang aking mga muni-muni sa buhay.

1. Kakatapos ko lang mag-laba! Sa ngayon, pinaninindigan ko pa din ito bilang aking stressbuster.

2. Nag-grocery kami ni housemate for our kitchen supply for the next two weeks. Na-realize ko lang, dapat pala Wednesday kami mag-grocey, mas maraming free taste. Mas marami ding good deals. Swak naman kami sa budget, abonado lang ng 75 cents! Woohoo!

3. Panahon na naman ng santol! Gusto kong makakain ng ginataang santol. Huhu. Sana sipagin akong magluto nun. Lels.

4. Andami kong pictures ng mga peborit kids ko sa phone ko. Lagi kong pinapakita sa Mama ko. Kinukwento ko yung mga lolo at lola na nagbabantay at nagsusundo sa mga apo nila sa skul. Tinanong ko si mama kung gusto nya ding gawin yon, sabi naman nya, kapag andyan na, hindi naman na yun ma-hihindi-an. Hihihi. Excited na ko makita silang magka-apo :)

5. Dati gusto ko lang magka-baby, walang asawa. Parang feeling ko less hassle, and all. Pero simula nung nagturo ako, nakita ko ang kahalagahan ng isang buong at maayos na pamilya. Ang selfish ko pala. Pero nakita ko din ang struggles ng pagpapanatili ng isang maayos na pamilya-- ang hirap pala.

6. Pinakamahirap kalaban ang sarili--ang sariling katamaran.

7. Na-discover ko na ok na ok sakin ang pagpapatugtog ng instrumental relaxing tuwing hapon. Sabayan ng green tea. Narerelieve ang utak ko at natatapos ko ang mga gawain na itinalaga ko para sa araw na yun. Sa susunod nga makabili ng tea candles at jasmine oil para maging mala-spa na ang kwarto ko. Masahista na lang ang kulang! :P

8. Kelangan ko na ayusin ang corkboards ko. Medyo marami nang nagyari, medyo marami na kong plano sa buhay.

9. Nung Sunday, sabi sa preaching, sa issue ng pagiging offended, ang dapat pala mag-sorry ay yung taong na-offend, at hindi yung naka-offend. Kasi nga naman, hindi naman intentional ang pang-o-offend ng isang tao, unless hobby nya yun. Dahil alam kong may pagka-madaldal at taklesa ako, sa mga taong na-offend ko, at kasalukuyang na-o-offend ng aking presensya at ma-o-offend ng aking mga salita---you are all forgiven. Sorry din kung ma-offend nyo ako. Pero most likely, wapakels naman ako pag nagkataon.

10. Natuto ako. Tama naman palang magplano at tumingin nang matayog para sa future. Kasabay ng mga pangarap ay ang pagsusumikap sa ngayon. Every little thing counts. Every little thought is important. Malayo pa ko sa pangarap ko, mga ilang milya pa. Pero kembot lang.

11. Paborito kong kwento sa Adarna Books ang Kamatis ni Peles. Sabi kasi ng Hugo na Langgam kay Peles na Tipaklong, "Sa sipag at tyaga at konting banat ng buto, tutubo din ang mga kamatis mo." Lagi kong pinapaalala sa sarili ko yan lalo na pag tinatamad ako. Konting banat pa ng buto, magkaka-alindog din ako. Haha!

Oo. ganyan kagulo ang mundo ko. Saturday, kelangan ko na maayos ang mga gagawin at ituturo next week kasi bukas, Sunday, Hello Liliw!

9:22PM

Comments

  1. 9. Di ko magets. Pakiexplain pa. Labyu.

    Ang daming homework ng teacher noh? Gusto ko na rin magkaanak pero di ko lam kung san lalabas sakin e. Haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ko rin maintindihan yung #9. Or rather, I totally disagree. LOL

      Delete
    2. Personally, hindi ko pa din matanggap ang ideyolohiyang ito. Pero, if looking at it on a different light, when we speak of something, we dont usually mean to offend somebody else, and getting offended is a personal take, we should not get mad at the person who said something offensive to. Nonetheless, I dont see the logic of saying sorry because we got offended... Another thing, why would we get offended by others when we exactly know ourselves..... Ayun langs.. Ang hirap pag-isipan..haha

      Delete
    3. I think mas okay siguro if parehas na lang mag-sorry. Di ba...

      Delete
  2. Baliktad tayo Meow, sa akin naman, paglalaba ang pinaka nakaka stress haha :)

    Di ko pa nabasa ang Kamatis ni Peles. Ang favorite ko namang Adarna book ay Og Uhotg - ang kyut kyut :)

    Have a great week ahead! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. kanya-kanyang trip nga lang yata Zai :D :D

      Have an awesome wonderful week ahead too!

      Delete
  3. I like your realization sa #5. And thanks for sharing it too. *hehe*

    Alam mo, feel ko, magbabago ang mga isinusulat mo once na nagkaroon ka na ulit ng lovelife. LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha.. Antagal ko bago natanggap yan sa sarili ko kasi gusto ko sanang panindigan ang maging single parent... hahaha...

      Magbabago ba? Sana wag, sana madagdagan lang ng kulay! Char!!!

      Excited na ko para sa lovelife namin ni Atom mylabs!! hahaha #umaambisyon

      Delete
    2. Kung sakaling maging kayo nga, I will do everything in my power para mapasaakin siya! *insert evil laugh*

      Delete
  4. nagustuhan ko din yung #5, pareho tayo. tingin ko mas importante parin na may buong support system ang bata. kapakanan parin nila bago ang atin.

    pero jusme ate, sa lahat ng gawaing bahay ang ayoko talaga ay paglalaba. nasstress ako. pfffts.

    saan kayo nagg-grocery? lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang hirap diba... hehehe....

      Ang lalabahan ko lang naman, sarili kong damit, mas stressful para sakin ang maghugas ng pinggan.. dumarami sila! hahaha

      Sa Shopwise :D :D :D Pero recently, mahal talaga lahat ng bilihin! Grabe :(

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

11 Things I Will Miss

May Nag-Reply!