Munimuni sa Araw ng Kalayaan

7:37PM

Mga Nawala.

1. Walang pasok ngayong araw dahil ika-116 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. 
GOOGLE HEADER TODAY! Hurray to Print Screen!

                Pagkatapos ng pahapyaw na discussion kung bakit walang pasok bukas:
                Pupil M: Cher, andun ka ba nung sumugod ang mga Espanyol?
                Cher Kat: Hala. Anong gagawin ko dun?! Balik na nga lang tayo sa paggamit ng ruler! 

2. Wala na kong advisory class. Yehey! Pero nakakamiss din naman. On the contrary, mas marami akong handled kids ngayong taon, an average of 62 kids/class, nagtuturo ako ng Grade 3 Science sa limang sections, 300+ kids, every day ang aking mga bagets. Minsan, Ate pa rin ang tawag nila sakin. Oh ha! Oh ha!  

3. Yung 50 minutes na alloted academic time para sa Science sa bawat class, na-reduce sa 40 minutes, kasi gusto nila makauwi na kaming lahat ng 11:30, pero ang out talaga ay 11:40. Since mejo ok na ang aking classroom management skills, nakakapagturo na ko. Pero 10 minutes, is still 10 minutes, makakapag-independent practice pa kami ng mas marami sana nun!

Mga Bago

4. Dahil na-engganyo si housemate sa trip kong weekly meal plan, nakisabay na sya. Oo, nawiwili na din akong magluto lately. Lagi na akong may prepared baon. Ang saya-saya lang ! :) :) :) Kanina, tinapos namin ang aming 2-week meal plan.  

5. Hindi ko gusto amoy ng cumin at thyme, pero dahil ang mga gusto kong i-try na recipes ay meron nyan, ayun, kasama na sila sa grocery list. 

6. Mejo naaaliw akong mag-pinta-pinta lately. Kanina, inayos ko yung aking teaching kit dahil hassle ang pagdadala ng backpack ko sa kada class na papasukan ko. Ayun, more more drawing at more more painting. Mukhang gawa din ng grade three kid yung pagkakagawa ko. Pero masaya pala. Balak ko pa bumili ng iba't-ibang sizes ng paint brushes.
TRYING HARD. Aside from cooking, painting is something I had newly found to be relaxing. The tree is .my favorite piece I had made today.  

Mga Plano.

7. Tuwing tinatanong ako kung anong balak ko after this school year, di pa rin ako makapagbigay ng konkretong sagot. Buti na lang may career guidance at counseling kaming pagdadaanan. Kung anuman ang piliin ko, ang sigurado ko lang ay involved pa din ito sa education.

8. Nag-inquire na ko about sa isang Diploma course sa graduate school ng isang prestihiyosong open university. Dapat naman talaga naka-enrol na ko, pero hindi ko tinuloy. Di ko pa din nasasabi kay papa na hindi pa ko enrolled. Lilipat na naman ako ng school, sana huli na ito. Pangatlong graduate school ko na to pag nagkataon, pero wala pa kong natatapos. Puro simula. 

9. Diploma in Research and Development ang balak kong aralin. Magiging malaking tulong ito sakin at pahirap din at the same time (ganun talaga, kelangan kong magtyaga at magsipag), bago i-pursue ang iba pang post-graduate studies plans ko sa buhay. 

Steady Lang.

10. May nag-aya ng date, dapat kanina, kaso tinatamad talaga ako at ayokong lumabas. Ayaw na din nya I think. Lol. Keri lang. No pressure.

8:13 PM

Comments

  1. Pangalan pa lang ng kurso mong kukunin nakakanosebleed na. Baka hindi ka na magkaroon ng lovelife nyan. haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Feeling ko talaga, sa isang coffeeshop ko sya mami-meet habang ako ay nag-i-study! :P

      Delete
  2. Cute cute ng work of art mo Meow, go to more brushes, masaya mag paint :) At resched ang date pag di na maulan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat zai!!! More art more fun!!! Oo, bili talaga ko kasi yung isang class ko kelangan ko talaga ng mga pinta-pinta... Harhar

      Delete
  3. Naks may nag-aya ng date! Bakit naman kinatamaran mo, di mo ba type haha... Gusto ko nga din magpainting, nakakaengganyo lang yung mga photos na pinopost nung isang friend ko, may business kasi sila that offers painting classes. Magkabudget lang ako mag-e-enroll ako. Meal plan, mukhang ok yan ah. Nga lang di naman pwede magluto sa dorm namin kaya sa ngayon pangarap ko pa lang yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Marj, feeling ko kinatamaran ko lang talaga.. Hahaha
      Relaxing yung pagpe-paint pala. Pati pagluluto. Sa susunod nga, try ko picturean yung mga gawa ko. Hehe. Ok din sya kasi kahit pano, nareregulate ko ang sarili ko sa pagkain sa fastfood. Grabe kasi, ang lapit ko lang sa mcdo and jobe and usually every morning kapag tinatamad ako, laging fastfood, ayan tuloy, tumaba ako. Lols.

      Masaya naman pala maging single. Wahehehehehe

      Delete
  4. Glad that you are enjoying your life kahit minus lovelife. Darating din sya:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tiwala lang Mamijoy and prayers din.. Hihihihi.. Ang ganda-ganda ng lugar nyo! Sana madalaw ko kayo jan sa Norway :)

      Delete
  5. Numbah 10 </3

    ReplyDelete
    Replies
    1. i know right... may ibang araw pa naman :D :D :D

      Delete
  6. 2. Maginhawa rin ang walang advisory class nababawasan ang mga sakit sa ulo :)

    3. Parang ang ikli ng 40 minutes cher Kat

    6. gusto ko rin i-try yang painting na yan, kaso malamang puro ako abstract hahaha

    God bless sa iyong patuloy na pag-aaral sa graduate school, ako nga eh wala pa naumpisahan hahaha, sana this 2nd sem maka enroll or sa summer or next school year, pero bago yan, dapat bumuhos muna ang biyaya para may budget lols :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm... direct to the point na ang mga instruction pero nangangapa pa din ako.. in fairness naman, ayun,. one concept per day..hahaha

      Delete
  7. ang cool na teacher ka madam!!!! hehe labsit. :)

    ay jusko yung grad school ko rin natengga lang. sad love song. :(

    sayang naman ang date. akin na lang? charot. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha.. i think, mas apt yung, ang sungit kong teacher? hahaha.. thats what I always get :P

      mag-grad school na tayo :D :D :D more degrees more fun! hahaha

      yung date? natuloy sya!!! hahahahaha.. nung Saturday afternoon :) Sakto lang naman.

      Delete
    2. hahaha.. i think, mas apt yung, ang sungit kong teacher? hahaha.. thats what I always get :P

      mag-grad school na tayo :D :D :D more degrees more fun! hahaha

      yung date? natuloy sya!!! hahahahaha.. nung Saturday afternoon :) Sakto lang naman.

      Delete
  8. Sa tingin ko, kung ang mga teachers ganito, hayahay! hehe

    pero, maganda pa rin ang lumabas for a date pag may time.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa aling aspeto ng pagiging teacher naging hayahay? hehehe...
      We all need time for dates and sweet nothings every now and then :)

      Delete
    2. hehe, yung ibig kong sabihin, eh hayahay ang mga estudyante. pero saludo ako sa inyong mga teachers, eto nga sana first choice ko bago magcollege.hehe

      True. mahirap din kung matagal na wala man lang nagbibigay ng konting thrill sa puso mo >hikbi<

      Delete
    3. *abot tissue* punas ka muna sipon.. Hahahaha...
      Oh well, hanap hanap din pag may time :D

      Delete

Post a Comment

Feel free to comment :)

Popular posts from this blog

The Man Behind the Metaphors

Katkat's A-Z!

11 Things I Will Miss