Boredom Strikes

Distance learning is not an option anymore.

Hindi sya madali lalo at nakakaintindi ka na kasi hahanap at hahanap ka ng dahilan para hindi mo matapos ang modules. Lahat na ng alibi, excuse, kwentong katamaran, lalabas at idadahilan. Pati yung maingay na karaoke ng kapitbahay mo, idadahilan mo.
Napaka-boring umupo sa isang tabi at magnilay-nilay sa mga salitang nakasulat sa module. Sobrang nakakabagot, pero sa pinaka-nakakabagot na oras na yun, andun ang pagkatuto. Piliin mong maging kakampi mo ang sarili mo. Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong mabagot kung andun ang pagkatuto. Inilahad na sayo ang karapatan mo sa edukasyon, obligasyon mo naman ang matuto.

Comments

Popular posts from this blog

It's her time to go.

11 Sept 2023

29 Sept 2023