Tagalog Blues
Gusto ko lang managalog ngayon. Kainit ng ulo ‘tong init dito
ngayon.
Di naman masyadong busy sa school, pero sa isang taon at
pitong buwan kong paglalagi rito, nakasanayan ko na rin at na-master ang art ng
pagpapanggap ng pagiging busy-ala-Nihonjin. So, ayun, mabilis na lumipas ang
oras.
Mas productive ako kapag sarili kong laptop ang gamit ko, so
iniisip ko pa kung pakikiusapan ko yung boss ko na sarili kong laptop ang
gagamitin ko kapag gumagawa ko ng mga additional worksheets at iba pang paperworks
para sa school. Yes, issue yan dito. Malaking issue.
Anyway, di pa ko destined mag- oh-baby-baby-my-baby-baby sa
Taiwan this October. Ang siste, makikipag-kompitensya na lang ako ng ganda sa
mga ladyboys sa Thailand at magtetemple run sa Cambodia bilang Halloween trip.
Yung autumn trip ko, pagiisipan ko pa kung san ko sya gaganapin. Ituloy ko pa
rin kaya yung oppa-oppa project? Afford ko nga yung pamasahe, kaso wala naman
na kong pocketmoney kapag nagkataon. Anubanamanyan life? Ending nito, fall in
bed na lang ako sa bahay. Tipidichi until flylaloo to Thailand and Cambodia.
Kelangan ko nang seryosohin ulit ang pag-aaral ng Japanese,
mej matagal na kong tumengga simula nung natapos yung test nung July 1 at may
balak yata akong magsuicide this coming school year 2018-2019 sa UPOU ko, kasi
nag-ask ako ng permit kung pwedeng kumuha ako ng maximum of 9 units, para
matapos ko na agad yung DLLE at makapag qualifying exam for MA Degree sa April
2019, para makapag-thesis ako ng mid 2019. Harinawa. Harinawa, mapanindigan ko
tong lahat.
Pero iba ang panalangin ng lola ko eh. Harinawa daw,
mag-asawa na ko. Anuberr… Di pa nagsawa sa 21 na apo, gusto pa ng apo sa tuhod
ni lola. Hahaha.
Kelangan ko nang matapos yung librong binabasa ko. Aba,
mag-a-Agosto na!
Joskolord! Mas nag enjoy yata ako sa entry na to. Hahaha!
ReplyDeleteBakit ka mag Taiwan? May job offer ka dun?
As for the ladyboys, well, i dunno. Lamang pa sila ng isang bagay sayo. Hahaha! Mag temple run ka na kang sa Cambodia. Yeees! Dami ipon ni ate ah. Hahaha!
As for me, wala. Nga nga nako. Lagi lang ako sa loob ng bahay at sa kwarto. And besides, summer na. Nagtatago ako mula sa init. Sa gabi na lang ako nalabas.
Anyway, sugod na sa bagong school year. Patay kung patay! Aja! Fighting!
Saka na muna yang pagaasawa. Bata ka pa! Atupagin ang pagaaral! Chos!
Namiss kong kumuda in tagalog. hahaha
DeleteNope. Annual meet up sana namin ni Cher Jo sa Taiwan sana this time, kaso lang mej nagkaron ng changes sa schedule ko kasi leaving na yung isang kasama ko sa school, eh kung over the weekend lang naman ako, lugi sa fare si Cher Jo pag Taiwan. LOL. So, ako na lang magvisit sa kanya muna on a weekend sa Thailand :)
Ayun, lumabas na yung available subjects for the next sem, at available din yung non-thesis track for MA degree, which what I will most likely take na lang din since mahihirapan akong to coordinate with a thesis adviser sa Pilipinas. Pero, ayun nga, kelangan ko ng above average na GWA to push with the degree, kaya patay kung patay, grade conscious ang peg ko, balik HS. Hahaha..
PiptinPoreber!
Una, very refreshing ang tagalog post mo na ito cher :)
ReplyDeleteNa-curious ako dun sa laptop? Anong hanash sa paggamit ng sariling laptop at yung laptop sa trabaho?
Good luck sa iyong mga travel-ganap, hangdami, abangan ko ang mga iyan :)
Go lang sa pag-aaral cher! Harinawa, hawaan mo naman ako ng motivation at determination hahaha!
Habang tumatagal, napapadalas na rin ang mga tanong sa akin tungkol sa pag-aasawa hahaha, feeling ko nandun na ako dun sa mga nauna mo pang mga post ukol dito, but I don't feel any pressure right now, because my pamily, oh my gosh hahaha!
More power cher!